"SHOT!" malakas na sigaw ng binatang si Ray na agad namang sinabayan ng kanyang mga kaibigan.
"THIS CLUB IS SO LOUD" malakas din na sigaw ng kaibigan nyang si Fatima.
"I KNOW. THAT'S WHY I BROUGHT YOU GUYS HERE" mabilisang sagot din ni Ray.
"Ray. That guy is staring at you kanina pa" pasimpleng senyas ng isa pa nyang kaibigang si Iva, na agad namang sinundan nya din ng tingin.
Totoo nga isang lalaki ang kanina pa nakatingin sa kanya na nasa di naman kalayuang table. Agad sya nitong ngitian ng magtama ang kanilang mata.
"So I guess kami kami nalang uuwi?" pabiro ng isa pa netong kaibigan na si Toby.
"Go sis. Ako na bahala sa mga 'to" dugtong din ng isa nya pang kaibigan na si Shawn.
Alam na ni Ray kung saan ito tutungo.
Dala na din siguro ng alak naglakas loob syang lapitan ito."Hi" pagbati nito.
"Hi" sagot din ng lalaki sabay alok ng kamay nito.
"You're so gorgeous" malakas na bulong ni Ray.
"You're cute too. I like chinito guys" sagot din nito.
"Would you like to dance?" pag aaya nito kay Ray.
"Sorry. I don't dance, I don't know how"
"I'll teach you"
Kahit di sigurado.
Sumama si Ray sa gitna ng dance floor.
Sa una naiilang pero kinalauan ay sinabayan nya din ito sa pag sayaw."I'm Kenji"
"I'm Ray"
Malakas man ang tunog pero parang slow mo gumagalaw ang bago nyang kakilala. Kasabay ng pagsayaw nya ang pagngiti sa kung anong nakikita nya. Alam nya na iba ito.
7 AM.
Pupungay ang matang bumangon si Ray sa pagkakahiga. Tumunog kasi ang alarm nya sa kanyang telepono.
"May pasok ka?" halos magising si Ray sa narinig.
"SHIT. I'm sorry nakatulog ako" pagdadahilan nito.
"It's okay. Lakas mo humilik but it's okay" pangangantyaw nito.
"I'm really sorry" nahihiyang paliwanag nito.
"Okay nga lang. Natural lang yun. Nagluto ako breakfast. Tara?"
Tahimik pero sumunod na din si Ray.
"Gusto mo coffee?"
"Yes please. Thank you"
"May pasok ka ba? Tumunog alarm ng phone mo" pagtatanong ni Kenji sabay abot ng kape.
"No! Nakalimutan ko lang tanggalin"
"Good. Akala ko nga may nagko-call sayo kanina buti alarm"
"Bakit naman?"
"I mean, baka kako may naghahanap na sayo na someone"
"Ah, no. Alam naman ng family and friends ko na di ako makakauwi"
"I mean" halos nanlaki ang mata ni Ray ng ma-realize ang totoong ibig sabihin ng kausap.
"Oh No. Wala akong partner"
"Good. Cheers"
"Ikaw ba? You live alone?"
"Yap. And I'm also single"
"Cheers"
Hindi man sigurado. Alam ni Ray na may iba syang nararamdaman.
Kasabay ng kampay ng baso ang pag kampay ng kanyang puso.Ilang oras din itong nanatili sa bahay ni Kenji bago tuluyang umalis. Nakangiting umalis. Imbes na umuwi dumaan muna ito sa kaibigang si Fatima.
"So how was it?" agarang tanong ng kaibigang si Fatima ng makita nya ito sa pinto.
"This is the first time na nag stay ako sa hook ups ko Fat"
"Kaya nga tinatanong kita kasi usually maaga ka nag update na nakauwi ka na ngayon mag hahapon ka na"
"We had sex. We cuddled. We talked. Happy"
"Love at first sight?"
"I don't know. He added me sa Facebook so let's see"
"You want to court him?"
"I don't know how. Kilala mo naman ako di ako nakikipag relationship. Di ko nga napapasaya sarili ko tapos magpapasaya ako ng ibang tao"
"Your smiling. Your thinking about your future maybe pwede ka namang mag take risk"
Ngitian lang ito ni Ray.
Pano ba manligaw?
Pano ba maging saya?
Pano kung sya na nga?