"Kinabukasan..."
Yun sana ang susunod na isusulat ni Joji, ngunit hindi pa pala dumarating ang araw ng bukas ng masulat niya na ang buong kaganapan.
PLOT TWIST:
Ang akala nating bukas pa siya magsusulat, ay ngayon na pala siya nagsusulat. Kasi ngayon na yung sinasabi niyang bukas. Umaga na kasi siya nag-sulat weh, mga 2am na ata yun.
Simulan natin ang kwento niya sa pamamagitan nang pagkwento ko sa inyo kung paano ito natapos...
At ito... ang kanyang kwento...
———
INTRO:
At dahil short story lang 'to, kailangan ko na pong tapusin ang hindi ko naman kayang tapusin kasi...
One good thing about friendship is it lasts long... ever after...
The no end...
*Joji click's PUBLISH*
"Ayan! Tapos na! Tama na yan. Short story lang naman daw weh." Yan nalamang ang nabanggit ni Joji nang kanyang matapos ang entry niya sa Short Story Contest ni @KingsPrincess2219, admin ng Sket-Club.
"Hello, friends! Ako nga pala si Joji. J for short. Jojijajeju for long. Proud na pinakaunang naging member ng Sket-Club. At isang aspiring writer sa Wattpad," pasakalye ni Joji sa mga readers.
... END OF INTRO (FIRST DRAFT)
———
Binaba muna ni JAI ang phone niya, pagkatapos niyang masulat ang first draft ng kwento niya.
Nagbuntong hininga si JAI at sabay sabing, "Ang korne naman ng first draft kong ito. Ampanget panget. At malilito ata sila nito." ~_~
PLOT TWIST:
Ito na po talaga ang tunay na kwento:
*Insert Magic Wand Sound Effect Here*
Tawagin niyo nalamang po ako sa pangalang JAI. Ang aking ikukwento po sa inyo ay patungkol sa isang lalaking napadpad sa mundo ng Sket-Club. At ang lalaki pong ito ay si Joji. Samahan niyo po ako sa kanyang kwento kung paano siya nakahanap ng mga kaibigan dito sa Wattpad.
Si Joji ay isang manunulat sa Wattpad. At iisa lamang po ang kanyang ginagawang story... maliban sa ikukwento ko sainyo na gagawin niyang bagong kwento.
Baket ganun nalamang ang mga kaganapan simula pa nung Chapter 1 hanggang dito sa Chapter 2?
Ganito po kasi yun... Nangyari ang lahat dahil sa isang club, na hindi daw club, na tinatawag na Sket-Club. Dito ito nagsimula. At ang may pakana nito ay si Madi, ang Admin ng nasabing Club.
Since nasa introduction palang po ako, kahit Chapter 2 na 'to, nais ko po munang mag-disclaimer...
Ang kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang hango sa mga tunay na pangyayari.
"Pagpasensyahan na at mahina ako sa ganitong genre... ahaha," biglang sumabat si Joji at nahihiyang kinamot nalamang ang noo nito.
Sa muli po. Ako si JAI. Ang nagkukwento sa inyo ngayon, patungkol sa kwento ni Joji sa paggawa ng kanyang sariling kwento, hango sa kwentong mga naganap na, at sa mga kwentong magaganap pa.
Tara na! At sumabay sa akin. Lituhin natin ang ating sarili, sa mga susunod pang kabanata...
...
Ano kaya ang mga naisip ni Joji na mga kwento?
Sinu- sino kaya ang mga makikilala niya sa pakikipagsapalaran niyang ito?
Ipagpapatuloy mo padin ba kayang basahin ang kwentong ito?
ABANGAN...
BINABASA MO ANG
Kaya't wAg nIyong baBasahin Ito't maguGuluhan kA laNg
Historia CortaThis is a story about friendship in a fictional story with stories within a story inspired from a true story... TRANSLATION: Ito ay isang kwento patungkol sa pagkakaibigan sa loob ng kwentong-kaisipan na may mga kwentong kalakip sa kwentong galing s...