" Hoy Bilog ! Bakit ngayon ka lang??? Inumaga ka na naman ba kakaisip bakit Bilog ang pinangalan sayo? HAHAHAHHA"
" Circle kasi! Wag mong tagalugin pumapanget name ko katulad ng mukha mo !"
Kainis tong Daing na to aga agang panira ng araw
" Ganun din yun Bilog ka pa rin kaya laging nabibilog ang ulo mo ng ex mo HAHAHAHAHA! "
" pakyow ka talaga! Nadamay na naman ex ko nakahimlay na yun kasama ang bago nyang mukha ring daing katulad mo HAHAHAHAH! "
" Hoyy! Ang guwapo kong to sasabihan mo lang akong mukhang daing? Tsk patay na patay nga sa akin iyang tindera ni Aling Pasita eh kulang na lang gawing libre lahat ng binibili ko sa kanya HAHAHAHHA "
" Panoy bibili ka lang kelangan pang laging nakahubad eh buti hindi nasisira ang buto buto mo kakabilad mo nyan sa araw HAHAAHAHA "
" Hoyy! May muscles ako noh! Tulad mo pa ko sayong isang ihip na lang ang katapat HAHAHAHA "
Aba't Sumosobra na itong Daing na to ah!
" HOYYY! ANG AGA AGA ANG INGAY INGAY NYO NA NAMANG DALAWA! HALA! MAGSIPASOK NA KAYO AT WALANG NABILI DITO DAHIL SA KAINGAYAN NYO! "
grabe naman itong si Aling Pasita bumili naman ako ng kendi sa kanya ang init agad ng ulo aba.
Kamot ulong niyaya ko na si Ding para sumakay na ng jeep papasok ng university.
Kung itatanong nyo ay kami ay mga estudyante sa kolehiyo dito sa aming lugar. Mga isko kami at pinalad makapasa dahil may kapiranggot naman kaming utak nitong si Ding. Parehong Criminology ang kinuha naming kurso dahil pangarap talaga naming maging kriminal HAHAHAHAHAHA.
" Tara na nga Daing mainit na ang ulo ni Aling Pasita ayaw sa kagandahan ko palibhasa ay maasim ang mukha eh "
" Ggo ka talaga lang suka ang pinapaligo nuong si Aling Pasita kaya maasim sya HAHAHAHA "
" Oo nga no? Tumatalino ka na Daing! Sana ay ganyan ka rin kapag tinatawag ka sa recitation ano? Hindi yung puro bokya ka HAHAHAAHA! "
" Teka nga . Daing ka ng daing Ding nga kasi! Ka gwapo ng pangalan ko ginaganyan mo lang ! "
Kung bakit naman din kasing Ding ang pinangalan sa kanya HAHAHAH
" HAAHHAHA! Balak siguro nina Tita at Tito na paghanapin ka ng Darna mo AHAHHAHA! "
" eh ikaw nga Circle ang pinangalan nagreklamo ba ako ha? Panay reklamo ka dyan sa pangalan kong kasing gwapo ko ! "
cute naman ang name ko eh . Circle Sheyffe Quezada Estevan , bongga di ba lakas ng trip ng magulang ko HAHAHAHHA!
" Ayan na ang jeep! dalian mo na lang maglakad at paniguradong bubungangaan na naman tayo ni Mr. Tayabas na bayabas. "
Ang siksikan na sa jeep ngunit wala naman kaming choice at baka mahuli pa kami sa klase .
" Teka Bilog naamoy mo ba yun?" Sisinghot singhot pa itong si Daing.
Pero may naaamoy nga ako kaso ay binabalewala ko na lang dahil yung katabi ko yun sa kanan. Nasa kaliwa ko kasi si Ding eh pero naamoy nya pa rin ,ano pa kaya akong dikit na dikit dito sa katabi ko kaya langhap sarap talaga ako dito haysss.
"Ahh? W-wala naman ako naamoy baka bunganga mo lang yun ! " Ang ang ggo inamoy nga ang hininga HAHAHAHA! wala talagang hiya ang bonak HAHAHAHA
BINABASA MO ANG
Circle
FanfictionCIRCLE SHEYFFE STORY ( Profx stud ) ___________ This is a gxg story. If you're not comfortable with this pwede mo namang di basahin. Respect and understanding ang kailangan ko hindi criticism . Charot kapag may mali ay sabihin nyo lang open naman ak...