KB 3

7 9 0
                                    

Masaya kaming nag salo-salo sa hapag kainan. Syempre bunganga nanaman ni Chesca yung nanaig sa kaingayan.

"Saan tayo after nito?" tanong ni Amara.

"Mall? Or Cine?" tanong ni Chesca.

"Park" Sabi ko.

"Oo nga! Mag rides tayo" Sabi ni Amara.

"Okay, ingat kayo takot ako sa heights"

"Gaga pero sa commitment hindi ka takot?"

Pang babara ko sakanya.

Kumilos na kami dahil final na yung decision namin na park na kami pupunta.

Boring rin naman kasi pag sa mall, paulit ulit lang rin naman ang makikita.

After an hour, we finally arrived to the park. Sa labas palang ay rinig na rinig nayung mga hiyawan aat ingay ng mga tao sa loob.

Nahagip ng tingin ko si Chesca na hindi maipinta yung ichura nya. Talagang takot sya sa matataas.

"Let's go na"

Hinawakan ni Amara yung kamay ko at kinaladkad papasok sa loob.

"What should we ride first?" Tanong ko.

"Ferris wheel!"

"Wow hindi naman halatang first time mo dito" Sabi sakanya ni Chesca.

"First time ko talaga dito, kaya excited ako"

Naka ngiti lang sya habang inililibot ang tingin sa paligid.

Katulad nga ng sinabi nga sa ferris wheel kami naunang sumakay. Good for two lang yun kaya naiwang mag isa si Chesca sa kabilang con.

"Wow"

Sabay kaming namangha sa ganda ng tanawin. Nasa tuktok na kami kaya kitang-kita yung boung city then yung dagat.

"This is amazing" Sabi nya.

"Hindi kaba dinadala ng boyfriend mo dito?"

"Tss shut up, he didn't dare to date me in past 3 years that we've been together"

"Totoo? Napaka gago nya naman pala"

"Subra"

Nakatingin lang sya sa labas.

"Ikaw? Naka punta ba kayo dito ng ex mo"

Balik tanong nya saakin.

"Minsan, kapag inaatake kami ng pagka bata"

Tumawa naman sya ng bahagya.

"Kaso ngalang wala kaming matinong date, kasi nasa phone lang yung focus nya"

"Ganyan talaga kapag may kabit na, wala ng focus sayo dahil sa other woman na"

Huminga nalang ako ng malalim.

"Kuya tama na!"

Dinig naming sigaw ni Chesca sa kabilang con ng bumilis ang pag andar ng ferris wheel.

Hindi na namin napigilan ni Amara ang matawa.

"Look Amara"

Tinuro ko sakanya yung papalubog na araw.

"Ang ganda, let's take a picture"

Hinawakan nya yung bewang ko at nag labas ng phone nya. We take a picture with the sunset and it was a beautiful photo.

"Is it okay if i post this on insta?"

"Yep, sure" I smiled to her.

She took another photo of sunset and also saaming dalawa.

Her Forgotten MemoriesWhere stories live. Discover now