Celeste POV:
Nag lalakad ako papuntang entrance ng bilang may yumakap sa akin "Sorry na please!" Nang mag salita yon ay nakilala kona kung sino
"Kia, please. Let me go" mahinahon kong sabi, pero naiinis parin ako sa kanya. Ang laki ng tiwala ko tapos yon ang gagawin niya?
"No! I won't let you go until you forgive me!" Sabi niya at hinigpitan ang yakap sakin "Ano ba kia. Please, let me go" sabi ko at lalo niya naman hinigpitan ang Pagkakayakap niya "Fine! I forgive you. Just don't do that again. Please?" Sabi ko na bigla nalang nag patahimik sa kanya
"I promise" kia said and Force to smile. Parang may hesitation siya. Nevermind! Nag promise siya kaya hindi niya gagawin yon "So, bati na tayo?" Tanong niya "Bakit? Ayaw moba?" I said with a smile "Ofcourse not. Sorry talaga ah" kia said "Let's go? Baka malate tayo" dagdag niya at nag nod ako
Naglalakad kami sa hallway nang bigla nalang siyang huminto "Wait- may sisislipin lang ako" Sabi niya at pumunta kami sa covered court ng school, wow! Ang laki dito mas malaki pa ata to sa bahay nila tita jessa
May nakita kaming mga nag lalaro ng basketball at maraming babae sa gilid at nasigaw
"Wohh! Go love kaya moyan!"
"Go damian!"
"Kaya nyo yan! Wohhh! Go captain damian!"
Grabe ang dami sumisigaw hindi kona sila mabilang may posters pa sila na naka lagay ang mukha ng isang lalake. Infairness pogi naman siya, nakita ko na titig na titig si kia sa lalaro na isang lalake napansin ko na yun yung chinicheer ng mga babae sa gilid
"Ang pogi niya talaga" sabi ni kia habang naka tingin ng patago, haynako inlove ba siya? Obviously. Pero pogi naman kasi talaga diba? Bigla nalang pumito ang lalake na medyo matanda na "Okay, yon lang muna ngayon. Kailangan pa natin na mag practice mamaya" Sabi ng lalake na may hawak na pito
Nung binitawan na ng mga lalake ang bola nag silapitan lahat ng babae sa sinasabi nilang captain at may dala-dala silang tubig. Gusto kona sana umalis kaso pagtingin ko wala na si kia sa pwesto niya kanina
Luminga-linga ako nang makita ko siya na inabutan ang lalake na damian nayon ng tubig, dahil don napangiti ako. Buti kaya niya yang gawin sa crush niy ako kasi hanggang tingin nalang
Nawala ang mga ngiti ko nung kinuha ng lalake ang tubig at binato sa sahig. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata ng mga tao na nandon kasama ang coach nila at ka teammates ng lalake, nakita kodin ang gulat sa mga mata ni kianna
Sa sobrang galit ko, tumakbo ako papunta doon at simanpal sa mukha ang lalake. Agad na kinagulat ng lahat ang nangyareng yon nakita kodin ang gulat sa mga mata ni kia "What the heck is your problem?!" Sigaw niya sa akin "Problem?! Ikaw! Ikaw ang problema! Ang lakas ng loob mong gawin yon sa kaibigan ko, Wala kang modo! Hindi ko alam kung anong nakita sayo ng mga babaeng yan. Napaka walang hiya mo!" Sigaw ko sa kanya ng puno ng galit
Tumawa siya na parang nang aasar "yan? Kaibigan mo?" Sabi niya at tinignan si kia at agad namang umiwas ng tingin kianna "Do you have a friend now? How much did you pay her to be your friend?" Sabi niya at tumawa, nababaliw na ata to ah. Umalog ata utak nung sinampal ko
"Cel, let's get out of here" Sabi sakin ni kia "No, binastos ka niya kia!" Sabi ko, gusto ko pang sapakin ang lalaki nato, walang puso! "Ayaw ko ng gulo. Please?" Kia said, naawa ako sa kanya kaya umalis na kami
Pumunta kami ng cr dahil mag aayos siya "Sabihin monga! Anong nagustuhan mo sa lalaki nayon?" Tanong ko habang galit "Don't scold me, please?" Sabi niya, huminga ako ng malalim. Celeste calm down. "Expla-" hindi natuloy ang sasabihin ko nang may narinig kaming malakas na kalabog galing sa labas
Lumabas kaming dalawa at nakita ko ang duguang mukha ni damian habang naka upo at may limang lalake ang umaawat kay Kian, dalawang k grupo ni damian at tatlong teacher
"You're a bitch! what did you do to my sister?! You have no right to touch her!" Sigaw ni kian habang pilit na kumakawala. Grabe siya para siyang nag tigre na nag wawala
Nakita ko ang mga mata ni kia, I saw that she was scared and worried at the same time. Agad siyang lumapit sa kuya niya "Kuya! Please! Stop it!" Pag pipigil niya sa kuya niya nang makawala si kian agad muling lumapat ang mga kamao niya sa mukha ni damian
Nakita ko na sobrang bugbog ang mukha niya at punong-puno ng dugo. Gustuhin niya mang lumaban hindi niya magawa "Mr.garcia, paki dla ang kibigan niyo sa ospital! Ngayon na!" Sigaw ng teacher
"And you!" Turo niya kay kian "TO THE GUIDANCE OFFICE! NOW!" sigaw nito at agad na sumunod si kian. Nakita ko na sumunod si kia kila damian kaya hindi kona siya pinigilan "Ano?! Tapos na ang teleserye, bumalik na kayo sa mga classroom niyo!" Sigaw ng isang teacher
"Ikaw!" Turo sakin ng teacher "P-po?" Kabadong tanong ko "Di kapa aalis? Gusto modin ma guidance?" Sabi niya, at doon kolang narealize na ako nalang pala ng natitira sa hallway "i-i'm Sorry po" at agd na akong umalis at bumalik sa classroom ko
------------------------------------
Nasan na kaya sila kia? Wala pa siya kanina pa eh mag uuwian na, di ko siya ma contact. Puntahan ko kaya siya sa bahay nila? Pwede kaya yon
"Okay, class dismissed" Sabi ng last subject namin. Sawakas! Makakauwi narin
Nag aalala nako wala parin si kia puntahan ko kaya siya? Pwede kaya? Ay hindi ko pala alam ang bahay nila
Ay! Sabay kaya ako sa kuya niya? Bka hindi ako pasabayin. Wag nalang? Pero gusto ko siyang puntahan eh. Sige na nga sasabay nako sa kanya pag sinabi niya kung bakit, sasabihin ko i'm just concern diba?
Nag lalakad ako sa hallway ng may narinig akong tao nag saaalita hindi ko sana papansinin kaso familiar yung boses eh si kian ata? Lumapit ako at tinignan ko
Shocks! Si kian nga! Tamang tama kanina pa kita hinahanap tapos nandyan kalang pala? May narinig ako na kausap niya kaya nakinig muna ako
"Yes. I'm not done with him" sabi niya sa kausap niya sa phone, sino kaya yon? Him? Di kaya si damian yon? Wala na akong pake don, besides kasalanan naman ni damian yon right? Heartless kasi siya kaya medyo deserve niya naman joke lang!
Kahit gano pa kasama ang isang tao hindi parin niya deserve masaktan
Nang natapos na sila mag usap lumapit na ako, napatingin siya sa akin pero hindi niya ako pinansin at nag lakad palayo "Wait! Eto naman lalapit palang ako eh!" Pag habol ko sa kanya, huminto siya at humarap sa akin na may pagka inis sa mukha
"What do you want?" Tanong niya habang naka kunot ang noo "Saan bahay niyo?" Tanong ko "Bakit ko naman sasabihin sayo?" Tanong niya "Gusto kolang malaman kung nasan na si kia, kasi hindi pa siya nabalik simula pa kanina" sabi ko at bigla nalang nag seryoso ang mukha niya at hinatak ako
Papunta kami sa parking lot nang makita na niya ang kotse niya ay agad siyang sumakay "Get in." Tipid na sabi niya hindi na ako naka laban pa at sumakay nako
Ang tahimik namin sa loob ng kotse pero mas okay nato kesa mag kwentuhan kami, napatitig ako sa kanya. Ang pogi niya pala sa malapitan? Pero arugante
"I know i'm handsome but don't stare at me like that, it's freaking me out" sagot niya habang nasa kalsada ang mga mata niya "alam mo ang assuming mo no? Ew. bakit naman kita titignan?"
He chuckled
"Mag drive ka nalang dyan! Dami mong dada"
Bakit koba kasi siya tinititigan? Hays Celeste naman
Utsukushi❤️
YOU ARE READING
Girlfriend 4 hire
RomanceThere was a girl named Trinity celeste Bautista, She did not experience a complete family because when she was still in her mother's womb her father left them. But what will she do when a man offers her to be his girlfriend for a few months? Magagaw...