KB 14

12 3 0
                                    

Nagising ako na habol yung hininga ko. Si dady at ate tsaka yung mga kasambahay namin ang kaagad na bumungad saakin.

Ngayon ko lang din napag tanto na basang basa kaming tatlo.

"Thank God!" Sabi nya at niyakap ako.

What happened?

Tinulongan naman nila akong maka bangon mula sa pagkaka higa ko sa semento. Nilibot ko yung paligid ko at nasa gilid kami ng pool. My sister hugged me tight while sobbing in tears.

"Please don't do it again, ayukong mawala ka saamin Gaile"

"Anong nangyari?" Clueless kong tanong.

...

Francelle's point

Napako yung attention ko kay Yuki sa pag uusap sa kabilang linya habang nag titimpla ako ng juice para kay Gaile. I was busy putting some cookies in a bowl when I suddenly heard a splash coming from the pool.

Kinabahan naman ako dahil nandoon naka tambay si Gaile. Tumakbo ako palabas ng bahay at dumiretso sa pool area namin. And there I saw my sister floating in the middle of water.

"Gaile!"

Sigaw ko at nag pa-panic sa kaba. Gusto ko syang sagipin pero hindi ako marunong lumangoy.

But at this moment hind na ako nag dalawang isip na tumalon at hilahin sya.

"Dad si Gaile!" Sigaw ko.

"Dad!" Mas nilakasan ko yung boses ko para marinig nya ako.

Nararamdaman kong lumulubog kaming dalawa dahil hindi ko abot yung lalim ng pool. Lumabas si dady sa likuran ng bahay at walang alinlangang tumalon.

Lumangoy sya papunta sa gawi namin  at hinawakan kaming pareho sa bewang. Sumunod narin yung mga kasambahay at tinulongan akong umahon.

Mabilis namang inihiga ni dad si Gaile at ginawa yung cpr. Ilang minuto pa ang tinigal at pabalik balik lang sa ginagawa si daddy bago bumalik ang huwisyo nang kapatid ko.

Ako naman ay umiiyak sa takot at nanginginig ang kamay, hindi ko napigilang yakapin sya ng mahigpit habang nag iinit yung gilid ng mata ko .

"Please don't do it again, ayukong mawala ka saamin Gaile"

"Anong nangyari?" Tanong nya.

Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya at sabay kaming nagka titigan ni dad.

"Mag bihis ka muna anak" sabi ni dad at tinapik yung braso ko.

Inalalayan ng mga kasambahay namin si Gaile patungo sa loob at kami naman ay nag paiwan.

"What should we gonna do dad? Lumalala na 'yung kondisyon nya" I'm still crying because of my sister's condition.

"We should send her to hospital"

Gulat akong napatingin sakanya.

"Papayag kana?" Hindi ko makapaniwalang wika.

"For my daughter's sake, ayukong may mawala pa sainyo" Tumulo narin yung luha nya tsaka ako niyakap.

Mas lalo akong naiyak dahil sa yakap nya.

Ito lang ang pagkakataon na niyakap ulit ako ng aking ama. Wala na kasi itong oras saaming mag kapatid dahil nasa ibang pamilya na ang buong attention nito.

I hope everything's gonna be okay, soon.

...

"Ate" tawag saakin ng kapatid ko.

Her Forgotten MemoriesWhere stories live. Discover now