Nagising ako bandang alas siyete na. Pisteng yawa! Hindi pala ako nagbihis. Malamang ay sa sobrang pagod ko na rin.
"Hay..." napabuntong-hininga ako bago bumangon at dumiretso sa banyo para magpalit at mag-freshen up.
Matapos ko sa banyo ay bumaba na rin ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Pagbaba ko nakita ko sina dad na kumakain. Sakto, gutom na ako. Umupo na ako tsaka kumuha ng pagkain.
Tanging mga kubyertos lamang namin ang naririnig sa sobrang tahimik. Okay na 'to kesa naman nag-iingay ang isa diyan.
Peaceful.
"Kamusta naman ang pag-m-mall niyo?" Si mom, emphasizing 'pag-m-mall'. Bakit ba napakainteresado niya sa buhay ko? Bakit kaya hindi buhay nang iba diyan ang pagka-interesan niya?
Napaka-interesante ko pala kung ganu'n. I should be proud.
"Hmm? Okay lang?" sarkastiko kong tugon. Not me. Huwag ako.
"Beatriz!" galit na sigaw ni dad. "Igalang mo ang mommy mo!" Really? Igalang? Dapat siya nga 'yung sinasabihan niya nu'n e.
"Is that what you get from your friends? Masamang ugali?" dinamay pa nitong si mom ang mga kaibigan ko.
"What do you think?" nanghahamong sabi ko. Konti pa.
"Wala ka talagang modo!" Sigaw nito sa akin, ramdam ang galit. I have, pero sa'yo, wala!
"Dad, you're grounding me while her? Ang sama pa ng ugali niya tapos you don't want to ground her? My God dad!" singit ni Avril, nagrereklamo.
Arte amp.
Edi Ikaw na mabait! Sa'yo na lahat! Perfect ka na!
Kairita.
Tumayo na ako tsaka umalis. Ayokong marinig ang mga panenermon nila sa'kin. Hindi nila ako kailangang pagalitan. Alam ko ang mga ginagawa ko. Alam ko kung ano ang mali sa tama.
Pabagsak ulit akong humiga. Hindi ako nabusog. Parang wala lang lahat ng kinain ko sa enerhiyang inilabas ko. Grabe talaga 'tong pamilya na 'to, lahat may say e. Hays. Letse!
*****Weeks had pass. Dati pa rin kami. Sagutan dito, sagutan doon. Awáy dito, awáy doon.
"Palagi ka na lang, alam mo 'yun? Paepal ka e. Akala mo naman napakagaling mo sa lahat ng bagay! Ma-papel ka talaga!"
Sinusumbat niya sa'kin ang tungkol sa hindi ni daddy pag-g-ground sa akin. Hindi niya matanggap na grounded siya while me? Nakakalabas pa rin kahit masama ang ugali.
Sina Sarina? Bihira na kami magkita pero lumalabas naman kami minsan, kapag naisipan lang.
"How's your relationship with your mudrakels?" Sarina asked. Hindi naman ako nag-o-open sa kanila, so, wala silang alam talaga.
"Hmm... dati pa rin. Didn't change a bit." Kaswal na sabi ko na parang hindi big deal. Well, hindi naman talaga.
Si ulap? Tss. Madalas kaming magkasabay. Ewan ba du'n parang tanga. Palagi na lang akong inaano, di ko naman siya inaano. Pikon tuloy ako lagi sa kanya. Nang-aano e.
"Krass mo ko, 'no?" napangiwi ako sa tanong niya.
Masyadong makapal ang mukha niya. Totoo 'yun.
"Asa."
August 13,2018
Maaga akong gumising para makaalis sa impyernong ito.
YOU ARE READING
Time And Beyond
RandomUmuwi si Beatriz mula Canada because of her dad. In fact, she doesn't want to go to Canada before, but things become more complicated here in the Philippines, so she agreed. With the hope that she finally moved on from him, umuwi siya. Will she fee...