Fr: Jude
Jorgie, nasan ka? Akala ko ba nasa FiDi ka?
Napairap na naman ako habang binabasa ang text ni Jude. Paano ako makakatambay sa FiDi e naulan nga?
To: Jude
Nasa College of Science ako. Hintayin mo ko malapit sa CR.
"Bwisit na sasakyan. Pasalamat siya hindi ko tinignan ang plate number. Kung hindi..."
Kinuha ko ang bag ko.
Good News: May dala akong pamalit.
Bad News: Sleeveless na blouse ang dala ko at skirt.
Argh! Napaka talaga ni Kuya! Kinunsinti pa ni Mama. Dapat yung jeans at tshirt ang isusuot ko kaso eto namang si Kuya, biglang kinuha yung damit ko at biglang tinawag si Mama.
"Paktay ka talaga sakin, Justin Ajord."
No choice naman ako kaya sige, go na lang.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na din ako. Nakita ko naman si Jude na nakasandal sa pader habang nagtetext.
"Jude!"
"Oh? Bakit nagpalit ka kaagad? Mamaya pa namang 6 tayo pupunta sa CJ's ah."
"Nabasa yung damit ko." Tipid na sagot ko. "Pahiram nga ng jacket mo."
"Bakit naman?"
"Nilalamig ako." Ang totoo niyan, hindi naman talaga ako nilalamig. Taga-North Pole nga daw ako sabi ni Jairus kasi nakakatagal ako sa kwarto ko ng nakaaircon habang naulan. Nacoconsious lang ako sa suot ko.
"Ows. Di ka kaya tinatablan ng lamig." pang-aasar ni Jude sakin
"Ipapahiram mo o guguluhin ko ang buhok mo?" panakot ko sa kanya. Binigay naman agad niya ang jacket niya. Takot lang niya na magulo ang buhok niya.
Matagal na kaming magkaibigan ni Jude. Halos 4 years na. At magkapitbahay din kami. Nagsimula ang pagkakaibigan namin noong bigla kaming magkabungguan sa corridor noong high school pa kami. First year pa lang ako noon. Si Jude naman ay second year. Nahulog ang mga dala kong visual aids at syempre si Jude, tinulungan ako. Pero hindi katulad ng mga ibang storya na nagkabanggaan, walang ibang meaning ang pagkakaibigan namin. Plain friends. Wala kaming romantic feelings para sa isa't isa.
Medyo malakas pa rin ang ulan. Naghintay na lang kami sa tapat ng College of Engineering. Pupunta kami ngayon sa CJ's. May nag-alok kasi samin na tumugtog sa bistro na yun. Sayang naman yung sweldo. Panggala gala din yung pera makukuha namin.
"Bakit ka ba kasi nagpaulan?" tanong bigla sakin ni Jude
"Di po ako nagpaulan. Naghahanap po kasi ako ng masisilungan kaya sumugod ako sa ulan. Ayun." Hindi ko na sinabi yung sa kotse. Naiinis lang ako kapag naaalala ko.
"Tanga mo talaga, Jorgie. Hindi ka man lang nagdala ng payong."
"Pampabigat sa bag." Bigla namang dumating si Kuya.
"Akala ko ba 4 pa ang tapos ng klase mo?" tanong ni Jude kay Kuya
"Wala si Ms. Minchin e. May meeting daw." Ms. Minchin. Yun ang tawag namin sa pinakaterror na prof ng College of Engineering. "Bakit nagpalit ka kaagad, Jorge? Excited lang isuot ang pinili ni Mama na damit?" asar sakin ni Kuya
"Nabasa ako ng ulan. Wag kang ano dyan." At inirapan ko siya. "At may kasalanan ka sakin. Wag mo kong kausapin."
"Nagpapakipot na naman si baby girl." Hinawakan ni Kuya ang balikat ko. "Wag ng magtampo, baby girl. Bagay naman sayo e. Ayieee."
"Oo nga, Jorgie. Wag ka na din magjacket. Mas bagay sayo." Ginatungan pa ni Jude.
"Tigilan niyo ko." At humagalpak sila sa tawa.
Third year college na si Kuya Justin sa course na Architecture. Ako naman, ECE. Katulad ng kay Kuya Aries.
"Guys!"
Napatingin naman kami sa paparating. Si Nigel. Napaiwas ako bigla ng tingin. Shocks. Ang awkward.
"Pormang porma tayo ah!" sabi ni Jude kay Nigel.
"Pormang porma ka dyan." Binatukan ni Nigel si Jude.
"Tara na sa inyo, Nigel." Pag-aaya ko ng hindi tumitingin kahit kanino sa kanila.
"Okay." sabi niya
"Awkwaaaaard!" sabi ni Jude. "Friendzoned. Ang sakit." sabay hawak pa ni Jude sa dibdib niya. Nakakainis! Naguiguilty ako.
"Jude. Tumahimik ka nga dyan." sabi ni Kuya Justin. "Tara na nga." at inakbayan ako.
---
A/N:
Sabaw ang update no? Sorry. :3