1st Part: Introducing Vandein

215 8 9
                                    

Life is too precious to be wasted; my life is so precious  that I have no time talking to nonsense people, to chat with people who takes there life for granted, and especially to waste my time listening to those nonsense love stories being narrated by a DJ on a radio station whose voice sounds weird for a man. I'm not bitter, okay? It's just that, I don't see any reason why do you have to share it to the public? Can't those people keep their lives in private?

I normally went to school alone, eat at school canteen alone, and sit alone in a room at my school. If you're thinking I am the only one enrolled on my school or I have a super hideous look that people are avoiding me, then, think again (but it would best if it's the former). The only reason why I am alone is because I admire myself too much and been thinking that I am more superior than most of them.

Katulad na lang ngayon, inuubos ko na itong fruit juice na binili ko kay Aling Taray, sa sobrang init ba naman ng panahon ngayon, kailangan ko talagang uminom ng malalamig pero siyempre dapat masarap! Etong si Aling Taray, malayong kamag-anak iyan nina Mama, kadalasan sa tindahan nila ako tumatambay, may aircon kasi sa kanila at may libre pang pa-wifi, kaso nga lang wala naman akong cellphone, nasira nung isang lingo nang makalimutan kong alisin sa shorts ko, ayun kasamang nalabhan. Mabenta din itong negosiyo ni Aling Taray kaya kadalasan daig pa ang palengke sa sobrang ingay dito sa loob. Wala naman ako sa kanila pakialam, mag-ingay sila hanggang sa gusto nila, magsalita sila para naman mabawasan ang tyansang magkaroon sila ng bad breath.

"SINONG KUMAIN NG SPAGHETTI KO??" napatigil ako sa pag-inom ng juice ko nang may sumigaw, sobrang lalim ng boses na iyon na aakalain mong galling pa sa hukay sa sementeryo. Nakakatakot!! Katabi ko pa naman yung lalaki, ay babae pala.

"Ikaw!!" tinuro ako ng babaeng sumigaw kanina, "Umalis lang ako saglit pero naubos na agad itong SPAGHETTI ko!"

Ano namang kinalaman ko diyan? Diyos ko naman! Tumango na lang ako, kung alam niyo lang kung gaano ako nanginginig sa takot, tiyak pagtatawanan niyo ako. Sobrang nakakahiya! Halos lahat ng tao sa loob ng tindahan ni Aling Taray nakatingin na sa amin. Nakita ko naman na parang nagtatago sa isang poste si Aling Taray, hindi ko lang alam kung natatakot o nababaliw na.

"Nakita mo ba kung sino??" tinanong niya ulit ako, sobrang malas ko naman, sa dami ng taong nandito bakit ako pa? Bakit ako pa ang naisipan mong tanungin???

"SINO???" sigaw niya nang hindi ako sumagot. Dahil sa sobrang takot, tumuro na lang ako ng kung sino. "S-siya!"

Ayan! Nalaman niyo na! Ang totoong dahilan kung bakit hindi ako nakikipagsalamuha sa ibang tao dahil takot ako. Minsan ngang binati ako ng mga kapit-bahay namin, nanginginig na agad ako sa sobrang takot, nung minsang mapadaan ako sa isang eskinitang puno ng aso bigla na lang akong nahimatay, nagising na lang ako nasa hospital na ako.

"Si William?" tanong niya ulit, saka tinuro yung lalaki. Sorry, kuya! Nagipit lang ako. "Ho-hoy! Hindi ako, ha!" tanggi niya habang nakatingin sa akin. "Hindi ako, Maria! Pramis!!" sabi niya dun sa babaeng sumigaw na naubusan ng spaghetti habang nakataas ang kaliwang kamay. Tinignan naman niya ako ng masama na para bang sinasabi niya na bawiin ko ang sinabi ko.

"Maria, pramis! Si Bong ang kumain ng spaghetti mo." Sabi nung William kay Maria saka tinuro yung matabang lalaki na Bong daw ang pangalan, "Ayan nga oh, may mantsa siya ng sauce sa damit niya, eh, bumili lang naman yan ng limang pisong turon!"

"Ay, oo! Tama, si Bong nga!" pagsang-ayon ko kay William. Aba! Gagawin ko ang lahat makabawi lang ako dito kay William. Naaawa naman ako dun, noh. Anong laban naman ng lalaking iyon, sa laki ba naman ng katawan nung babae, tiyak! Bugbog sarado na iyon!

Dali-dali kong inubos yung fruit juice ko, mukhang magkakaroon ng gulo dito sa tindahan ni Aling Taray. Lumapit ako dun sa William saka nag-sorry na sa tingin ko naman ay hindi niya narinig.

"Aling Taray, aalis na po ako! Ikamusta niyo na lang po ako kay Mang Dobol," pagpapa-alam ko kay Aling Taray, si Mang Dobol ang gurang na asawa ni Aling Taray, mahigit dalawampung taon ang agwat ng edad nila pero nagpakasal pa rin sila. Pag-ibig nga naman.

"Sige na Vaccine, umalis ka na't baka madamay ka pa." tugon sa akin ni Aling Taray, lagi na lang silang nagkakamali sa pagbigkas ng pangalan ko, imbes na Vandein ang itawag nila, madalas Vaccine, kung hindi naman, Vantrain, Van o kaya naman Vandin. Pinapabayaan ko na lang sila, hindi naman sila nakikinig sa akin, saka bihira lang ako makipag-usap. Si Lola kasi, iyon pa ang naisip na ipangalan sa akin.

--

"Vandein!! Vandein L. Song!!" sigaw ng isang babae, si Mama, kapag buong pangalan ko na ang tinatawag niya, siguraduhin mong handa ang tenga mo sa mga maririnig mo.

"Andito na po!!" sigaw ko habang binubuksan ang gate ng bahay namin, mabuti na lang malapit lang ang lugar namin kina Aling Taray. Naku! Ang hirap buksan ng gate namin, sa sobrang init kasi ng panahon pati gate namin nakakapaso sa init.

"Ano ba! Ba't ang tagal mo??" sigaw ulit ni Mama. "Dali!"

Ayan na po pinakamamahal kong ina! "Bakit po?" tanong ko kay Mama, magmamano sana ako kaya nga lang itinabig niya lang ang kamay ko.

"Yung salamin ko nawawala! Pakihanap naman, oh!" paki-usap niya sa akin habang nakupo sa pula naming sofa. Lagi na lang ganito, kung hindi remote sa TV, salamin niya ang pinapahanap sa akin na lagi naming nasa ibabaw ng luma naming telebisyon. "Heto na po," sambit ko saka ibinigay sa kanya ang salamin, pati na rin ang remote, sigurado namang manonood na iyan kapag alas-tres na ng hapon, "Ihahanda ko na po yung merienda natin, magkakape po kayo, ma?" Pumunta na ako sa kusina para tignan kung may laman pa ang kapehan, "Sige! Maghanda ka na rin para sa ate mo." Tugon ni mama, "Corrina! Bumaba ka na nga rito at tulungan mong maghanda si Van!"

Dalawang palapag lang ang bahay namin, puros kwarto ang nasa itaas at kusina't sala naman ang nasa ibaba. Natapos ko nang ihanda ang makakain nila nang bumaba na si Ate Corrina. "Halika na po kayo't kakain na!!" sigaw ko sa kanila. Iniwan ko na yung mga pagkain nang pumasok na ng kusina si Ate, ang sama talaga ng amoy niya, kahit nasa loob lang ng bahay ang tindi ng pabango.

Napatigil kami sa aming ginagawa nang makarinig kami ng busina ng kotse. Dumating na si papa!! "Dein, bilis! Pumanhik ka na sa taas, kami na ang bahala rito." Tarantang sabi ni Ate. "Sige na Vandein, hahatiran ka na lang namin ng pagkain mamaya," pagsang-ayon ni mama.

Inilapag ko na yung kinakain kong sandwich saka dali-daling uminom ng tubig. Kasabay ng pagpasok ko sa kwarto ang pagbukas ng pinto sa baba. Mabuti na lang isinara ko iyon kanina nang pumasok ako. Lagi na lang ganito, sa tuwing dadating si papa agad akong magtatago dito sa kwarto ko. Pinaandar ko ang standfan ko saka humiga sa malambot kong kama. Sa mga oras na ito, siguradong inuubos na nila ang pagkain sa baba.

"Patrick, ayos ka lang ba? Gusto mo bang yakapin kita?" para akong baliw na kinakausap ang paborito kong stuff toy, niregalo ni papa sa akin si Patrick nung limang taon pa lang ako. Si Patrick na lang ang nag-iisang stuff toy ko dahil yung iba, ipinamigay na ni Papa. Sobrang nalungkot talaga ako nung magising akong isang araw si Patrick na lang ang natira. Sa loob ng siyam na taon, si Patrick lang ang naging kaibigan ko, siya lang ang tanging napagsasabihan ko lahat ng sama ng loob ko. Nagtataka nga ako at hindi pa ako nababaliw.

Ika-apat na ng hapon nang mapagpasiyahan kong lumabas ng bahay. Binuksan ko ang bintana saka tumalon. Biro lang. Sa tuwing gusto kong tumakas sa bahay, bumababa ako palabas ng bintana gamit ang hagdanan na gawa sa lubid na niregalo din sa akin ni papa. Nag-iwan ako ng note sa kama kung sakaling magtaka sila na umalis ako.

Ginawa ko ang lahat para hindi ako makita o marinig na lumabas dala ang bisikleta ko na niregalo ulit sa akin ni papa. Halos lahat nga siguro ng gamit ko regalo niya sa akin sa tuwing umuuwi siya galling sa trabaho niya. May ari kasi kami ng maliit na tindahan kaya medyo nakakariwasa kami sa buhay kumpara sa mga kapitbahay namin saka yung mga nireregalo sa akin ni papa galing din naman sa shop niya.


Flirting with Thanatos (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon