Chapter 1

2 0 0
                                    

Chapter 1: Entry #1

Date: March 29
Page:1

Dear Diary,

15th birthday ko ngayon at niregaluhan ako ng personalize diary ni Liandra (isa sa mga close close prend ko). Epal kasi, nakita nya yung diary ko nung nag overnight sya sa bahay para tapusin yung mini-thesis namin at nakita ang aking lumang diary na puno ng katangahan ko sa apat na taon ko sa high school. At dahil graduating na kami maganda daw na bago ang sulatan ko ng mga panibagong katangahan.

Okay ka na sana eh kung hndi lang nilagyan ni Liandra ng mga yagit pics ko, I mean yagit padn naman ako hanggang ngayon pero kasi naman ang daming pic na naka lagay dito na galing sa kanyang paburitong pass time na pagkuha ng stolen pics, kayness talaga, 7 pages din nitong notebook na panay laman yung stolen pics ko sa mga events sa school at performances tas another 10 pages na mga groupies ang suchs, magkano kaya nagastus nya sa pagpaparint nito? aba mahal dn magpaprint ng colored, baka sa SSG office to nagpaprint, oh diba effort sya paggawa may pa two pages pang long sweet message.

May mga ilang pictures dn na kuha sa facebook account lalo na yung graduation ko nung elem at display photos meron din, bat kase ang effort nitong babaeng to.

Asa classroom ako ngayon, naghihintay ng adviser, wala ng klase kase in two weeks graduation na. Tapos na din naman ako sa mga requirements ko atsaka clearance, hndi lang ako ang tapos na kundi ang buong klase, perks of being pilot, laging priority joke, responsable lang talaga kami, kung pwede namang tapusin agad bat hindi pa gawin diba? Wala naman kaming problema sa mga projects kasi lagi kaming nagpapasa on time, ewan ko ba sa ibang stupidents kung bakit di nakapagpasa agad tas pagka clearance na saka lang maghahabol kaya ayun tambak na ang gawain nila tas sila pa ang may ganang magreklamo kesyo ang dami daw requirements.

Nag iingay na nga lang kami dito eh, may nanonood sa unahan mg movie (pinayagan kami manood gamit yung tv ng classroom, perks ng pilot pinagkakatiwalaan) 3idiots yung pinapanood nila ngayon, meron ding nanonood sa laptop ng mga kpop videos, sa kabila sa may cr ay yung ilang boys na naglalaro sa cp nila, may sumasayaw dun sa may tapat ng electric fan tas may nagjajaming sa likod ko, oh diba? ang inagy nila? sige isipin mo na lang na 44 kaming estudyante sa loob ng room (wala si Liandra SSG)

Unlike dati, dapat nag iingay dn ako ngayon kasama si Nica at Tin kaso nagkatampuhan kami last week nuong nagsit-in kami sa regular classes bago mag finals, tapos na kase kami nun sa mga lectures namin kaya hinati-hati kami para mag sit in parang review na din namin. Naka hiwalay ako sa kanila tas yun nalate ako ng lunch kasi hinarang ako ni krass at ng tropa nya, nahiya naman ako, tas ang mga walang hiya sinabihan akong lumandi pa daw ako kaya ako natagalan ayun medyo nahurt ang feelings ko. Busy nun si Liandra kase President sya ng SSG. Nag aasikaso ata sila nun ng parang End-Ball chuchu na hindi naman ako umattend kasi unang una, gabi yun, di ako papayagan, pangalawa kahit payagan ako nakakatamad naman pumunta atsaka baka maging loner lang ako dun kasi di ko bati sila Nica.

Madaming estudyante sa labas na nagapabalik balik sa faculty at nakapila, halos matakpan na nila ang bintana namin at pasilip silip sa mga nanonood. Katabi namin faculty eh, halatang yung iba naiinis na naman samen kasi nga pinapagamit kami ng tv at chill na lang kami ngayon.

Hays, buhay parang life. Bat kasi nakalimutan ko yung earphones ko ayan tuloy ang boring, bobo pa asa bag nga yung mp3 ala namang earphones.

Napanood ko na kasi yung 3 idiots ng ilang beses kaya naman hndi na ko nakikinood sa kanila.

Napatingin ako kila Nica habang nag-uusap sila ni Tin, hayst miiss ko na din makipagkulitan sa kanila. Edi sila na happy mag kwentuhan. Anyways, hayae na nga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon