Sa pagdating ko sa Manila usok at mga taong may kan'ya-kan'yang mundo ang sumalubong sa'kin. Mga nagtataasang building at mausok na paligid dahil sa mga sasakyan."This is what Manila looks like, huh."
I already expect this but this ambiance still shocks me, just how much pollution vehicles bring. Sa mausok na lugar na ito paano nila nagagawang makahinga ng maayos?
Sa paglibot ng aking mata upang tignan ang buong lugar ang napansin ko lang ay ang laki ng pagkakaiba ng Manila sa lugar na aking kinalakihan, ang isla na naging tahanan ko simula nang ako'y ipinanganak.
Nang makarating ako sa bahay ng aking aunty ay agad akong nagmano rito, kay aunty ako titira habang nag-aaral dito sa Manila.
"Hi Aunty, mano po." magalang kong bati rito.
"oh, iha nandito ka na pala. Pasok, kumain ka na ba?"
"Hindi pa po ako kumakain ng tanghalian pero busog pa po ako, kaya't maya-maya na ako kakain."
"Oh, sya. Magpahinga ka muna sa taas, 'yung nasa kaliwang banda ang kwarto mo iha, anak."
Nagpasalamat at ngumiti na lang ako sa kan'ya bago tinahak ang direksyon na kaniyang itinuro.
Sa pagpasok ko sa kwarto ay napansin ko kaagad ang ganda ng ambiance nitong kwarto. Mayroon itong mga furniture na halatang inihanda sa aking pagdating.
"Salamat, aunty." bulong kong pasasalamat.
Pagtapos na pagtapos kong ayusin ang aking mga gamit, nahiga ako sa kama. Siguro dahil sa pagod sa aking byahe ako ay nakatulog ng mahimbing.
Nagising na lang ako dahil sa sikat nang araw na tumatama sa aking mukha na siyang sumisilaw sa akin. Naiinis pa ako dahil sa sikat nang araw at dahil gusto ko pang matulog ngunit bigla kong naalala ngayon pa lang ay kailangan ko nang magpasa ng requirements ko upang makapasok sa Ateneo.
"Kailangan ko nang maghanda!" nagpapanic na sigaw ko.
Sa bilis ng mga galaw ko ay nakatapos agad akong maghanda kung kaya't bumaba agad ako at ang ngiti ni aunty ang una kong nasilayan, napangiti na lang din ako sa ganda ng mga ngiti nito.
"Good morning, iha. Kumain ka na nang umagahan."
"Good morning din po aunty." nakangiti kong bati pabalik.
Dumiretso ako ng kusina para simulan nang kumain dahil kailangang-kailangan ko nang ipasa ang mga papeles ko.
"Aunty, una na po ako. Kailangan ko pa pong ipasa ang mga papeles ko upang makapasok sa Ateneo." pagpapaalam ko sa kan'ya.
"Ingat ka, iha. Maraming masasamang tao rito, alalahanin mo nasa Manila ka na." pagpapaalala nito.
Nang nasa harap na ako ng Ateneo hindi ko mapigilang mamangha dahil sa ganda ng unibersidad na ito at dahil na rin sa laki nito. Sobrang daming tao ang narito, siguro nag-eenroll din.
Agad akong lumapit sa security guard upang magtanong kung saang direksyon ang dean's office dahil sa kan'ya ipapasa ang mga papeles upang maicheck nila ang background at para na rin maicheck nila kung pasa ka sa requirements nila.
Kumatok ako sa pinto ng dean's office upang malaman n'yang may tao bago buksan ang pinto.
"Hi Dean, these are the papers needed for the scholarship." bati ko sa kan'ya nang may galang.
"Oh, isa ka sa mag-aapply para sa scholarship? Paki-fill up-an muna ang mga papeles na ito, tatawagan ka namin sa oras na ikaw ay mapili para sa scholarship."
Binasa ko muna ang papeles bago pirmahan.
Pagkagaling ko sa Ateneo naisipang ko munang mamili ng mga school appliances bago dumiretso pauwi.
"Aunty, nandito na po ako." pasigaw kong sabi.
"Iha, nakarating ka na pala. Naging maayos naman ba ang papeles na iyong ipinasa?" takang tanong n'ya.
"Opo, aunty. Ang sabi po sa akin ay tatawagan na lang nila ako kung ako ang napili maging scholar."
"Alam kong ikaw na 'yon." puno ng konpidensiya n'yang sabi.
Tinawanan ko na lang ito dahil ang totoo ay kinakabahan ako. Isa ang pagpasok sa Ateneo ang aking pinapangarap kung kaya't ganito na lang ang aking kaba.
Umagang-umaga pa ay nag-iingay na ang aking cellphone dahil may tumatawag.
"Hello, is this Miss Paisley Kyr Almazan?"
Nagising ang aking diwa nang mapagtanto na ang dean ito ng Ateneo.
"Yes, I am." kinakabahang sagot ko.
"Good morning, Ms. Almazan. Congratulations, you're the one who was picked to be the scholar of Ateneo."
Napaiyak ako sa mga narinig ko, naiyak sa sobrang saya. Tiyak na magiging proud si mama pagnalaman n'ya ito.
"Thank you po, thank you!" umiiyak na pasasalamat ko.
Isa ito sa pinakamasayang araw sa buong buhay ko at isa rin ito sa dahilan kung bakit nakilala ko siya.
YOU ARE READING
Bitterly Sweet
Teen FictionA girl who lived her whole life inside her shell, Talim Island. She's naive, too naive to face the real world. But something happened that will be her reason to get herself out of her shelter, something that will be the reason why her life became up...