2nd

0 0 0
                                    

one year ago.

"Ray. Ray. Ray" palakas na lakas na katok ni Fatima.

"Kanina pa ako katok nang katok. His not opening it" nag alalang paalala ni Shawn.

"Eto na ang susi. Pinahiram saken nung landlady nya" nagmamadaling pagdating ni Iva na agad ding binuksan ni Fatima.

Gulat na gulat sila sa nadatnan.
Maraming bote ng alak ea tabi ng walang malay na si Ray.
Agad nila itong nilapitan at ginising.

"Oh My God. What happened to you?" nag alalang tanong ni Fatima.

"Ray" maiyak iyak na sigaw ni Shawn.

"Guys" aantok antok nitong bulong.

"Ray. Ano nangyari?" umiiyak na tanong ni Iva.

"He left me" sagot nito kasabay ng hagulgol.

"He left me Guys" wala mang maisagot ay agad lang syang niyakap Ng mga kaibigan.

"We'll never leave you okay" naiiyak man ay buong loob na paninigurado ni Fatima.

"Iniwan nya ako. Bakit nya ako iniwan?" patuloy pa din sa pag iyak si Ray na sinasabayan na din ng kanyang mga kaibigan.

Maya maya pa ay nakatulog ito.
Alam nila ang bigat ng nararamdaman nito kahit di pa man mag kwento.
Habang tulog ang kasama, napagpasyahan ni Fatima na linisin ang buong apartment ng kaibigan.
Napakaraming alak, napakaraming sakit na gusto agad makalimutan.

Alam nyang malumbay ang kaibigan.
Ilang beses na kasi nya itong mapagsabihan tungkol sa dati nitong karelasyon. Nauwi pa nga sila sa away ng ipagtanggol ito ni Ray.
Hindi nya gusto ang ginawa ni Kenji dito. Nagkaroon na 'to ng iba pero pinatawad nya pero naulit ulit.
Alam nyang di lalapit sa kanya si Ray dahil sa hiya, tampo o kung ano man. Kilala nya ang kaibigan.
Kung kaya nitong solohin ang problema ay gagawin nya.
Kaya nga ito ang takbuhan nila kapag kailangan nila ng kausap.
Siguro nalito sya kung sino ang pwede nyang kausapin kapag sya naman ang malungkot.

Maya maya pa ay nagpaalam na ang boyfriend nitong si Toby dahil papasok sa trabaho ganun din si Iva na kailangang umuwi para alagaan ang anak nito.

Hindi na muna bubuksan ni Fatima ang kanyang tindahan para hintaying magising si Ray kasama ang kaibigan din nilang si Shawn.

"Fat, magluluto akong breakfast for us"

"Thanks Shawn. May nakita akong eggs and noodles dyan. Para na din sa hangover ni Ray pagkagising"

"Okay. Wait lang ah"

Habang papaalis si Shawn ay natitigan ni Fatima si Ray na ngayo'y tulog pa din. Nagmumugtong mga mata at mukhang ilang araw na itong di nakakaligo kaya binanlawan nya ito ng panyo.

Maya maya pa ay tila nagigising na ang kaibigan dahil siguro sa amoy ng niluluto ni Shawn. Hindi pa ata ito kumakain. Pag oobserba ni Fatima.

"Kenji?" unang tugon ni Ray pagkagising.

"Si Fatima 'to. Kasama ko si Shawn nasa kusina sya"

"Fatima? Anong ginagawa nyo dito?" naguguluhang tanong ni Ray dito.

"Bumangon ka muna dyan. Dun tayo sa kusina" pag aaya nito. Tumitig muna ito bago pilit na ngumiting tumayo para sabay silang pumunta sa kusina.

"Good Morning Ray" bungad ni Shawn. "Ayan, may noodles dyan, sunny side up at kape"

Di man nagsasalita alam ni Shawn at Fatima na gutom na gutom ito. Kaya sinabayan nila itong kumain.

"Thanks Guys" pagbali ni Ray sa katahimikan habang kumakain.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

firstWhere stories live. Discover now