Prologue

8 2 0
                                    


"Paisley!"

I look around to find the one you called my name and there I saw Solera, running in my direction.

"Sol, bakit ka nagmamadali?"

Hinihingal pa ito kaya't natagalan ang pagsagot sa aking tanong.

"Nagplano ang buong batch na mag-celebrate ng graduation ng sama-sama. " hinihingal na sagot n'ya.

"Mag-celebrate sama-sama? Hindi ako makakasama, sol. May bagay pa akong dapat gawin."

"Pai, isang araw lang 'to. Sumama ka na." pangungulit n'ya pa.

"Sol, alam mo naman na kailangan kong umuwi ng maaga para mag-advance study."

"Pai, kaga-graduate pa lang natin mag-aaral ka na naman?" taas kilay nitong tanong.

"Alam mo naman na gusto kong makapasok sa Ateneo, sol."

Totoo naman ang sinabi kong dahilan ngunit ayoko lang talagang sumama dahil alam kong may alak sa celebration na 'yon at pipilitin lang ako ng iba naming kaklase na uminom.

"That's the point, paisley. Aalis ka na rito sa isla kaya gusto ka naming makasama."

Dahil sa sinabi n'ya napapayag na n'ya ako, narealize ko rin naman na baka ilang taon pa ang lumipas bago kami magkita-kitang muli. Susulitin na muna namin ang mga oras na kumpleto pa kami rito.

"Oo na, soleia. Sasama na ako."

Pagkatapos ng usapan naming 'yon ako ay umuwi na sa bahay para matulog muna at maghanda para sa celebration ng aming batch.

Nagising na lang ako dahil sa ring ng aking cell phone, tumatawag si soleia.

"Paisley, nasaan ka na?"

"Nasa bahay pa. " sagot ko habang humihikab.

"Ano?! Hoy, paisley! Ikaw na lang ang kulang dito!" pasigaw na sabi nito.

"Ano?! Maghahanda na ako papunta riyan." natatarantang sagot ko.

Kumain muna ako ng hapunan bago maligo para maghanda pa punta sa lokasyon na binigay ni sol.

Naisipan kong itext si soleia para malaman niyang papunta na ako.

Paisley: I'm on my way, soleia.

Habang naglalakad papunta sa sea side kung saan na pagplanuhan ng batch na mag-celebrate napapatingin ako sa langit dahil sa ganda ng buwan lalo na't nakikita sa lawa ang reflection nito.

"Pai, dito!" kumakaway na sigaw ng kaklase ko.

"Sorry, nalate ako."

Nakakahiya man nagawa ko pa ring makausap ng maayos ang mga kaklase ko.

Habang nag-iinom sila ako naman ay kain lang nang kain at nakikinig lang sa mga kwentuhan nila.

It's already 11pm and almost all of them are already drunk. May mga nakatulog na rin sa pagkakalasing at ang iba ay umuwi na nang maaga dahil may mga lakad pa raw bukas.

"Umuwi na tayo, lasing na kayo." pag-aaya ko sa kanila.

Sumang-ayon naman sila kaya't inakay ko na agad si soleia para ihatid sa bahay nila dahil masyado na itong lasing, marami na rin kasi itong nainom.

Paggising ko ng umaga nagplano agad akong puntahan si sol upang magpaalam dahil mamayang tanghali na ang alis ko papuntang Manila.

"Soleia, ngayon ang aking alis papuntang Manila."

Nakita ko naman na nabigla ito sa aking sinabi, siguro nabigla s'ya dahil hindi ko sinasabi sa kan'ya na matagal na itong nakaplano.

"Ano?! Agad-agad?" nabibigla at nagtataka nitong tanong.

"Sol, matagal ko nang napagplanuhan ito. Hindi ko lang masabi-sabi sa'yo."

I'm sorry, sol.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Sol, ayoko lang naman na tuwing magkasama tayo ay ang pag-alis ko ang iniisip mo" totoo naman na ito ang dahilan.

"Oh, basta mag-iingat ka r'on ha?" paalala nito.

"Yes, Ma'am!" nakasaludo ko pang sagot.

Nagtawanan na lang kami. Mamimiss ko 'to, panigurado.

"Sol, uwi na ako. Nagpunta lang ako rito para magpaalam, mag-iingat ka rin."

"Bye, Paisley. 'Wag mong kakalimutan itext ako."

"Yeah, bye."

Tapos na akong maghanda ng mga gamit ko at ng aking sarili kaya't magpapaalam na lang ako kay mama.

Pagbaba ko sa sala nakita kong manonood ng TV ang aking ina kaya't niyakap ko agad ito kahit na nakatalikod ito sa akin.

"Ma, aalis na ako" naiiyak na paalam ko.

"Paisley, anak mag-iingat ka doon. Wala ako sa iyong tabi, araw-araw kang magtetext sa'kin." pagpapaalala nito sa akin.

"Opo, ma. I will miss you, ma" umiiyak na sabi ko.

"Mamimiss ko rin ang aking magandang anak." naluluhang sabi naman ng aking ina.

"Ma, bawal umiyak." natatawa habang nagpapahid ng luhang sabi ko.

"Ikaw 'tong unang nagdrama e." irap nito sa akin.

Nagtawanan na lang kami dahil sa aming naging usapan. I will surely miss her. I will miss every side of our home. I will miss everything about this island.

Sa huling pagkakataon niyakap ko ng mahigpit si mama. Mamimiss ko ang lahat kay mama.

"I love you, ma."

"I love you, too."

Lumabas na ako ng bahay nang hindi nililingon si mama kasi hindi ko magagawang umalis kong makikita ko ang mukha n'yang umiiyak. 


Bitterly SweetWhere stories live. Discover now