Nang sumapit ang madaling-araw ay umalis ng tahimik si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago saka nagtungo sa gubat ng mga Ibarra. Anibersaryo kasi ng pagpanaw ng kanyang ina sa mismong gubat na iyon. Ipinagdasal niya ang kaluluwa ng kanyang ina at inalala ang mga pangyayari labing-tatlong taon na ang nakararaan.
Naalala niya na may isang lalaki na sugatan. Inutusan siyang maghakot ng kahoy na ipansusunog sa kanyang ina at sa lalaki. May isa ring lalaki na tumulong sa kanya sa paglilibing sa lalaking sugatan pati na rin sa kanyang ina.
Pagkaraan ng mga pangyayaring iyon ay umalis na si Basilio sa gubat at lumuwas sa Maynila.
Sa sobrang hiraap at gutom ay ninais na niyang magpasagasa sa mga karwaheng dumadaan. Sakto namang dumaan ang karwahe ni Kapitan Tiyago na lulan din si Tiya Isabel. Kapapasok pa lamang ni Maria Clara noon sa kumbento at pauwi na sana nang madaanan nila si Basilio.
Isinama si Basilio ni Kapitan Tiyago at naging katulong siya sa bahay nito. Wala siyang sweldo ngunit ang kapalit ng kanyang paninilbihan ay pinag-aral naman ng Kapitan si Basilio sa Letran.
Sa unang taon ng kanyang pag-aaral ay wala siyang nabibigkas kundi ang pangalan niya at ang salitang "adsum" o narito po. Minamaliit din siya doon dahil sa kanyang luma at gulanit na kasuotan. Gayunpaman ay lagi siyang nagsasaulo ng leksiyon.
Nagkaroon ng isang gurong Dominiko si Basilio. Minsan ay tinawag niya ang binata upang lituhin ito sa pagtatanong ng leksyon. Subalit sinagot siya ni Basilio nang tuloy-tuloy at walang kagatul-gatol. Dahil dito'y tinawag siyang loro ng propesor sa gitna ng katuwaan ng klase.
Nang minsang bigyan muli ng guro si Basilio ng katanungan ay nasagot niya muli ang mga ito. Sa pagkakataong ito ay wala ang inaasahang katatawanan.
Dahil dito'y napahiya ang Dominiko at sumama ang loob kay Basilio. Nagkaroon pa sila ng alitan at hamunan sa labanang gagamitan ng sable at baston.
Natutuwa namang iniharap siya ng mga mag-aaral sa kanilang propesor. Mula noon ay nakilala na at nakatuwaan si Basilio. Siya ay nagkaroon ng markang sobresaliente.
Dahil masikap sa pag-aaral si Basilio ay hinikayat siya ni Kapitan Tiyago na lumpat sa Ateneo Municipal. Namumuhi kasi si Kapitan Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara. Doon ay pinili ni Basilio ang pag-aaral ng medisina dahil ito rin naman ang kanyang hilig.
Sa kanyang ikatlong taon ay marunong nang manggamot ang binata kaya ng makaipon ay nakapagbihis na siya nang maganda at nakapag-ipon din nang kaunti.
Nasa huling taon na ng pag-aaral ng medisina si Basilio at kapag nakatapos ng pag-aaral ay pakakasal na sila ni Juli.
Talasalitaan:
Aprobado – mainam na marka
Bunton – tambak o tumpok
Dalamhati – paghihirap ng kalooban
Dupikal – sunod-sunod na tunog ng kampana
Gatol – hindi nagdadalawang isip o sigurado
Naaninag – makita
Nauliningan – narinig
Pagsisiga – pagsusunog
Primer ano – unang taon
Sable – espada
Sipilis – isang uri ng sakit na nakukuha sa pakikipag talik
Sobresaliente – pinakamataas o pinakamahusay na marka
Tanyag – Sikat
Tari – sandata na kinakabit sa paa ng panabong na manok sa tuwing labanan
Tinalunton – hinarap
YOU ARE READING
El filibusterismo
РазноеEl filibusterismo (Buod) Ang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman sa wikang Filipino ay karugtong o sikwel ng Noli Me Tangere. Ang nobelang ito ay isinulat ni Dr. Jose Rizal noong Oktubre 1887 habang siya nagpapraktis ng medisina sa Calamb...