SPECIAL CHAPTER/EPILOGUE

1.4K 50 4
                                    

SPECIAL CHAPTER


Kai's POV


Years have passed. 5 years. At hanggang ngayon eto parin kami, magkakaibigan, magkakatropa. Sama-sama sa kalokohan, kaingayan, kalungkutan at kasiyahan.


Eto yung masasabi kong.. SOLID NA SAMAHAN.


Yung WALANG IWANAN.


Ups and downs, we're always here for each other.


Proud ako na kaibigan ko sila.


SOBRANG PROUD :)


"Titoooooo!" masayang salubong sakin ni Hanbin.


Yung anak nina Krystal at Myungsoo. Hahahaha. Ang cute cute nya nga eh.


Nandito kami ni Yul sa bahay nina Krystal dahil nakaugalian na namin na bisitahin sila once or twice a week. Si Yul? Ayun nakikipagkwentuhan na kay Krystal.


Naging magkaibigan naman sila kahit papaano. Bestfriends pa nga eh. hahahaha.


"Hi baby boy!" 


Yumuko ako para magkapantay kami. 


"Yah! Tito, don't call me baby boy. I'm a big boy now!" reklamo nya sabay pout pa.


Natawa na lang ako at kinurot sya sa pisngi, "At sino namang nagturo sayo nyan, ha?" tanong ko.


"Sino pa, edi ang gwapoging nyang Daddy." biglang sulpot ni Myungsoo.


"Lumakas na naman ang hangin!" pagbibiro ko at sabay kaming tumawa.


Tumayo na ako kasi kinarga ni Myungsoo si Hanbin.


"Bro, proud ako sayo. Biruin mo nagagawa mong palakihin ng maayos iyang si Hanbin kahit na ganyan pa lang ang edad mo." sabi ko sa kanya sabay ngiti. "Keep it up, bro."


"Hahahaha! Salamat bro. Nako, hindi ka lang sakin dapat ma-proud. Dapat ma-proud ka din dun sa misis ko." sabi naman nya. Tumawa lang ako. "Eh ikaw bro? Kelan mo ba balak magkaroon ng pamilya?" seryosong tanong nya.


"Hm, bahala na. Si Yul lang naman yung hinihintay kong maging handa para don eh. Pero handa na ako." sagot ko sa kanya.


"Ganun ba? Nako, for sure naman handa na sya. You're both on the right age, bro." sabi nya.


"Hindi naman kami gaanong nagmamadali ni Yul eh."


"hindi naman nga nagmamadali eh. I mean, alam mo yun, malay mo may dumating na naman na kung sino para guluhin kayong dalawa diba? At least nakatali na sya sayo kung sakali man na maulit yung mga problema dati sa barkada nyo." pag-eexplain nya.

We Are STILL One **We Are One Book 2**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon