CHAPTER 9
"HOY BABAENG NAG FI-FEELING CINDERELLA!" rinig na rinig namin mula sa dining area ang boses ni Behati na gigil na gigil.
Malamang pinagsama na ang inis niya sa nangyari at sa pinag awayan nanaman nila ni Marc kaya gigil na gigil na siya.
Nagkatinginan kami ni Dewei at sabay na napailing dahil alam namin na hindi titigil si Behati kaka bunganga niya oras na makita kami.
Pinagpatuloy namin ang pagkain ni Dewei, napadami ako ng kain since he cooked kimchi fried rice. Tahimik lang kaming kumain ng walang namuntawing salita sa pagitan naming dalawa, hinayaan namin ang komportableng katahimikan ang bumalot sa loob ng dining.
"We were looking for you Savannah Isla!" padabog na umupo si Behati sa isang upuan habang padabog na binitawan ang YSL clutch niya sa sahig.
"How dare you leave me in that corrupt place! May mga higad pang nagkalat, ang kati kaya!" reklamo ni Behati at kinuha ang kutsara ko para sumubo.
Hinintay kong makapsok sila Kuya Benj at Marc bago magsalita dahil panigurado uulitin ko nanaman ang pag papaliwanag kung sakali.
"I told you something came up kaya nauna na kaming umuwi." alam kong 'di sila naniniwala dahil sa ekspresyon nilang tatlo.
"Oh yeah?! Kaya pala bigla nalang umuwi si Kaede pagtapos niyang sabihin kay Benj na umuwi ka kasama ng isang lalaki! At ikaw naman Dewei! Di ka man lang nagsabi na ikaw ang kasama ni Savannah!" aniya habang numunguya.
"I can't call while driving Behati, and you called exactly when we arrived here." kalmadong pagpapaliwanag ni Dewei
"E'di sana si Savannah yung pinatawag mo! Andaming paraan Dewei Adryan! Nagalit yung Mommy ni Savannah at ang sama pa ng tingin sa'kin bwiset!" halatang 'di gusto ni Behati ang nangyari sa party.
Tahimik lang si Kuya Benj at Marc sa gilid na nagmamasid sa amin habang di parin tumitigil si Behati sa pag sesermon niya.
So he really did went home. Umuwi si Kaede after telling Kuya that I went with a boy? But how about the event? Napabuntong hininga ako sa naisip. For sure Mom is disappointed that the event was cut short. Kahit pa sinabi niya na may dinner siya with the Acevedo's nang tumawag siya.
"Mom is mad, but she can't do anything since Kaede said he has an emergency to attend to." napabaling ako kay Kuya Benj. Did he just read my mind?
"Your expression says it all Savi, I didn't read your mind." kinilabutan ako sa sinabi ni Kuya Benj.
I stared at my brother weirdly and he just roll his eyes and shrugged at me. He silently motioned me to go out so we can talk privately.
Nagpunas ako ng bibig at tumayo sa aking kinakaupuan para sumunod na kay kuya.
"San ka nanaman pupunta Savannah Isla!" asik ni Behati na kanina pa kumakain sa plato ko, halos naubos na niya yung pagkain ko.
"I'll just go to my room."
"Ikaw talaga namimihasa ka ng bigla biglang umaalis ah! Dito ka lang!" galit na sigaw niya habang ngumunguya pa ng pagkain. I gave her a deadpan look and just ignore her.
"Just finish eating my kimchi fried rice and don't break my Hermes plate!" i warned her.
Tututol pa sana si Behati ng biglang nagsalita si Marc.
"Let her go. She's gonna talk to her brother." Natahimik si Behati na ikinatawa ko ng mahina. Nagdabog nanaman siya habang kumakain.
"Wag mo 'kong kausapin! Dun ka sa higad mo, kadiri kayo!" pahabol niya sigaw na narinig ko bago ako pumasok sa kwarto.
YOU ARE READING
Ashes of Justice
RomanceThe youngest child of a family of business tycoons, Savannah Isla Escallante, as much as she doesn't express herself that much she is a life-loving individual. However, as much as she loved her life, bad things began to happen and she began to despi...