Chapter 1

119 18 13
                                    

Chapter 1

“France, wala na bang ibibilis ‘yan? I don’t wanna be late in class!”

Hindi ko alam kong pang ilang irap ko na ‘to, sa umagang ‘to. Nang narinig ko na namang kumatok sa pangatlong beses si Clave sa aking pintuan. Halata na sa boses niya ang pagkainip sa pag-aantay sa akin.

“Oo na. Eto na… tapos na!” halos umirap muli ako.

Bakit kasi hindi nalang siya dumeritso sa school? Bakit dumaan pa siya dito sa bahay, kung ayaw niya naman palang malate siya?! Tapos ako ngayon ang ngangaragen niya!

Tinapos ko ang pagsusuklay sa buhok ko. Umalon ang medyo malaki nitong pagkakalukot sa baba ng gumalaw ako patagilid para sukatin sa harap ng salamin kung gaano na ito kahaba. Hinayaan ko itong nakaladlad lang sa likuran ko, tulad ng lagi kung nakasanayan. Itim ang kulay ng buhok ko pero kapag nasisinagan ng araw nagiging parang kulay light brown ito.

Isang tingin pa sa sarili sa salamin ang ginawa ko bago ko mabilis na kinuha ang binder, isang libro, at bag ko na nakapatong sa kama ko ‘tsaka mabilis na na bumaba.

Naabutan ko siya sa living room, kasama ang dalawa kung kapatid na lalaki, na parehong nakasuot na ng kanilang uniporme. Nakapatong ang paa ni Clave sa center table habang busy sa kanyang cellphone. At ang dalawa ko namang kapatid ay nakapangalumbaba habang tamad na nanonood sa TV at kapwa naghihintay rin sa akin.

Agad silang nag-angat ng tingin ng marinig nila akong nagmamadaling bumababa. At kasabay ng pagbaba ko sa hagdan ay ang pagtayo naman nila. They simultaneously heaved a sigh as if waiting for me is such a long pain hours.

“Tara na,” I said as I turn off our flat screen TV. “Sahara, ikaw na ang bahala rito. Aalis na kami!”

Nagpakita galing sa kusina ang isa ko pang kapatid, ang sunod sa akin, si Sahara. After lunch pa kasi ang pasok niya kaya mamaya pa ang alis niya. Itong dalawang nakababata naman naming kapatid na lalaki, si JM at Den-Den, ay parehong umaga ang pasok kaya laging sabay silang dalawa sa akin umalis.

Busangot ang mukha habang may dalang bowl ng cereal, tumango siya sa akin. “’kay,”

Una naming hinatid si Den-Den sa school niya. Isang way lang kasi ang dadaanan namin para makarating sa aming mga paaralan. Mauuna lang ang eskwelahan nang kay Den-Den at ilang sandali pa, sunod naman ang kay JM. Dito rin ang kay Sahara. Magkasama kasi ang high school at senior high, nasa dulong bahagi lang ang kanilang building. Kaya ang pasukan nila ay sa back gate dahil doon ang malapit sa kanila, at ang lower grade naman sa front gate.

“Break a leg, bro,” nag-fist bump sila.

“Salamat, kuya. Ate…” sinilip ako ni JM sa nakababang bintana ni Clave.

Tinanguan ko siya habang ang mga mata’y nasa binabasa at sinenyasan na lang siya na pumasok na. Hindi ko na pinansin ang bulong-bulong niya sa akin.

Nang kaming dalawa nalang ni Clave, sa kalagitnaan ng pagmamaneho niya patungo sa university, nilingon ko siya. Tinabi na muna ang kinuhang notebook kanina para balikan at aralin muli ang naging lesson kahapon.

“Kung ayaw mo palang mahuli sa klase mo, eh ‘di dapat dumeritso ka na. Hindi ‘yung pinapabilis mo ako. Alam mo naman ang mga ginagawa ko bago mag-asikaso sa sarili ko!” inirapan ko siya.

“l know. I didn’t forget that.”

Hininto niya saglit ang sasakyan nang medyo na traffic kami. Doon siya nagkaroon ng pagkakataong lingunin ako. Tinaasan ko siya ng kilay at pinaningkitan. Gano’n din siya sa akin. Siya ang unang bumitiw at nag-iwas ng tingin. Pagkatapos minaniubra na ulit ang sasakyan niya.

Destined Together (Together Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon