Chapter 2

4 0 0
                                    

I just wake up at nang tignan ko ang alarm it's 9 am na. Bumangon na ako at nagshower. After that, pagbaba ko hinanap ko agad si lolo pero di ko makita kaya lumapit ako kay nanay elma. I know her and she's here for so long.

"Nay elma, nasan po si lolo?" tanong ko.

" Magandang umaga hija! Umupo ka na rito at ipaghahain na kita. Umalis ang lolo kanina pa at nag-ikot sa buong hacienda. Ibinilin ka niya sakin at baka hapunin siya at may dadaanan pa daw." sagot niya.

Umupo na ko at inayos ang table mat at utensils na gagamitin ko. Pagkalapag ni nanay elma ng pagkain ay akmang aalis na siya pero pinigilan ko.

"Nay sabayan niyo na po akong kumain?" aya ko.

"Naku hija salamat pero nakakain na ko kanina. Nga pala mamaya darating si mia ipapakilala ko sayo. Wag kang mag alala mabait iyon at makwento. Magkakasundo kayo. " sabi niya.

"Ah ganon po ba sige po nay. Baka magpasama din ako sa kanya na umikot dito." sabi ko naman.

" Pero baka mamaya pa yon hapon pumunta dahil may pasok sila ngayon. Kung gusto mo ipapatawag ko si mateo para masamahan ka." sabi ni nay.

Pagkarinig ko ng pangalan nataranta ako dahil may kutob ako na ang mateo na sinasabi ni nanay elma at yung kilala ko ay iisa.

"A-ah n-nay wag na po baka sa kwarto muna po pala ako at magpahinga pa." Sabi ko

"Sige hija tawagin mo lang ako pag may kailangan ka ha?" Sabi niya. " Yes nay salamat po"

WHAT?! He's still here? At sa hacienda pa talaga? Bat di nalang lumipat sa malayong lugar!!  What am I gonna do? Hindi malabo na magkita kami. I should ignore him nalang. Tama tama I should ignore him and treat him like a stranger. Baka makahalata sila dito kapag nakita nila na galit na galit ako. I don't want to explain myself.

After kumain I just locked myself in my room. Nilibang ko ang sarili ko hanggang sa nakatulong ulit ako at hapon na ng magising. Nagising ako ng may kumakatok sa pintuan.
"Sandali bubuksan na!" sigaw ko.
"Bakit?" Tanong ko pagbukas ng pinto. Nakita ko ang isang morena at may mahabang buhok na babae.

"Hi ma'am! Ako po si Mia Cervantes. Isa po sa katulong dito sa mansion. Pasensya na po at naistorbo ko kayo kaso pinapatawag po kasi kayo ng lolo niyo sa baba." nakangiting sabi nya.

Oh I see siya siguro ang tinutukoy ni lolo at nanay elma na si mia. She seems nice.

" Hello! I'm Cassandra but you can call me cali." pakilala ko at nakipagshakehands at siya namang inabot ang kamay ko. " Sige I will go down na. May aayusin lang ako saglit."

After that inayos ko na ang sarili ko at bumaba. Nasa kalahati palang ako ng hagdan ng makita ko sila lolo sa living room at napatigil ako ng makita ko kung sino ang nasa tabi niya. Shet umiiwas nga ako tapos ngayon nagkita na kami. Calm down cali, you can do it pretend like you didn't remember him.

"Hi Lo! Kanina pag gising ko wala ka na po dito sa bahay." Sabi ko habang nakatingin kay lolo pero on my peripheral vision, I can see the intense look he gave to me.

" Hahaha pasensya ka na apo. Hindi na kita nahintay gumising at kinailangan ako sa planta at sakahan kanina. Ngayon ang panahon ng ani kaya kailangang imonitor mabuti." paliwanag ni lolo. "Siya nga pala I hope you know him pa rin. Eto pala si Mateo. Yung lagi kong kasama dati. Do you remember him?" tanong ni lolo.

" A-ah I-I'm sorry lo but I don't remember na po" sabi ko. Nang bigla niyang nilahad ang kamay at matiim pa rin yung tingin niya na para bang may halong pagtataka at pagkabigla.

"Magandang hapon! Ms. Cassandra. Ako nga pala si Matthew Caden Javier Olivarez. It's nice to see you again,
cali!" wala kong nagawa at tinanggap ang kamay niya dahil nakatingin si lolo. I just smile at humarap na kay lolo.

" Also mukang nakilala mo na rin si mia, apo. Pinatawag kita sa kanya kanina." Sabi ni lolo at tumango at ngumiti ako kay mia.

Its like I lost my voice at na intimidate kay mateo. Nahihiya ako na hindi ko maintindihan. He got a  matured looks now compared in the past. He's tall and I think he's a 6 footer. Ganun pa rin yung mala chinito niya na mata, matangos na ilong, he had a concrete jaw at his skin na medyo kayumanggi pero makikita mo pa rin ung kaputian niya and my gosh he's voice so manly. In short he's handsome and manly.

Waiiitt why would I care about his looks? Natigil ang pag imahinasyon ko ng magsalita ulit si lolo.

" Sila ang madalas mong makakasama sa pananatili mo rito. Si Mateo na maghahatid at magsusundo sayo saan ka man magpunta. Si mia naman ay maaari kang samahan kung gusto mo ng makakasama sa paglalakad. Lalo na at sa iisang eskuwelahan lang kayo. Sasamahan ka nila bukas para makahabol ka pa sa semester na ito."

"Ah okay po lolo. Thank you!" sabi ko.

" Sige at ako ay magpapahinga na. Patawag nalang ako sa kasambahay pag oras ng ng hapunan. Sabi ni lolo at nagpaalam na. Ganun din si mia na pumunta na sa kusina.

Naiwan kaming dalawa ni matthew sa sala. Akmang aalis na ako dahil sa tension na nararamdaman ko ng bigla siyang magsalita.

" I don't believe that you don't remember me, cali." sabi niya.

" Kung ayaw mo maniwala edi wag di ko kailangan mag explain kung bakit di kita matandaan! " sabi ko at umirap.

" Humanda ka at sa mga susunod na araw ipapaalala ko sayo kung sino ako sa buhay mo." sabi niya habang titig na titig sakin.

" Like I care? Bahala ka sa buhay mo. Excuse me." at dali daling umalis dahil hindi ko na kaya yung pagtitig niya.





My Rebel HeartWhere stories live. Discover now