"Babaeng natagpuan sa dalampasigan, kinilalang si Aleah Birkins, 28 years old at isang Guro sa Green Village University sa Metro Manila,"
Nilapag ko ang malaking bag sa lamesa pag-uwi ko sa bahay, napatingin ako sa tv na nakasindi habang si Lola ay nanonood habang nagpapaypay at pinapagalaw ang upuang duyan niya.
"Ayon sa pag-iimbestiga ng kapulisan, murder ang case ni Ms. Berkins dahil ayon sa isang nakapanayam ng aming team ay may sugat ang dalagita sa likod at noo nito dahil sa pagpalo ng matigas na bagay na sanhi ng pagkaubos ng dugo at tuluyang pagpanaw nito. Usap-usapan rin ang salitang 'Dalit' na nakastamp sa batok at dibdib neto."
Napahawak ako ng mahigpit sa bag na dala ko at tinitigan ang itsura no'n. Sunog ang balat niya at natatak nga ang Dalit.
"Hm, napapadalas ang pag-uwi ng gabi, Apo." Mabilis kong inalagay sa ilalim ng lamesa ang bag na dala ko nang tumayo si Lola at tumingin sa'kin.
Umuusok pa ang sigarilyo sa bibig niya, kinuha niya ang sigarilyo at inipit sa gitna ng daliri at inilagay sa ashtray. "Kumain kana, nagluto ako ng ramen."
"Magbibihis muna'ko." Kinuha ko ang malaking bag at nagmamadaling pumasok sa kwarto at inilock agad ang pinto pagkapasok ko. Napasandal at dausdos ako habang humihinga ng malalim sa likod ng pinto.
'This will not involve you, don't worry.' Nakatitig ako sa katawan ni Ms. Aleah ng wala man lang nararamdaman na awa.
Tanging umiikot sa ulo ko ay ang paano ko mababayaran ang utang ni Lola na humihigit ng isang daan libo. Ni hindi ko naiintindihan ang sinasabi ni Mrs. Ishaela.
"Eight? Eight!" Napalundag ako ng kaunti sa pasigaw na tawag niya sa'kin, agad akong humarap sakaniya at napaatras ng bigla niyang ihagis sa'kin ang kalakihan na bag at may kabigatan.
"You look and act exactly like Eight Burninghamn. Parehonh nabubulok sa loob, parehong mapanghangad. At parehong may paraan."
Nagulo ko ang buhok ko at mahinang natawa.
Finally getting my step up there...
Tumayo ako at inilapag sa higaan ko ang bag at binuksan. Namuhay ang ngiting hindi ko matukoy sa mukha ko, kumuha ako ng tatlong tumpok ng pera at inilagay sa puting envelope at sinulatan sa likod.
'100,000'
Lumabas ako ng kwarto matapos itago ang bag at nagbihis, nakaready na ang umuusok sa init na ramen at nasa lababo si Lola. Mukhang naghahati ng mga carrots.
Mahina kong inihagis sa lamesa ang envelope ng makaupo si Lola sa lamesa. Tumingin siya sa'kin sabay abot ng envelope. Sinimulan kong kumain at hindi man lang natinag sa pagbagsak niya ng envelope at ilang pera sa lamesa kasabay ng pagtayo niya.
"S-san mo galing 'yan?!" Habang ngumunguya ay kinuha ko ang papel kung saan nakasulat ang babayarin ni Lola na pinunit ko sa notebook niya at inilapag sa lamesa. "Eight..."
"Saan mo galing ito, Apo?" Hindi ko siya pinansin at itinuloy lang ang pagkain. "Eight, apo saa-"
Pabagsak kong inilapag ang kutsara ko sa lamesa. "Tanggapin niyo nalang kasi. Atleast mawawalan kayo ng utang."
"May ginagawa ka bang hindi dapat ginagawa?"
"La naman!" Nakagat ko ang labi ko at napahawak sa noo ko. "Bahala na kayo."
Pumunta ako sa kwarto at malakas na ibinagsak ang pinto pasara. Kinuha ko ang maleta ko at inilagay doon lahat ng gamit ko. Saka ko kinuha ang bag at binuhos sa kabila ng maleta ang pera, nagtira ako ng iilang tampok ng pera sa kama ko at naghintay ng oras para maka-alis.
Nang makitang sumaktong alas dos ng madaling araw, naisipan ko ng lumabas dala ang mga gamit ko.
Dahan-dahan kong isinara ang gate at naglakad ng naglakad palabas sa pinaka daan. Sumakay ako ng jeep hanggang sa makapunta ako sa bayan, doon ako nakahanap ng maliit na apartment. Nakagitna ang apartment sa mga nagtitinda ng mga prutas, para lang siyang sirang building pera bahay sa loob.
"2,500 monthly ito, Ineng." Hindi ako sumagot at nagbigay ng limang libo sakaniya, binigay niya ang susi.
Pumasok ako at isinara agad ang pinto. Maliit lang siya, parang kwarto lang. May single bed sa bandang kaliwa, sa harap naman ng bed ay lamesa at upuan na pang-isahang tao lang. Bungad naman sa pinto ko ang isang electric stove at maliit na lababo. May banyo din siya, pero ang sikip.
"Ayos lang, isang daang libo pa ang nasa'kin." Inayos ko ang gamit ko, pero imbis na mag-aral ulit.
Naghanap ako ng trabaho.
...
Nakahanap ako ng trabaho bilang katulong sa isang villa. Nakapasok din naman agad ako at nakapagstart ng trabaho, dahil hindi sigurado kung hanggang kailan abot ang pera na binigay sa'kin ni Mrs. Ishaela.
Sa pagtatrabaho ko sa Villa, nakabisado ko na ang hindi ko kilalang boss namin. Dalaga daw siya at hindi na umuuwi dito sa Villa niya pero, gusto niya palaging malinis at mabango ang kabuuan ng bahay.
May umuuwing Mayordoma dito para icheck lang ang mga gamit. Pero ako madalas ang mahita niya, sa isang linggong pagtatrabaho ko rito, wala siyang kinalimutan na araw para hindi ako ipahiya.
"Ang kitid naman ng ulo mo, Otso! Ang sabi ko kumikintab na vase. Hindi basag!" Nakayuko ako at nagpiligil sakaniya.
Siya ang may kasalanan bakit basag ang vase na 'yon, tinulak niya kasi habang kinukuskos ko...
May narinig din ako mula sa mga kasamahan ko dito na, sa states nakatira ang boss namin. Hindi rin daw nila kilala at hindi pa nakikita, kahit ang mayordoma daw ay hindi pa nakikita ang dalagita.
Ni pangalan daw ay hindi nila alam, at tanging Lucky ang alam nila. Tinawag daw sakaniya 'yon dahil sa sobrang yaman niya. Tuloy-tuloy daw ang pasok at pagdating ng malalaking halagang desenyo at butingting sa bahay kahit jindi umuuwi ang dalaga.
Nariyan na daw na darating ang isang mamahalin na painting, sofa set. Golden tables, naghuhumigit na milyong mga vase at mga halaman na sa ibang bansa lang makikita. At tanging letter lang ang kasama no'n.
Palagi daw nakalagay ay,
"Please take care of my babies. Keep the house clean and my bedroom webfree."
Kahit na ganoon, nakaramdaman nanaman ako ng inggit.
Kahit anong gawin nila ay hindi sila nahihirapan, samantalang ako. May hawak ng malaking halaga pero alam ko na mauubos yon sa araw-araw ko.
Kailangan kong gumawa ng paraan.
Hindi ako mananatili dito. Ayoko.
YOU ARE READING
Triangle
General FictionIf luck doesn't go with you, murder it. Ps: unpredictable update time.