"Aba Nida, ano na? Hindi kaba talaga magbabayad ng utang mo? Sing-haba na ng kalye na 'to ang listahan ng pangalan mo sakin!" Napapikit ako sa irita ng marinig ang tinis na boses ni Aling dyosa.
Naniningil nanaman.
Nawala ang irita nang marinig ko ang nakakaawang boses ng mama ko.
"Dyosa, pasensya na ha. Wala talaga kasing pumapasok na pera ngayon, wag kang mag-alala sa oras na makasahod ako sa factory, sa'yo ko agad idederetso." Tumayo ako sa higaan at pinatay agad ang elektrikfan, mahal ang bayarin ngayon. Lumabas ako mula sa kahoy-kahoy naming kwarto ng ate ko at dumiretso agad sa pinto.
"Aling dyosa, alas-sais palang. Tirik na tirik at mulat na mulat ang araw oh." Pamungad ko, humarang naman si mama sa harapan ko at humingi ng tawad sa matandang mataba na 'yon.
Isinara niya ang pamaypay at dinuro sa'kin 'yon.
"Hoy Otso! Sinong hindi bibilad sa nakatirik na araw na 'yan sa utang ng Nanay mo? Jusko, bente mil!" Nag-simula ng lumakas ang boses niya. Nag-iiskandalo. Yumuko ang Nanay ko at pinag-kuskos ang mga palad niya.
"Parang awa na, Dyosa. Maniwala ka, babayaran ko lahat yan kapag nakasahod ako." Tumaas ang kilay ni Dyosa at tumalikod. Ang Nanay naman ay nakayuko lang sa harapan ko, nakatikod siya. Tumingin naman ako sa mga kapit bahay namin na nakikichismis.
"ANO!"
Marahas naman akong tinulak papasok ni Nanay sa loob ng bahay at galit na ibinagsak pasara ang pinto.
"Eight naman! Kaunting respeto kay Aling Dyosa, alam mo naman-"
"Siya ang pinagkukuhanan natin ng pera? Aba Nay, nagbabayad naman tayo ah." Malakas niyang tinampal ang bibig ko. Napaatras ako dahil sa galit ni Nanay.
"Wag kang bastos, Eight. Sa ganitong buhay, parang awa mo na. Maging maayos ka." Naupo si Nanay sa bangko naming upuan at nagsapo ng uluhan. "Parang awa mo na Eight. Hindi madaling pagkaitan ng kasaganahan sa mundong 'to. Kaunting pang-iintindi naman."
Umiwas ako ng tingin sakaniya at napatitig sa nalalaos naming dingding na gawa sa plywood nang tumingin sa'kin si Nanay kasabay ng pagtulo ng luha niya.
"Halos magkanda kuba-kuba na ang Tatay mo sa konstraksyon, pero dahil doon lang tayo. Pati ang pera pinagkakait." Tumayo siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Hindi madaling tumakas sa triyangulo, Anak."
Saka siya umalis sa harapan ko at dumiretso sa kusina.
"Mag-ayos kana. Mahuhuli ka sa klase mo."
Pinakawalan ko ang kanina pang pinipigilan kong hininga at nag-umpisa ng mag-ayos. Hindi narin ako nag-paalam ng umalis ako para pumasok sa iskwela.
Hindi ko nga rin alam paano ako nakakapag-aral dito. Mahal ng tuition.
Bago ako dumiretso sa paaralan ko, pumunta muna ako ng local black shop malapit dito sa'min para mang renta ng susuotin.
"Ito nalang po." Inilagay ko sa lamesa ang dalawang daan at lumabas mula sa shop at nag-hanap ng public na banyo saka doon nagbihis at nag-ayos.
Humarap ako sa salamin at magandang ngumiti ng makita kung gaano kabagay sa'kin ang suot ko, kulang puti na skirt at top na may cropped blazer. Chanel.
Pero imitations lang.
Inilagay ko ang headband at naglipstick lang saka pumunta sa tapat ng gate ng school ko, at hinintay 'yong parating humihintong sasakyan dito mismo sa tapat ko bago ako magpakita.
Nang makita na ang sasakyang huminto, agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at taas noong nagpakita sa lahat.
Hanggang sa hallway ay naririnig ko ang bawat bulungan ng mga istudyante, kung gaano daw ako ka elegante at kayaman.
"She's wearing another Chanel?"
"Isn't that the new launch Chanel Coordinates?"
"God! She's rich rich!"
Palihim akong ngumiti at pumasok sa classroom at masayang umupo sa upuan ko. Dinumog naman ako ng mga kaklase ko para itanong kung saan ko nakuha ang damit ko.
'Sa black market.'
"Si Mommy kasi bumili eh." Sagot ko sakanila.
"You're so lucky, Eight. Like your name." Sabi ni Fiery, anak siya ng Governor sa lugar namin. "Sobrang talino mo pa, your family's very lucky to have you talaga." Sabi niya habang lumulundag ng maliliit. Tumawa lang ako at tumingin na sa harapan ng pumasok ang isang teacher namin.
"Caste System." Pagsasabi ng teacher habang nagdadrawing nga Tatsulok. "We have the Brahmins, or also known as the highest of the Triangle. They are priest, teachers." Sabi nito habang sinusulat ang pangalan.
"Second is the Kshatriyas, the second highest of the triangle. They are warriors." Panglalaman niya sa pangalawa sa tatsulok.
"Third is the Vaishyas. Third of the Triangle, represented by the agriculturalists, traders, and money lenders." Ang akala ko ay hihinto na siya sa pangatlo pero hindi parin siya tumitingin sa'min at nagtuloy-tuloy parin.
"Fourth, Shudras. Represents the backbone of the triangles, in which they are revered for their dutiful conduct toward life duties set out for them." Napalunok ako ng matapos niyang sabihin 'yon at tumingin sa'min. Napakunot ang noo ko ng makitang gumuhit pa siya ng isang guhit pero nasa labas na 'yon ng dulo ng triangulo.
"Fifth, the Dalits. Those at the bottom of the hierarchy, who fall outside the four main categories are called Dalits. Inshort, they are outcast, sweepers, and no place in the caste system, that's why the're outside of this System." Dinuldo niya ang pisara ng tatlong beses, sa mismong 'Dalits.'
"That's the Triangle of Life, anywhere in this planet has this kind of System." Nagdrawing siya ng panibagobg triangle. "But sometimes, those people labeling themselve this," tsaka niya sinulat ang Brahmins sa pinakatuktok. "Are nothing but this, in reality." Gumuhit siya ng mahabang arrow mula sa brahmins hanggang sa Dalits.
Tsaka siya tumingin sa'kin at ngumiti. Nanlamig ako sa kinauupuan ko at umiwas ng tingin.
"Anyways, that's the Caste system of Hinduism. Any questions?" Nagsabi na ang lahat ng wala kaya nagdismiss na siya. Pero hindi ko parin makayanan ang pagtayo mula sa kinauupuan ko.
"Eight?" Tumingin ako kay Fiery. "Aren't you gonna go home? Tapos na classes natin." Ngumiti siya saka tinapik ng marahan ang balikat ko saka umalis.
Caste System?
YOU ARE READING
Triangle
General FictionIf luck doesn't go with you, murder it. Ps: unpredictable update time.