Chapter 5

43 0 0
                                    

"Mama, Papa, at Ate Corrina,

Heto na po siguro ang huling text na maipapadala ko sa inyo. Mukhang hindi na po matutuloy ang balak niyo na pag-aralin ako sa Reitdan. Kayo na po ang bahala sa mga gamit ko diyan. Kung gusto po ni Ate, ibigay na lang sa mga magiging pamangkin ko ang mga gamit ko. Mahal na mahal ko po kayo."

      Para sa mga hindi nakakaalam, nagsusulat na po ako ng huling habilin gamit ang cellphone ko kung sakali mang mamatay ako sa pambubogbog ni Corned beef.

      Hindi ata magandang ideya na nakapatay pa rin ang ilaw sa silid namin ngayon. Hindi ko matantiya kung anong ekspresyon ng mukha niya kaya mas lalong tumataas ang lebel ng takot ko. Hayan na siya! Ilang hakbang na lang malapit na siya sa kinauupuan ko. Naaaninag ko na itinataas niya ang kamao niya na wari bang aambahan ako ng suntok. Hindi maaari! Kung sakali man hindi ko na ito mapapadalang huling habilin sa pamilya ko!

      "Hoy! Hoy! Huwag mo akong susuntukin, please! Hayaan mo akong magpaliwanag!!!" sigaw ko sa kanya ngunit hindi siya kumilos, naka-amba pa rin ang kamao niya sa ere. "Teka lang!! Hoy! Isesend ko na muna 'to." Naisipan kong ipakita sa kanya yung laman nung last will ko baka sakaling magbago ang isip niya. Ilang sandali lang may narinig akong pamilyar na tunog. Teka, tumatawa siya?? Kakaiba kasi yung tunog kaya baka hindi iyon tawa. Habang busy siya sa ginagawa niya agad akong tumakbo malapit sa switch ng ilaw para ikumpirma kung anong ginagawa niya. Pagbukas ko ng ilaw, hindi ko inaasahan ang makikita ko. Tumatawa nga itong si Corned beef pero hindi lang basta tawa, sinasabayan din ng pag-iyak ang tawa niya. Napansin kong binabasa niya pa rin ang laman ng cellphone. Doon ko lang naalala yung mga pinagsusulat ko doon. Sa sobrang hiya ko, hinablot ko ang cellphone ko sa kamay niya at nagpasiyang mag-ayos na lamang ng sarili nang makatulog na.

      Nakapagbihis na ako't lahat lahat ay tumatawa pa rin itong kasama ko. Hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya o maaawa dahil baka lumuwag na turnilyo niya sa utak. "Hindi na po nakakatuwa!," sigaw ko sa kanya ngunit parang hinid niya ako napansin. Sa sobrang inis ko'y kumuha ako ng unan sa higaan ko't binato ko sa kanya.

      Wrong move! Tumigil nga siya sa kakatawa pero napalitan naman iyon ng titig na ginawa niya kaninang tanghali nang pagalitan siya ni Ms. Q ngunit nagbago na naman iyon ng ilang sandal nang may mapansin siya sa unan na naibato ko.

      "Ang bango nito, ah. Mukhang may bagong makakasama si Junior ko ngayong gabi. Salamat!" pagpo-proklama niya sabay amoy ng amoy sa unan ko.

      "Manyak! Bastos! Akin na 'yang unan ko!," dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan niya at pilit kong kinuha ang unan ko. Mga ilang minuto na din kaming naghihilahan ng unan ko nang maalala ko na may isa pa pala akong baraha laban sa kanya. "Kapag hindi mo ibinigay ang unan ko, hindi ko sasabihin kung anong password ng laptop mo!" Pagkatapos kong sabihin iyon. Bigla niyang nabitawan ang unan ko kaya napa-upo ako sa sahig.

      Ang sakiiiit!! "Hoy! Ang sakit nun, ah," sigaw ko sa kanya habang hinihimas ang puwetan ko sa pag-aakalang mawawala ang sakit ng pagkakabagsak ko. Ano ba? Pwet ko naman 'to, eh. Meron din naman kayo nun, ata. Hahahaha!

      Pagtingin ko sa kanya abala na siya sa paghahanap ng laptop niya. Sana nga mahanap niya! "Bata! Nasaan ang laptop ko, ha!" singhal niya sa akin. Napagod na siguro siya sa kakahanap. May angas din itong isang 'to, eh. Walang – wala siya kay Kuya Aaron. Napakabait ni Kuya Aaro saka maganda pa ngumiti niya pero ang isang 'to, daig pa ang suka sa sobrang asim ng mukha. Sana si Kuya Aaron na lang ang ka roommate ko. Ngunit kung tutuusin, may hitsura din naman siya. Teka. Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Para wala nang away, inilabas ko na lang sa ilalim ng higaan ko ang laptop nitong so Corned beef.

      "Ayan na, oh! Matutulog na ako. Bahala ka na sa buhay mo." sabi ko sa kanya saka binigay ko na ang laptop sa kanya. Nasa akto na sana ako ng paghiga ng tawagin niya ulit ako. "Sungit! Password nito?" tanong niya sa akin. Bahala ka sa buhay mo! Gusto ko sanang isigaw sa kanya pero masyado namana ata akong galit sa kanya. Baka kung ano pang sabihin niya! Ay, ewan!

      "Sa tingin ko, may clue naman diyan," pang-iinis ko sa kanya ngunit sinamaan ko siya ng tingin. Pumunta na lang ulit ako sa higaan niya. Teka, sinabi ko na bang magkatabi lang higaan namin? Kung sinabi ko na, pinapaalala ko lang. Hahaha! Tinulak ko siya pababa ng higaan niya kaya ako na ngayon ang kaharap ng laptop niya. Ilang segundo lang ay nabuksan na ang laptop niya. "Ayan na po," bulong ko sa sarili ko. Hindi naman halatang tuwang-tuwa siya ano? Daig pa kasi ng mukha nito yung sinagot ng girlfriend pagkatapos ng isang taong panliligaw.

     "Okay na?" tanong ko sa kanya. Grrrr. Bwisit. "Teka, yung password??" tanong niya ulit. Kalma lang Vandein. Kalma ka lang. Sagutin mo na lang siya para makatulog ka na. Anong oras na, oh. "Kukurikabu, K-U-K-U-R-I-K-A-B-U. Okay na? Kainis 'to."

      "Kung makaasta ka, daig mo pa si Quartina! Ano bang problema mo, ha." Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Pagkatapos ng lahat lahat, porke nakuha niya na ang gusto niya, ganyan na siya umasta. Naku, Vandein, hindi ka pa nasanay.

      "Sana kasi 'pag may nakita kang nahimatay o kaya nangangailangan, tinutulungan mo. Sige, ha. Matutulog na ako. Ikaw din ha, matulog ka na rin," sarkastiko kong sagot sa kanya. Sana naman maalala niya yung ginawa niyang pang-iiwan sa akin kaninang tangahali. Bangungutin ka sana! "Panis na corned beef," bulong ko sa sarili ko. Hindi ko na siya pinansin. Kinuha ko na lang yung blindfold saka uamayos ng pagkakahiga. "Yung ilaw pala, pagkatapos mong gamitin, patayin mo na, hindi yung umaasa ka pa na iba pa ang gagawa nun para sayo." Okay, makatulog na nga lang. Bahala na siyang mawirduhan sa mga pinagsasabi ko.

---

      Alas tres pa lang ng madaling araw nang maalimpungatan ang pagtulog sa pag-aakalang may humila sa mga binti ko. Inakala kong si Corned beef na naman ang nangti-trip sa akin noong una ngunit mukhang napahimbing ng tulog niya. Tumingin ako sa paligid para siguraduhing hindi barkada ni Khorvin ang may kagagawan ngunit sobrang dilim ng paligid. May konting ilaw din naman na pumapasok sa kwarto dahil katapat lang ng bintana ng kwarto namin ang poste ng ilaw. Pagtingin ko sa bintana ng silid namin, naalala ko ang bintana sa kwarto ko. Ang bintana na siyang nagiging daan ko para makatakas sa masalimuot kong buhay. Muling nagbalik sa akin ang mga pinagdaanan ko nitong nakaraang lingo. Ang mga bagay ng ginawa sa akin ng sarili kong ama; ang pagkakakulong sa aking kwarto ng ilang linggo ay isa lamang sa mga bagay na nakapagpabago sa akin. Mula noon, lagi na akong nagigising ng alas tres ng madaling araw. Dahil doon, nakasanayan ko na ang dumungaw sa bintana para pagmasdan ang kalangitan. Maliban kay Patrick, ang mga bituin lamang ang nakakapagpapakalma ng puso ko. Isang gabi pa lang akong nawalay kina mama pero ibang lungkot na agad ang dating nito sa akin. Wala naman sigurong masama kung gagawin ko ang nakaugalian ko na nitong nakaraang linggo. Tinungo ko ang parte ng bintana ng silid. Pilit ko iyong binubuksan ngunit parang ilang taon na itong hindi naigalaw. Susuko na sana ako nang mapagtanto ko ang likas kong katangahan; hindi ko kasi napansin na may kailangan pa palang pihitin para mabuksan ang bintana. Bubuksan ko na sana iyon nang may biglang humawak sa balikat ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Flirting with Thanatos (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon