Pakiusap

6 0 0
                                    

Kung ito ay isang pagsubok, ako ay lubos na nakikiusap na tama na

Kung ito naman ay isang parusa, ako ay malugod na luluhod upang humingi at makiusap ng kapatawaran.

Ako ay nanghihina na at hindi na alam kung ano nga ba ang dapat o ang mga tamang gawin,

Tila ako ay palaging hindi nakakagawa ng tamang desisyon, pagod ang katawan at isipan sa pang araw araw na pamumuhay.

Nais ko ng mag pahinga ng lubusan subalit higit na mas madami at malaki ang aking responsibilidad upang ako ay manatiling humihinga.

Panaghoy;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon