Nakapagpaalam na ako kila Dalia at tita Rose, na-explain ko na rin sakanila ang mga nangyari. Nagpasama ako kay Jiro na bumili ng ilang gamit dahil balak ko na linisin ang kwarto ko at bumili din ako ng mga pwedeng i-display dahil subrang plain nong kwarto, ayuko pa naman sa mga plain lalo na kapag white. Tapos bumili na rin ako ng lulutuin dahil balak ko na ipagluto sila, it's my job actually. After non Kinuha ko na yung mga gamit ko at bumalik na ulit kami sa palasyo nila, sumakay kami ng karwahe dahil masyadong madaming gamit ang nabili ko at saka ayuko na mangyari ulit yung kanina baka mapatay ko ng 'di oras si Jiro.
Kinagabihan pinagluto ko sila ng pagkain, nagustohan naman nila kaya natuwa ako. Kinabukasan nag-aayos ako ng kwarto ko, pinunasan ko ang cabinet tapos yung sahig dahil maalikabok. Nag-agiw din ako dahil may mga sapot-sapot na rin lalo na sa mga gilid-gilid. Pagtapos ko ayusin yung kwarto yung banyo naman yung nilinis ko. Medyo madilaw na yung toilet then yung sahig medyo madulas na.
After ko linisin ang banyo naligo na rin ako para sunod-sunod na yung pahinga ko. Hubad akong lumabas ng banyo kasi hindi ako nakakuha ng towel at damit ko. Naglalakad na ako papunta sa cabinet nang biglang bumukas yung pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang pumasok si Jiro, pareho kaming natigilan.
"S-Sorry" sabi niya at agad na tumalikod at lumabas ulit ng pinto at sinara 'yon
"Oh ba't ka lumabas?" Rinig kong tanong ni Rezo
"Mamaya na tayo pumasok"
"Bakit? Hindi pa siya tapos mag-linis?"
"Basta! Wag kang makulit"
Sh*t! Bakit ba kasi nakalimutan kong i-lock ang pinto! Tanga-tanga mo self! He saw it!! He saw everything!!
Mabilis akong naghanap ng damit at nagbihis na agad. Dahil sa pamamadali ko shorts at sando lang nasuot ko. Nang maayos na ang itsura ko agad kong binuksan ang pinto at nakita ko si Jiro at Rezo na nakasandal sa pader.
"Oh, andiyan na pala" sabi ni Rezo
"Uhm...m-may kailangan kayo?" Awkward na tanong ko
"We have meeting" sagot ni Jiro at hindi siya makatingin ng deretso sakin
"Uhm...okay"
Lumabas ako at sinara ang pinto. Sumunod ako sa kanila, tahimik lang kami ni Jiro habang panay naman ang daldal ni Rezo. Pumunta kaming sala at nandoon na sila Healy at mukhang kami nalang hinihintay.
"Bakit ang tagal niyo?" Tanong ni Riz
" Sorry, naglilinis kasi ako ng kwarto" sabi ko at naupo sa tabi ni Healy
"Talaga? Can I see your room?" Excited na tanong ni Healy
"Hm..sure"
"Okay, let's start the meeting" sabi ni Jiro "Rezo, let's start with you"
" As usual wala pa din makuhang information about them. Masyado silang maingat" sabi ni Rezo
"Healy"
"Still the same"
" Me too" sabi ni Lyr
" Wala ba kayong makuha kahit isang simpleng report lang about them?" Naiiritang tanong ni Riz
" E ano gagawin namin? Like Rezo said masyado silang maingat" sabi ni Healy na may halong irita na rin
"Maingat o hindi niyo lang talaga inaayos ang trabaho niyo?"
" Bakit ikaw nagawa mo ba trabaho mo?"
Hindi nakapagsalita si Riz
" See? Dami mong sinasabi ikaw din naman"
BINABASA MO ANG
I'm The Unwanted Hero(so I joined the villain side) (Isekai Series 3)
FantasyAerine the unwated hero, her companion fired her from their party because she's the weakest member. She became adventurer until she met someone from the villain side. She joined the villain side and become heroes enemy. ------------------- /ne_zu_...