TIFFANY POV
Bakasyon na namin. at niyaya kami ni Drey na pumunta sa province nila. mayroon kasi silang kamag-anak doon. mga pinsan niya.
"ready na ba kayo?"
"yes Drey. excited na ako hihihi" gumaan na ang pakiramdam ko. kailangan ko lang talagang intindihin si Dale. buti na lang nandito si Drey, best at Zach para sa akin. kasama rin namin si Felisa kapatid ni Zach at kaibigan ni Felisa na si Garlyn.
"best tulog ka muna. mahaba byahe. baka mahilo ka"
"sige."
---------------------
"gising na. nandito na tayo." si drey
"wieeeeee ang ganda dito best oh"
"oo." waa sungit na naman niya.
"*pout* sungit mo na naman best. taraa naaaaaa!" gusto ko ng magswimming bwahahaha.
"dito yung bahay namin."
"malapit sa dagat. buti hindi binabaha?"
"hindi. mataas na lugar dito" si zach. ang tahimik niya talaga. gusto nyo bang magflashback ako? hihihi sigeeee.
FLASHBACK**
"anie sana tayo na forever"
"sana nga zach. wag kang magloloko ha?!"
"oo naman. ikaw lang ang mahal ko anie."
"enebe kinikilig ako!"
"hahaha uwi na ako. kailangan ko pa kasing mag-aral"
"s-sige. ingat." ayun ang ayoko sa kanya. saglit lang kami magkasama. dahil mahal niya talaga ang pag-aaral. di tulad ko medyo may pagka bad ako medyo lang hahaha.
"mom? dad? where are you going?"
"hihihi magbabakasyon kami tif. kasama ang parents ng best mo."
"*pout* di niyo kami isasama?"
"baka mamiss ka ni zach wag na" legal kasi kami.
"ang daya niyo mom!"
"hahaha magkasama naman kayo ni claire. doon ka muna sa kanila."
"o-okay po. pasalubong mom hihihi"
"bigyan ka namin ng mommy mo ng kapatid."
"really? OmO hihihi"
"si dad talaga. sige na aalis na kami."
"okay po ingaaaaat mwah" ngayong araw ko na rin balak kausapin si Zach.
-------------
"hi felisa nandyan ba si zach?"
"oo tara pasok ka" kapatid sya ni zach.
"zach?"
"anie bakit?"
"pwede ba tayong mag-usap?"
"o-okay."
"iwan ko muna kayo :)"
"bakit anie?"
"zach dederetsuhin na kita mahal kita alam mo naman yun pero kasi nahihirapan ako."
"s-saan?"
"alam ko kasi na mas pipiliin mo yung study kaysa sakin. kaya g-gusto ko makipaghiwalay."
"anie h-hindi ko kaya. mahal kita."
"zach k-kasi masyado kang mabait. ang boring ng relationship natin kasi puro pag-aaral ang iniisip mo kahit na magkasama tayo"
"anie magbabago ako para sayo"
"s-sorry talaga pero ayoko na"
END OF FLASHBACK*
"uh felisa galit ka pa rin ba sa akin?"
"hindi na :). matagal na naman yun."
"salamat. sana maging close pa rin tayo"
"oo naman. parang ate na rin kita :)"
"hahaha. e ikaw may bf ka na ba?" bigla syang nagblush
"ah ano..."
"kita ko naman sayo. nagblush ka kasi. hahaha okay lang yan pero alam ba yan ng kuya mo?"
"hindi. kaya wag mong sabihin a? alam mo naman yun sobrang protective sa akin" hahaha oo sobra lalo nung magkasama kaming tatlo lumabas. may tumingin lang sa kapatid niya sinamaan na niya agad ng tingin.
"oo grabe hahaha."
"tara kakain na daw." si garlyn yung friend ni felisa.
"garlyn si anie,anie si garlyn kaibigan ko."
"hi garlyn ^__^"
"hi din po."
"ganto talaga si garlyn tahimik pero kapag nakilala mo na nako napaka ingay."
"hahaha ganon naman talaga. tara na baka tayo na lang wala dun." may nakilala na naman akong bagong friends. kung iniisip niyo asan ang parents nila Drey. nasa States na rin sila gusto ngang magpaiwan ni dane kaso hindi pwede.
"best may nakilala na naman ako eto si Garlyn hihihi"
"hi. wait ikaw namumukaan kita"
"ako si Felisa kapatid ni zach."
"ay sabi na familiar ka sa akin e." hindi kami nagkausap sa sasakyan kanina kasi nga tulog lahat. hahaha.
"tif eto tikman mo"
"thanks drey."
"may dale na yan." si zach. hahaha.
"binigyan ko lang naman. saka malay mo mafall rin sa akin si tif"
"asa."
"nagsalita na naman ang mataray."
PAK* binatukan siya ni best hahaha.
"hahaha ang saya nyo pala kasama" si Garlyn
"sila oo. ako hindi" sino pa ba? si best napakasungit.
"ah eh hayaan mo na si Claire ha? masungit talaga yan" si Felisa. ang bait naman nila parehas. samin kasi ni best ako lang ang mabait bwahaha.
pagkatapos namin kumain. papahinga muna. gabi na kasi kami nakapunta dito. kaya tulugan na munaaaaaa!!