Chapter 1: Rain

8 0 0
                                    

Jorgie's POV

Kasalukuyang akong nakaupo ngayon sa field malapit sa Dean's Office. Naghihintay sa mga kabanda kong may saltik. Bawal ang mga estudyante sa field na 'to kasi ginagamit lang ang field kapag may events. Pinapanatili lang ng school ang kalinisan nito kasi dati ay madalas tambayan ng mga studyante. Palaging dito nagtatapon ng mga basura.

Pero pasaway talaga ako. Freshman pa lang ako pero nagpapasaway na. Hindi niyo naman ako masisisi. Tahimik kasi dito. Walang manggugulo sakin at pwedeng pwede akong matulog. Bihira lang naman may magawing studyante dito sa FiDi, tawag ko sa tambayan ko. Yung mga katulad ko lang na makulit at gusto lang makalanghap ng sariwang hangin at maghanap ng katahimikan.

"Tsk. Ang tagal ng klase ng mga yun! Bakit kasi missing in action si LJ?" Wala tuloy akong kasama sa pagtambay dito. At bakit kasi dito pa ako naghintay? Pwede naman akong umuwi muna tapos pupunta na lang ako kila Nigel.

"Hi." bati sakin ng isang lalaki. Napatingin naman ako sa kanya.

"Uhh.. Hello?"

"Pwedeng makiupo?" tanong niya sakin

"Sige lang." Umupo naman siya sa tabi ko. On the other hand, kinuha ko ang phone at earphones ko sa bag at nagpatugtog. Bukod sa pagtambay ko sa FiDi, nakikinig din ako ng mga kanta sa phone ko. Rock music, specifically. Pampakalma ko.

Habang nakikinig ay nagawi ang tingin ko dun sa lalaki.

May suot siyang ID lace ng College of Engineering. Kaparehas ng sakin. Nakasalamin din siya. Whoa. At feeling ko ang taas ng grado. Ang tangos din ng ilong niya. At ang buhok niya ay magulo na nakaayos. Teka nga. Magulo na nakaayos?

"Baka naman matunaw ako niyan. Grabe ka makatitig." sabi niya habang natatawa tawa. Napairap ako bigla. Hindi naman nakakatunaw ang tingin ko.

1:30PM. Isang oras at kalahati pa ang itatagal ko sa FiDi. 3PM pa ang tapos ng klase ni kuya at Nigel. Si Jude naman mamayang 2PM. Si LJ naman kung saan na naman nagsususuot. Nasan kaya ang babaeng yun?

Itetext ko na sana ang bruha kong bespren ng biglang bumuhos ang ulan. Wala man lang warning. Wrong timing pa. Wala akong dalang payong.

Tumakbo na lang ako at naghanap ng shed. Wala naman kasing malapit na masisilungan dito sa FiDi. Yung mga waiting shed ay nasa iba't ibang colleges pa.

Worth it naman ang pagtakbo ko. Nakarating ako sa College of Science. Ang saya lang dahil basang basa ako ng ulan. Feel ko pa rin namang maligo sa ulan pero hindi sa mga ganitong panahon.

"Bakit nandito ka?" tanong ko dun sa lalaking nakatabi ko kanina sa FiDi. Nandito din pala siya. Sinundan niya ba ko?

"Naghanap din ng masisilungan?" sabi niya. Oo nga naman, Jorge. Assumera ka e. Pagtingin ko naman sa relo ko ay 1:48PM na. 12 minutes na lang.

Pupuntahan ko na lang kaya si Jude sa building nila? O kaya maghintay na lang ako dito. Kaso gusto kong maggala e. Naglakad ako papunta sa building nila Jude. Medyo malapit lang naman. Hindi naman na ako mababasa -.

SPLASH!

"What the hell!"

Pagkatapos kong maligo sa ulan, naligo naman ako sa putik? Lintik na sasakyan!

"Hahahahahaha!" Napatingin ako bigla sa lalaking tumawa. Yung katabi ko kanina.

"Tinatawa tawa mo dyan?" Pagtataray ko. Pero waepek. Tawa pa rin siya ng tawa. Napahawak pa siya sa tiyan niya. Sa sobrang inis ko ay umalis na ako. Tsk. Badtrip. Maubusan sana siya ng hininga kakatawa.

---

A/N:

Okay. First person's POV na talaga. Ang ligalig ko lang. :P

The Fan Girl's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon