1

6 0 0
                                    

TERRECA's POV

Hi! Ako nga pala si Terreca Alvarez

Simple lang akong tao. Simpleng estudyante. Simple kung manamit. Medyo Hindi kapansin-pansin...medyo.

 

Pero hindi alam ng lahat marami akong pinagdaraanan sa buhay.

 

Mayaman kami? Oo, kayang bilihin ng pamilya ko kahit ano

 

Masaya ba kami? Oo..noon. pero ngayon? Malabo

 

Kaya ngayon naniniwala akong hindi lahat kayang bilhin ng pera na yan! Kasi ngayon kahit magkano hindi matutumbasan nang pangungulila naming magkapatid sa pagmamahal ng mga magulang.

Sila yung mga magulang na inaasam-asam ng lahat na magkaroon.

 Isang nanay na pagkagaling sa kanyang trabaho ay tutulungan ka sa mga assignments at projects, rereviewhin ka kapag may darating na quiz. Masarap pa magluto at magbake ng mga pagkain bonus pa yung pagmamahal at pagaarugang binibigay sayo.

 

Isang tatay na kapag katapos kong gawin ang mga assignments at projects sa school tuturuan ka nang iba't-ibang sports at syempre martial arts. tapos i-momotivate ka na galingan mo sa mga ginagawa mo kasi may prize siyang ibibigay sayo. Tapos kapag nagkasakit ka naman itatakbo ka kaagad sa ospital at habang buhat-buhat ka niya makikita mo yung mukha niyang alalangalala sayo.

 

Pero simula noong maghiwalay sila. Nakandaleche-leche flan na yung buhay naming magkapatid.

Paano ba naman kasi..first year high school palang ako ng maghiwalay sila at yung kapatid ko naman ay grade-6. Masaya naman kami noon pero nung nahuli ni mommy na may babae si daddy ayun! Nagkaroon na ng pataasan ng pride. Sigaw dito, sigaw doon..gusto ko na lang matulog ang kaso hindi ako makatulog sa lakas ng mga boses nila pero...ang inaalala ko yung kapatid ko.  kaya ang ginagawa ko pinupuntahan ko siya sa kwarto nya makikipagsparing habang ang lakas-lakas ng music sa kwarto niya para hindi namin marinig yung sigawan nilang dalawa habang nagsusuntukan at nagsisipaan kaming dalawa habang umiiyak.iniisip ko na lang si mom at dad si ading hehe..

Ganun lang yung routine naming magkapatid. pero, dumating yung isang araw nang may kumatok sa pinto ng kwarto ni ading habang nagspa-sparing kami.

 

"sino yan?" tanong ko

 

"si daddy 'to, baby" sabi niya. Kaya naman binuksan ko

 

"bakit po daddy?"  tanong ko sa kanya

 

"anak, aalis na si daddy ah.."sabi niya habang hinahaplos yung mukha namin ni ading

 

"saan ka po pupunta? Sa business trip po?" tanong ko sa kanya

 

"hindi anak..aalis na ako dito sa bahay" at doon na nagsimulang bumuhos yung mga luha ko

 

"ba-bakit po daddy?" tanong ko sa kanya

 

"kailangang gawin 'to ni daddy para hindi na mahirapn yung mga baby niya..kasi alam kong nahihirapan kayo kapag nagaaway kami ng mommy mo eh" sabi niya

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 29, 2015 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

I'm in a Broken FamilyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora