Chapter 2

19 0 0
                                    

Napadpad ako sa campus ground sa paghahanap kay Bryan at ang walangya, ngingiti ngiting nakatingin asa kawalan. Hahaha. Buang talaga.

Nakalapit na ko't lahat pero di pa din nya ko napapansin.. Sinundan ko yung tinitignan nya. Psh!

"Hinanap pa kita, sisilay ka lang pala!" Ako yan. Di ako selos ha!

"Ayi! Nagseselos ang Baby ko.." Bryan

"Iw. Asa. Nasa room na kasi si Ma'am, maggroupings na!"

"Asus, nasa in denial stage pa si Baby. Wag kang magseselos ha? Ikaw lang naman love ko e." Bryan sabay akbay sakin.

Huminto yung heartbeat ko, literal!! Jusme, may sakit ba ko?

Dko nalang pinansin yung sinabi ni Bryan at nagmadali ng bumalik sa room.

**
"Since late kayo, sainyo na tong chapter 4, liquidation. I expect na 2 chapters ang marereport next meeting. Good bye class." Ma'am Reyes

Kakapasok palang namin ng room, ni hindi pa kami nakakaupo, sinabi agad ni ma'am yan. Huhu. Tsaka grabe, liquidation? Hirap ata nun. T.T

"Bes, tutor mo ko sa sabado ha? Punta ko sainyo, pakain na din. Huhu." :3

"Takaw talaga ng Baby ko." Bryan, nginitian nya ko habang ginugulo buhok ko.

"Ano baaaaa." Sabay hampas ko sa kamay nyang gumugulo sa buhok ko. Pero dahil mabilis ang kamay nya, ulo ko ang nahampas ko. Huhuhu!

"Ang sweet naman nila!!"

"Narinig mo ba, pupunta sya sa sa bahay nila Bryan?!!!"

"Sila nga ata."

"Maghihiwalay din yan."

Ano bang problema nila? First year college na, parang mga high school padin. Dpa nakakamoveon, ganon?! Bestfriends kami since 2nd year high school. And yes, high school palang, heartthrob na sya. But unlike ngayon, friendly sya non. As in. Muka na nga syang flirt kasi halos lahat ng lumalandi sakanya, pinapansin. Pero nung magggraduation na kami, biglang parang wala ng nakikitang babae. Weird, right?

Anyway, buti nalang TTh lang ang ParCor (partnership and corporation), mapapag-aralan ko pa ang liquidation. Huhu naman bakit iyun pa natapat samin. Huhuu!

**
Habang nagchichismisan ang mga kaklase ko, habang pinagchichismisan kami ng mga kaklase namin, rather.. Hinatak ako ni Bryan palabas ng room.

"San tayo?! Nako pagchichismisan na naman tayo Bes. Alam mong ayoko ng spotlight!" Sunud-sunod kong sabi.

"Caf lang. 1hr pa naman bago next class." Bryan

"Okay!!" ^____^v

Madali lang naman akong kausap eh. Hahaha!

**
Nilibre lang ako ni Bes ng frozen chuckie at carbonara. Hihi. Pag nililibre nya ko, bes ang tawag ko hindi Bryan, ugok o buang. Hahahaha!

"Baby, niloloko na kong bakla nila kuya, tayo nalang kaya?" Bryan

"Ha. Ha. Ha. Tatawa na ba ko? Bat kasi ang sungit mo sa mga babae?! Para kang buang. Bading ka ba? Hahaha."

"Pagsinabi ko bang gusto kita kaya ikaw lang ang nakikita ko, maniniwala ka?" Bryan. Weirdo talaga to. Kinakabahan na ko sa pinagsasabi nya ha.

"Hahahaha! Funny ka ha?" Nagkunwari nalang akong natatawa kahit ang totoo parang naging uneasy na ko sa topic namin. Well, hindi naman ito yung unang beses na tinanong nya ko ng ganyan pero ewan ko ba.. May iba ngayon..

Ginulo nya ang buhok ko. "Sabi na nga ba, wala talaga." Sabay ngiti nya na parang malungkot(?) at inaya na kong bumalik sa room.

Ha? Dko ata sya nagets?

**
Naglalakad na kami pabalik sa room ng may lumapit samin.

"Hi! Alam nyo ba kung san yung building ng College of Business and Accountancy, room 214?" Sabi nung babae habang nakatitig kay Bryan. Huh! Akala mo naman papansinin ka nyan.

"Dun din kami pupunta, kaya lang sa room 212, sabay ka na." Literal na nalaglag ang panga ko, opo, sumayad pa sa sahig! Wth?

Napatitig ako sa babae at naalala kong sakanya nakatitig si Bryan nung nasa ground pa to.

Naks hindi bading si Bes. Dapat natutuwa ako dahil nakikihalubilo na uli sya sa iba, na kumakausap na sya ng ibang babae, dapat masaya ko ngayon para sakanya pero bakit parang ang bigat ng dibdib ko?

Love Knows No GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon