28: Pagkatakot

2.9K 18 0
                                    

Sa El Grito ay pinangalandakan ni Ben Zayb na tama siya sa madalas niyang sabihin na nakasasama sa Pilipinas ang pagtuturo sa kabataan. Pinatutunayan umano ito ng mga paskil.

Binalot ng takot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga Intsik.

Hindi na din nakapunta sa basar ni Quiroga ang mga prayle. Inayos din ng mga Intsik ang kanilang mga tindahan upang madali itong maisara kung sakali.

Naisip ni Quiroga na sumangguni kay Simoun upang itanong kung panahon na upang gamitin ang mga baril, pulbura at bala na ipinatago nito sa kanya.

Ayon sa napag-usapan nila ni Simoun ay palihim na ilalagay ang mga baril sa mga bahay-bahay at saka magpapahalughog ang pamahalaan.

Maraming madarakip lalo sa mga mayayaman at ito ay magpapatulong sa kanila na mangangahulugan ng malaking salapi.

Ngunit hindi nakausap ni Quiroga si Simoun. Ipinasabi lamang na huwag galawin ang anuman sa kinalalagyan.

Pumuta si Quiroga kay Don Custodio upang isangguni kung dapat niyang sandatahan ang sariling tahanan.

Subalit ayaw rin tumanggap ng bisita si Don Custodio. Kaya naman kay Ben Zayb nagtungo si Quiroga.

May dalawang rebolber na nakapatong sa mga papeles ng manunulat kaya ng makita niya ang mga ito ay nagpaalam kaagad ang intsik at nagdahilang may sakit.

Kinahapunan ay may kumalat na balitang may panayam ang mga estudyante at mga tulisan sa San Mateo. Ang balak daw na paglusob ng mga ito sa lungsod ay nabuo sa isang Pansiterya.

May bapor pandigma pa daw ang mga Aleman. May mga estudyante daw na nagtungo sa Malakanyang upang magpahayag ng pagkamaka-Kastila ngunit nahulihan sila ng armas kaya ang mga ito ay pinagkukulong.

Naligtas daw ang Heneral dahil noo'y nakikipanayam sa mga puno ng orden o provincial sa Pilipinas.

May nagmungkahi na magpabaril ng isang dosenang pilibusterilyo upang matigil ang gulo.

Sabi naman ng isa'y sapat nang palakarin sa mga lansangan ang mga kawal na kabayuhan at may hilang kanyon upang ang lahat ay magsisipanhik ng bahay para manahimik.

Anang isa, pagpapatayin ang mayayaman at linisin ang bayan.

May naghalughog sa bahay ni Kapitan Tiyago kung saan si Basilio ay nanunuluyan. Hinahanap nila ang mga kasulatan ng binata.

Maya-maya'y dumating si Padre Irene saka nagbalita ng mga nakakatakot sa matanda.

Natakot si Kapitan Tiyago sa mga kwento ng pari. Napadilat ang Kapitan habang nakakapit sa kura.

Nagpumilit siyang makabangon ngunit hindi niya kaya. Bumagsak ito na bumubula ang bibig saka namatay.

Nakahawak ang patay kay Padre Irene na nakaladkad niya hanggang sa gitna ng silid.

Sa isang binyagan kinagabihan ay may nagsabog ng kwalta. Nag-agawan ang mga bata kaya maingay sa may pinto ng simbahan.

May nagdaang opisyal at nabigla ito sa mga nakita. Inakala niyang gawa iyon ng mga pilibusterilyo kaya hinabol ng sable ang mga batang nagsipasok sa simbahan.

Nagtakbuhan ang mga tao dahil nagsimula na raw ang himagsikan.

May dalawang tao na nahuling nagbabaon ng sandata sa silong ng isang bahay na tabla.

Hinabol ng mga tao ang dalawa upang ibigay sa pamahalaan ngunit hindi nila iyon nahuli. Ang mga baril ay lumang eskopeta na maari pang makasugat sa gagamit.

May beteranong napatay ng isang kawani sa pag-aakalang isa itong estudyante. Patay rin ang isang bingi na hindi sumagot ng tanungin.

Sa isang tindahan ay napag-usapan si Tadeo. Binaril na raw ito kaya napadaing ang babaeng kausap. Marami raw kasing utang sa ginang si Tadeo.

Sinabihan naman siya na baka raw madamay pa kay Tadeo ang may-ari ng tindahan kaya natahimik ang babaeng kanina lang ay dumaraing.

Si Isagani naman daw ay kusang nagpadakip. Isa daw siyang luku-luko ayon sa usapan.

Malamang daw ay babarilin din iyon. Wala namang paki ang babae dahil wala naman daw utang sa kanya ang binata. Baka daw pakasal na din sa iba si Paulita.

Halos lahat ng mga bahay ay may nagru-rosaryo.

Sa tinutuluyan nina Palcido Penitente, hindi naniniwala ang platero sa mga paskil. Si Padre Salvi lang daw ang may gawa noon.

Ayon naman sa isa ay si Quiroga ang may gawa dahil may ibig daw ipasok na kontrabando ang Instik na nasa look na sandaang libong pisong mehikano.

Nagkaroon daw ng kaguluhan. Pinadulasan ang mga kawani sa adwana at nakalusot ang salapi.

Pagkaraan ay may narinig silang mga yabag. Kay Quiroga naputol ang usapan ngunit kunwari'y binanggit ng isa si San Pascual Bailon.

Ang dumating pala ay si Placido kasama ang manggagawa ng kuwitis o pulbura ni Simoun.

Hindi raw nakausap ni Placido ang mga bilanggo. Ayon sa manggagawa ng pulbura ay magpupugutan ng ulo sa gabing iyon.

Hindi daw mangyayari iyon sabi ng isa dahil si Simoun na siyang madalas magpayo ng ganun ay maysakit. Nagkatinginan na lang ang dalawang bagong dating.

Pinalitan ang mga tanod sa pinto ng siyudad nang gabing iyon. Mga artilyerong Kastila ang ipinalit.

Kinabukasan sa Luneta ay may nakitang bangkay ng isang dalagitang kayumanggi. Halos hubad ang bangkay. Nakita man iyon ni Ben Zayb ay 'di na rin niya ibinalita.

Talasalitaan:Albacea – tagaganap ng huling bilin o testamento ng namatayAleman – taong taga-GermanyKimi – namumula ang pisngiKuwalta – salapi, peraPahumal – nauukol sa ilongPinagpipiit – pinagkukulongSable – espadaTimpiin – supilinTudling – kulubot

El filibusterismoWhere stories live. Discover now