Episode 2

266 6 0
                                    

Kabado si Dana habang kumakain sila ng dinner kasama ang buong pamilya nya. Parang pakiramdam kasi nya gumawa sya ng krimen. Hindi naman nya sinasadya kung nakilala naman nya agad si Dylan edi sana di sya sumama dito. Siguradong kakalbuhin sya ng Tita zarina nya kapag nalaman ng mga ito na nakipag sex sya sa fiancée ng ate Celine nya.

Minsan na nyang na meet si Dylan noon 20th birthday ng ate celine nya 5 years ago. Iyon din ang araw na innounce ang engagement ng dalawa. Hindi naman sya pinakilala bilang miyembro ng pamilya. Naroon sya sa mansion pero nasa kuwarto lang sya at palihim lang na nakatanaw sa party. Never syang nagkaroon ng engrandeng birthday party. Nung debut nya ang kasama nya ay mga kasambahay at mga tauhan sa hacienda doon kasi pinagawa ng lolo nya ang debut nya noon. Humingi naman ito ng pasensya pero nagulat sya sa regalo na bigay nito.

Ang titolo ng lupa ng mismong hacienda, isang swiss account na million million dollar ang laman na di daw alam ng pamilya nila kaya kailangan daw nyang ilihim. Isang condominiums building mismo na nakapangalan sa kanya.

Kaya ng isama na sya ng lolo at lola nya sa manila. Doon na mismo sa condominium building na pag aari nya sa tumira.

Bagamat nagalit ang mag ina zarina wala ng nagawa ang mga ito ng malaman ang tungkol sa paglipat sa pangalan nya ng ilang ari arian ng lolo nila. Wala pa daw naman iyon sa 1/4 kaya wag daw silipin ng magalit ang mag ina dahil wala daw ibinagy sa ate celine nya ng debut nito. Ang katwiran naman ng lola nya. Taon taon nag paparty sila sa birthday nito Habang sya ay wala sine celebrate na birthday.

"Bakit parang balisa ka apo." puna ni Yolanda kay Dana na nag angat ng ulo na agad na ngumiti.

"Wala naman lola may inisip lang po ako." Napatingin si Dana sa ate celine na ngumisi na di nya alam kung para saan iyon bakit ganun ito makangiti.

"Nag aaral ka pa ba? Bakit pakiramdam ko e lagi kang lutang." pagalit na wika ni Damian.

"Sympre naman po papa! Iyon nalang ang maipag mamalaki ko kila lolo at lola. Mag papatanga tanga pa ba ako." sagot ni Dana

"Triconex generic name?" hamon ng ama. Gustong tumarak ng mata ni Dana.

"Plasil 10 mg." dugtong pa ng ama.

"Furazolidone papa." tamad na sagot ni Dana. Pag tingin nya sa lola nya nakangiti lang ito na kinindatan nya.

"Stop testing your daughter damian. She obviously knows everything."

"At wag nyo din sya laging kampihan lola kaya malakas ang loob ng isang yan kasi alam nyang kakampi nya kayo ni lolo." segunda naman ni Celine.

"Dahil lagi nyo nalang syang pinag tutulungan. Hindi pa ba sapat na di natin sya nakakasama sa mga gatherings sa mga importanteng event dito sa bahay."

"Mama alam nyong hindi puwede lalo na ngayon na tatakbo akong mayor at isa pa anytime soon ikakasal na itong panganay nyong apo. Mahirap na kung makikilala ni Dylan si Dana ng di pa sila kasal ni Celine." wika ni Damian.

"anong ibig mong sabihin."galit na komento ng lola Yolanda nya. Gusto naman masaktan ni Dana sa sinabi ng ama pero nanahimik nalang sya dahil in part of her binabayo sya ng konsenya nya.

"Aminin na natin she's a flirt. Walang matinong babae ang araw araw pupunta ng club at mga bar para lang makipag make out sa mga lalaki buti hindi pa na bubuntis kapag nabuntis ka wag na wag ka ng mag papakita sa amin lahat. Isa kang malaking kahihiyan." napalunok si Dana

"That's too much Damian kung nandito lang ang papa mo. Tiyak na magagalit yun."

"Lola mukhang di na ako matutunawan akyat nalang po muna ako sa kuwarto ko. excuse me lang po aalis na po muna ako baka nasusuka na kayo sa magandang pag mumukha ko." ani Dana saka magalang na tumayo. Balak pa sana syang pigilan ng ama pero sinaway na ito ni Zarina.

The Arrogant CEO Loves Me ( from Dreame )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon