Prologue

47 3 0
                                    

Kadiliman. Kadiliman lang ang nakikita ko simula ng araw na yon. Almost 9 years na ang nakalilipas simula ng mangyari ang isang aksidenteng nagpabago ng ikot ng mundo ko. Aksidenteng ni di man lang pumasok sa musmos kong pag-iisip na mangyayari pala sa isang tulad ko na ang kasiyahan lang ay maglaro with my friends at pumunta kung saan saan.

7 years old ako non at birthday ko na kinabukasan. At dahil sa birthday ko nga kinabukasan, ipinasyal ako nina mama at papa sa paborito kong park. Ako lang ata yong batang may pre-birthday celebration at post-birthday celebration. Tatlong beses ako nagcecelebrate ng birthday ko sa isang taon.

Di naman kami mayaman. Nasa middle class lang ang status namin sa lipunan. Birthday celebration/family day namin ang una at huling araw ng celebration ko. Para naman sa mga friends ko yong mismong birthday ko. Di ko kase sila nakakasama kahit family day dahil busy sila pareho sa work para maitaguyod ang maliit ngunit masaya naming pamilya. Dalawa lang kaming magkapatid at ako ang panganay. Mas matanda ako ng dalawang taon sa kapatid kong babae.

Sa murang edad, naiintindihan ko na kailangan nilang kumayod at magbanat ng buto kaya palagi silang wala sa bahay. Sa isang travel agency sila nagtratrabaho bilang tourist guide sa mga touristang gustong makita ang ganda ng perlas ng silangan if you know what I'm talking about. Di naman kalakihan ang sahod nila. Tamang tama lang sa gastusin araw araw at pang matrikula naming magkapatid. Lumaki akong walang luho sa katawan kabaligtaran ng kapatid ko na kahit sa murang edad ay kakakitaan mo na ng pagkakikay. Di naman super kikay; pero sa tulad kong simple lang; kung itatabi sa akin ang kapatid ko ay talagang makikita mong kikay siya in a good way if you know what I mean. Pero kahit ganon super close kami to the extent na di kami mapaghiwalay. Kailangan kung nasaan yong isa dapat nandon din ang isa.





***********




Masayang masaya ako at super excited akong nagtatatakbo-takbo dito sa park sa may subdivision namin. Mayron kaseng malaking park na malapit sa simbahan. Nakakakita rin ako ng mga batang tulad ko na habol habol ng mga magulang sa nagtatatakbo nilang mga anak na gaya ko.


_Ingat lang anak sa pagtakbo at baka madapa ka." nilingon ko naman si mama na sumusunod sa akin at nakangiti ng malawak. "opo mama. Wag ka pong mag-alala." sigaw ko pabalik at nagpatuloy na sa pagtakbo habang parang body guard ko naman si mama na nakasunod lang sa may likuran ko na parang di napapagod Nadaanan ko pa nga sina papa at Lilibeth na kumakain ng ice cream sa tapat ng ice cream vendor. Di kase pala laro ang kapatid ko dahil ayaw raw niyang mapawisan. Nginitian ko na lang sila at kinawayan habang patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Buti wala pa akong batang nababangga.

Di naman ako nahihirapan sa pagtakbo dahil naka T-shirt at pantalon with robber shoes ako habang naka pony tail naman ang hanggang balikat kong buhok. Boyish nga raw ako dahil medyo magaslaw ako kumilos di gaya ng kapatid ko na laging naka dress ssat super hinhin naman kumilos. Super opposit talaga kami.

Nang mapagod na ako ay sabay sabay kaming kumain. Parang picnic style? Nagdala kase sina mama ng pang picnic na tela at mga pagkain. Masaya kaming nagkwekwentuhan. Laro lang kami maghapon at kain naman pag napagod.

Magtatakop silim na kaya napag desisyonan naming umuwi na. Pagkatapos naming ligpitin ang mga gamit namin ay dumeretcho na kami sa sasakyan habang nagkwekwentuhan at nagtatawanan.



Akala ko matatapos ng masaya ang araw na yon pero nagkamali ako. Dahil ng papunta na kaming sasakyan, bigla akong napahinto dahil nakakita ako ng batang umiiyak na nakaupo sa gitna ng daanan ng mga sasakyan. Buti na lang walang mga dumadaan ngayon. Marami pa namang mga driver na kaskasero kung magmaneho. Na feeling nila na sila ang hari ng kalsada kung umasta.

Nawa ako sa bata at gusto ko siyang tulungan. Nilingon ko sina mama at papa pati na rin ang kapatid ko na masaya pa ring nagtatawanan. Di nila napansin ang paghinto ko at tuloy tuloy lang silang naglalakad sa dereksyon ng sasakyan na sa mga sandaling yon ay abot tanaw na namin.

Lumingon ulit ako sa dereksyon ng bata at nanlaki namin ang mata ko dahil sa di kalayuan ay nakakita ako ng sasakyan na humaharurot ng mabilis. "Tsk talaga. Ito na nga ang sinasabi ko eh." Mahina kong bulong sa sarili ko at patakbong nagpunta ako sa dereksyon ng bata. Ng makarating ako sa kanya ay agad ko siyang hinila para di masagasaan. Nailigtas ko nga ang bata pero hindi ang sarili ko. Ang bilis ng mga pangyayari. Wala na akong chance tumakbo pabalik ng side walk kaya Agad ko na lang siyang itinulak pagkahila ko sa kanya. Di ko na maalala ang sunod na nagyari. Tanging maingay na paligid na lang ang naririnig ko na unti unti ng humihina. Parang naririnig ko pa ngang tinatawag ako ng pamilya ko pero wala na akong lakas para imulat ang mga mata ko. Ni pag-galaw ay di ko na rin magawa. Unti unti na akong nawawalan ng malay at di ko sigurado kung magigising pa ako. "happy birthday to me." nasabi ko na lang sa isip ko bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.



Nagising ako at pinakiramdaman ang paligid. Di ko pa maimulat ang mga mata ko dahil ang sakit pa ng ulo ko. "thank you papa God for the second life." sabi ko sa isip ko. Di ko akalaing magigising pa ako.

Iginalaw ko na lang ang mga daliri ko para ipaalam na gising na ako sa kung sino man ang kasama ko sa lugar kung nasan man ako ngayon. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa hospital ako. saan pa nga ba dinadala ang isang taong

naaksidente?

Naramdaman ko namang may humawak sa magkabila kong kamay at nakakarinig ako ng mahihinang paghikbi.

"a anak?" gising ka na ba? rinig kong boses ni mama na medyo basag ang boses dahil sa pag-iyak. Naririnig ko naman si papa na humihikbi rin ng mahina sa kabilang side ng kama ko habang hawak ang kabila kong kamay Pero di siya nagsasalita.

"a ano pong nangyari?" nanghihina kong tanong sa kanila habang nanatili pa rin akong nakapikit;. Naramdaman ko namang nawala ang pagkakahawak nina mama at papa sa magkabila kong kamay at nakaramdam naman ako ng mahigpit na pagyakap.

snif! snif! "a ate?" rinig ko namang tawag ng kapatid ko na nakayakap ng mahigpit sa akin habang nagpipigil rin ng hikbi. Niyakap ko rin siya pabalik pero talagang wala pa akong lakas para higpitan yon.

Ng mahimasmasan na siya ay bumitaw na siya sa pagkakayakap at umupo na lang sa tabi ng kama ko katabi ni mama. Ng alam kong makakaya ko ng imulat ang mga mata ko ay unti unti naman akong nagmulat at napakunot ng noo.

"bakit wala akong makita? Nilagyan niyo ba ng blind fold ang mga mata ko?" takang tanong ko sa kanila pero nanatili lang silang tahimik. Unti unti kong iginalaw ang kanang kamay ko papunta sa mga mata ko pero lalo kong kinagulat at napahagulgol na lang ng malamang wala namang tela na nakatakip sa mga mata ko. Naramdaman ko namang niyakap ako ulit ni mama na noon ay di na napigilang mapahagulgol ng malakas. "t tatawagin ko muna ang doctor." matamlay na sabi ni papa habang hinahaplos ang ulo ko.

"ano pong nangyayari kay ate mama?" rinig kong tanong ni Lilibeth. Pinalapit na lang ni mama si Lilibeth sa amin at pareho niya kaming niyakap habang tuloy pa rin sa pag-iyak.



I Love You at First Sight (one shot-completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon