Nasa cafeteria kami kasi lunch time na syempre noh at kailangan ko ng mag recharge nauubos na utak ko di pa man tapos ang araw.
" Bili ka na duon Ding libre mo muna ako nagtitipid ako ngayon HAHAHAHA"
" Hanep ka! Sige na basta ako naman ang ilibre mo bukas ah! "
" Oo na sige na layas na ! Extra rice ko wag mo kakalimutan ah"
Umirap pa to bago umalis. Para talagang bading ang bakulaw na yun.
Tiyaka nagtitipid talaga ako dahil malayo pa ang sahod ko kay Ate Ainah . Yun yung mayari ng katapat na bahay namin sa lugar namin syempre alangang sa lugar nyo ano?
Pero yun nga. Baby sitter ako ng kapatid nya pag gabi at pag walang pasok . Busy kasi ito madalas sa trabaho nya at ulila na rin ito. Close namin iyon ni Ding dahil mabait ito at di nalalayo ng edad sa amin .
Ako naman kasi ay walang ibang kasama sa bahay kundi si Mama lang na madalas ding busy sa pwesto nitong bigasan sa palengke . Ngunit kahit ganoon ay di naman ako nito pinapabayaan . Maaga kasi kaming iniwan ni Papa na isang pulis. Ayaw din naman umuwe ni Mama ng probinsya nila kung saan andun ang mga kamaganak namin sa side nya. Kay Papa naman ay wala na dahil only child si Papa at namayapa na rin ang Lolo at Lola ko kay Papa.
Kaya naman ng inalok ako ni Ate Ainah maging baby sitter ni Ayesha ay tinanggap ko na since makakatulong din iyon sa amin ni Mama. Madali naman kasing bantayan si Ayesha eh tahimik naman kasi ito at madalas may sarili lang mundo lalo pag nagbabasa ito.
Di naman nagtagal at bumalik na si Ding tiyaka nagsimula na kaming kumain.
" Sya nga pala Bilog, kumusta ang panliligaw sayo ni Arturong hugis itlog? "
" Alam mong hindi ko sya type at mas lalong hindi kami talo ano ! Maganda ako ngunit maganda rin ang hanap ko noh ! "
Ang tinutukoy nya ay yung 1 month ng nanliligaw sa aking miyembro ng basketball team. Ilang beses ko na yung tinanggihan ngunit makulet at madalas ay bigla bigla na laang sumusulpot.
Tulad na lang ngayon..
" Hi Babe! Flowers and chocolate for you ! " Ngiting ngiti pa itong mokong na ito
Palibhasa ay alam nyang di ako tumatanggi pag usapang chocolate ehh kaasar
" Akin na yang chocolate, yung bulaklak iyo na tapos alis ka na "
Ako na ang bastos oo HAHAAHA
" pfft ggi to akin na yang bulaklak Arturo maarte yang si Bilog ayaw sa bulaklak di ba sabi ko na sayo "
" Oo nga pala nakalimutan ko" kamot batok pa itong kunwari pang nahihiya eh makapal naman ang mukha tsk
" Kaya naman ayaw kang sagutin neto eh tsk tsk sige na at baka mawalan pa yan ng gana sayo. Next time lapida na lang ibigay mo sa kanya para may mapagsusulatan na sya ng name mo sa kakulitan mo HAHAHA"
Namutla naman ito at dali daling nagpaalam at umalis.
" Tinakot mo naman aba HAHAHAHAH "
" Bakit naman kasi magkakaron ka ng manliligaw laging mga sablay tapos nagka jowa ka nga manloloko naman HAHAHAH "
" Tigilan mo na nga mapupunta na naman tayo sa usapang ex eh"
"HAHAHAHA! yung ganda mo ata Bilog pang lokohan lang di pang seryosohan HAHAHA "
Tsk totoo nga naman kasi maganda naman talaga ako HAHAAHHAHA
BINABASA MO ANG
Circle
FanfictionCIRCLE SHEYFFE STORY ( Profx stud ) ___________ This is a gxg story. If you're not comfortable with this pwede mo namang di basahin. Respect and understanding ang kailangan ko hindi criticism . Charot kapag may mali ay sabihin nyo lang open naman ak...