Kabanata 1

1 0 0
                                    

"Nandito na ko sa trabaho ko" chat ko kay mama pagkarating ko sa area ko.

"Maaga ka ata ngayon bruha"Bati sakin ng isa sa mga katarabaho ko na si Ana.

" Iirita ako sa bahay kaya maaga ako dito na nga rin ako mag aalmusal"sagot ko naman sakanya

Si Ana ang pinaka close ko dito sa trabaho ko.Siya lang ang napaglalabasan ko ng mga problema ko.Hindi na nga katrabaho lang ang turing ko sakanya dahil matalik na kaibigan na rin ang turing ko sakanya bukod pa don kilala rin sya nila mama at mga kapatid ko.Panay ang daldal ko sainyo samantalang hindi pa nga pala ako nakakapag pakilala .Ako nga pala si Liyana Martins 23 years old.Ako ay may mahabang buhok na itim na itim,Maputi ako na ipinagtataka ng lahat dahil sa aming magkakapatid ay ako lamang ang may ganitong kulay  samantalang morena at moreno sila.Bilugan ang itim ko ring mata,matangos na ilong at mapula pulang labi.5'4 ang height ko at balingkinitang katawan.Bunso ako sa mag kakapatid.Si Kuya Leon ang panganay namin 35 years old isa syang Real Estate agent may asawa na sya at 2 anak sumunod sa kanya si Kuya Llyod 32 years old kasalukuyang call center agent at may girlfriend,Si ate Liyah naman ang sumunod na 28 years old isa naman syang teacher sa public school malapit samin at may asawa na rin.Ang mama ko ay isang houswife at ang papa ko naman ay isang family driver ng isang mayamang pamilya.At ako nga ang bunso isang production worker sa isang pribadong kumpanya ng mga halaman.Oo hindi ako nakapag tapos hindi katulad ng mga kapatid ko dahil na rin saming mag kakapatid ako ang blacksheep.Hindi maganda ang estado ko sa pamilya namin dahil ako lang naman ang nag iisang sumuway sa mga magulang ko.Hindi ko kasi gusto ang pinapa take nilang course sa kolehiyo saakin .Hindi katulad ng mga kapatid ko na sinusunod lahat ng kagustuhan nila.Wala na rin naman silang nagawa dahil sa kilala nila ako at alam nilang hindi na nila mababago ang isip ko kaya naman wala na silang nagawa kundi hayaan na lang ako.

"Bakit ano nanaman ba kase ginawa mo?" pang tatanong sakin ni Ana na may halong panunuya

"Wala akong ginawa hah!Ni hindi nga ko umuwing may alak sa sistema ee!" depensa ko naman

"Himala ata walang alak na dumaloy sa katawan mo kagabi!!So anong ikinairita mo?" sabi ni Anna

"Si mama kase may ipinapares nanaman sakin" sagot ko

Oo hinayaan na nga ako ng mga magulang ko sa mga desisyon ko sa buhay pero ang lovelife ko lang ang hindi nila tinigilan.Siguro sobang sakit na ako sa ulo nila kaya naman pinipilit akong mag asawa na ee ang bata ko pa!.

"Ano namang itsura Yana??Pogi naman ba?Yummy ba??" kinikilig pa nyang tanong

Yana ang tawag nya sakin samantang Anna naman ang tawag ko sa kanya,pinaiksi sa pangalan nyang Marieanna.Basta talaga lalaki neto apakabilis sumbong ko to sa Boyfriend nya ee.

"Ano ba Marieanna apaka kire mo hala mag trabaho na nga tayo.!" sabe ko

Mag aalas otcho na rin kase ng umaga at umpisa na ng trabaho namin.Kaming dalawa ang madalas na mag sama sa area dahil yung iba naman ay nasa kabilang area.Ang trabaho namin dito ay taga produce ng halamang inoorder ng mga costumer.Katulad nga ngayong araw ay naka schedule kaming magpunla.Kami ang mag punla at mga lalaki naman na ang mag aalaga sa loob ng nursery na kung tawagin ay Greenhouses.Si kuya Abet ang boyfriend ni Anna ay isa sa mga nangangalaga ng greenhouse taga dilig at taga pagpataba hanggang sa ito ay ma quality control na kami ring mga babae ang gumagawa.Pagkatapos ma QC ay saka lang to idedeliver.Iilan lang naman kaming tauhan ng kompanya dahil na rin hindi rin naman talaga kalakihan itong Farm namin.Ako si Anna,si Kuya Abet,Si kuya Diego(na isa sa mga driver),Si Carlo na ka edad ko lang din sya naman ay pahinante,Si Mang Jeddy na Maintenance.Si Maam Pearl na admin/Hr,si maam Georgia na accountant namin at si Maam Rosa na Supervisor/Manager na rin namin.Yung isang driver ay hindi ko kilala dahil na rin sa madalang lang kaming mag kita dito sa trabaho pag kase walang idedeliver ay hindi rin sila napasok tanging kaming production at pahinante lamang ang pumapasok.May iba pang mga babae katulad nila Sarah,Mika, at Ate ching mga oncall naman sila samantalang kami ni Anna ay naka contrata na.

Anna POV

Haaaays eto talagang bruha nato hindi na mag ayos sa buhay.Kung hindi lasing iritable naman.Siguro naman ipinakilala na ako sainyo ni Yana pero syempre mag papakilala ulit ako hahaha.Ako nga pala si Marieanna Lopez 26 years old.Hindi katulad ni Yana maiksi lang ang buhok ko na kulay brown,kulay itim ang singkit kong mata,may pagka chubby pero magkasing tangkad lang din naman kami netong bruha.Dati rin akong maputi pero dahil nga sa trabaho kaya naging tan ang kulay ko ewan ko ba sa babaeng to saan nakuha ang balat kahit na babad sa initan ay hindi nangingitim,hindi rin uso ang pagpapawis kaya naman akala mo fresh lagi.Sakanilang mag kakapatid ay sya lang ang maputi ang sabi naman sakin ni tita Lexy na nanay nya nung ipinagbubuntis nya si Yana ay nakahiligan nya ang mapuputing bagay at pagkain kaya siguro ganyan ang balat nya.Oo may boyfriend na ko si Abraham "Abet" Quinto 31 years old.Medyo matagal na nga kaming dalawa at nagpaplano na ng kasal sa ngayon ipon muna.Oo matanda sya sakin pero ayun naman talaga ang gusto ko dahil sa mature na syang mag isip.Hindi kagaya netong si Yana na wala atang kaplano plano sa buhay.Kung titignan mo yang babae na yan napaka amo ng mukha,maganda sya at hindi mo pagkakamalang may mga kalokohang pinag gagagawa.Sa loob ng apat na taon kong kasama yan nakabisado ko na ang ugali nyan.Mabait sya sa mabait pero sa mga hindi syempre mas hindi sya.Blacksheep ng pamilya nya pero ganun pa man mahal ng mga kapatid dahil na rin sa bunso.At oo palaging may alak sa sistema nyan dahil na rin siguro sa mga kuya nya kaya naman hasang hasa ang atay.Si Yana yung babaeng hindi mo gugustuhing makatapat sa inuman ikaw gumagapang na sya akala mo nainom lang ng tubig dahil sa taas ng alcohol tolerance na namana nilang magkakapatid kay tito Desil.Hindi katulad ko si Yana wala pang naseseryosong lalake halos lahat fling fling lang.Hindi mo rin naman sya masisisi sa ganda nyang yan hindi malabong pagkaguluhan ng mga lalaki.Habang nagtatrabaho nga kami ay naalala kong may ichichismis nga pala ako sa kanya.

"Yana may chizmiz pala ako sayooo!" sabe ko

Hindi naman sya lumingon pero sumagot pa rin ng ano.

"Balita ko may bagong apply ah magiging katuwang ni Abet sa pag aalaga ng Greenhouse" mahabang sabi ko

"Oh tapos? Iwewelcome ko Anna?" walang kagana gana nyang sagot sakin

Wala ka talagang makukuhang sagot sa gaga na to lalo na pag ganyang iritable.

"Ay yawa ka Yana.!sinasabe ko lang sayo baka malay mo.." putol kong sabi

"Tigilan mo ko Anna alam mo kung ano lang gusto ko." lumingon na sya habang sinasabe nya yan.

"Fine!!fine!!" pag suko kong sabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon