Episode 5

310 7 0
                                    

"No! aalis tayo ngayon mismo. Ipahanda mo ang private jet Yolanda." galit na wika ni Maximo. Iyak naman ng iyak si Yolanda habang yakap yakap si Dana na nakaluhod sa giliran ng kama ng lolo nya. Habang na kikiusap sa mga ito na alisin ang baby sa sinapupunan nya. Nagalit ang mga ito ng malaman na buntis sya at sinabi nyang di nya alam kung sino dahil nag sinungaling syang lasing at di nya nakilala ang lalaki galit na galit ang lolo nya pero di pumayag ang mga ito na ilaglag nya ang bata. Hayaan nalang daw ang nandun na pero kakailanganin daw nyang lumayo para ipag buntis ang bata ng lihim.

Inaasahan na nya iyon pero ng sabihin na nya na may Lukemia sya kaya hindi puwedeng mabuo ang bata doon tuluyan na syang humagulgol. Shock naman ang rumihistro sa mukha ng mga ito hanggang sa mapahagulgol na ng iyak ang lola nya na agad na niyakap ni odette para kalmahin. Nag hihisterical na kasi ito kakaiyak.

"Hindi ako papayag na mamatay ka nalang marami tayong pera kung kelangan ubusin ko yun gagawin ko. Hinding hindi ka mamatay pati ang apo ko tandaan mo yan Dana."

"Makinig ka gagawin namin lahat ng lolo mo para gumaling ka aalis tayo. Hmmm.. aalis tayo anak." wika ni Yolanda." tumango naman si Dana na mahigpit na niyakap ang lola nya.

"Hindi pa ba lumalabas ng hospital ang lolo max?" tanong ni Dylan habang kumakain sila ng dinner sa isang fine dinning restaurant ni Celine.

"Ah! Nakalabas na si Lolo di ba nabanggit sayo ni Papa. Actually umalis na rin sila ni Lola balak nilang mag bakasyon para sa full recovery ni Lolo."

"Umalis? Saan sila pupunta?"

"Tamang tama next week papunta ako Us Madadalaw ko sila kapag nagkaroon ako ng fre——

"No! no..." mabilis na turan ni Celine na nabitawan pa ang hawak na tinidor.

"Bakit may problema bawal ko ba silang dalawin?"

"Hindi naman kaso lang nakalihim kasi ang pag alis nila."

"Ah ganun ba? pero hindi naman siguro masama kung bibisitahin ko sila dun."

"Well sige sabihan mo lang ako para naman sabay na tayo."

"may mga kasama ba silang umalis o silang lang ni lola."

"Well may kasama naman silang doctor at Nurse." tumango si Dylan. Tingin nya kasama si Dana na umalis ang dalawa. Marahil sinabi na ni Dana sa dalawang matanda ang sakit nito kaya biglaan ang ginawang pag alis.

"Nga pala i heard na bumili ka daw ng condo sa blue pearl. Sana sinabi mo sa akin na nag hahanap ka ng condo para naman na i offer ko sayo yung condo ng friend ko na ibenebenta na din." umangat ang tingin ni Dylan rito. Paano nito nalaman ang tungkol sa pag bili nya ng condo. Pinababantayan ba nito ang kilos nya. Binaba nya ang kubyertos na hawak nya saka masama ang tingin ang pinukol rito. Ayaw na ayaw nya sa lahat yung binabantayan ang galaw nya at inaalam ang mga ginagawa nya.

"Paano mo nalaman na bumili ako ng Condo." halatang kinabahan ito na napatingin sa kanya. Alam nito ang rules nya bago pa man sila ma engaged noon na wag na wag itong makikialam sa buhay nya.

"Well it happen na friend ng friend ko ang may ari ng buildings na yun."

"Friends of friends... i heard na servantes ang may ari ng condominiums na lilimutan ko lang palang itanong sayo."

"Talaga ano daw pangalan?"

"I forgot... " kunwari nag isip si Dylan.

"Dhalia.. Daisy.. Dana i dont know hindi naman ako ang nakipag transaction si Felix." sagot ni Dylan na hinihintay ang magiging reaction ni Celine na halatang kabado.

"Baka ka apelido lang namin marami naman ganun na halos mag kakaapelido."

"Maybe di ko naman na meet at di rin naman ako interesado kung kamag anak nyo ba o hindi." ngumti si Celine.

The Arrogant CEO Loves Me ( from Dreame )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon