ENTRY#6 - Suitor?

12 2 0
                                    

GINA MAYE CORTEZ
-Point Of View-

3Days. Three days na yung nakalipas pero hindi pa rin nanliligaw sa akin si Keith. Nakakainis na nga eh. Ang sarap nyang sapakin! -______- Tsk.

At hanggang ngayon, nangungulit pa rin sya saakin ng
patago. Oo PATAGO! PATAGO!

Kinukulit nya ako na bawiin ko yung sinabi ko sakanya na manliligaw sya saakin..

Hindi nya pa rin kayang sabihin sa lahat na MAHAL NYA AKO AT LILIGAWAN NYA AKO! Hindi nya kaya. Tsk. Sabi na nga ba eh.

Hindi nya siguro talaga ako mahal. Kasi kung mahal nya ako, gagawin nya ang lahat para lang magkabalikan kami.

Pero tama nga siguro si Casper. Tama yung payo nya saakin last day. -_________-

******FLASHBACK******

"Gina... Wag ka sanag magalit o ma-offend sa sasabihin ko..."

Ha? Bakit? Ano ba yung sasabihin nya saakin?

"Ha? Bakit?" Nagtatakang tanong ko sakanya. ?_______?

"Kasi Gina... Sa tingin ko hindi ka talaga mahal ni Jhon"

Nagulat ako sa sinabi ni Casper.

"T-Teka! Pano mo naman nasabi na hindi ako mahal ni Keith?"

"Kasi Gina, kung talagang mahal ka ni Keith gagawin nya lahat para lang mapasakanya ka. Gagawin nya lahat para lang mapasaya ka. Kung talagang mahal ka nya, sana naipakilala ka na nya sa harap ng maraming tao. Sa harap ng mga fans nya, sa harap ng pamilya nya, sa buong mundo. Kung talagang mahal ka nya, nililigawan ka na sana nya ngayon..."

Natameme ako sa sinabi ni Casper. Hindi ko magawang magalit sa kanya dahil alam ko na may point talaga yung sinabi nya.

"Gina 'wag ka sana magalit sakin. Alam ko naman na mahal mo sya, alam ko naman na kailangan mo sya. Pero kasi ako yung nahihirapan sa inyong dalawa. Naguguluhan na ako kung paano ko kayo mapag-babati. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Pero may isang ideya sa utak ko, may naisip akong paraan para mapagbati ko kayong dalawa..."

Masyado na akong nawi-windang sa sinabi ni Casper..

"A-Ano?"

******REALITY******

Nandito ako ngayon sa field ng campus namin. Dito lagi yung pinupuntahan ko kapag gusto kong mapag-isa at para na rin makapag-isip-isip. Kaunti lang kasi yung tao dito.

Minsan lang magkaroon ng maraming tao dito. Magkakaroon lang ng tao dito kapag merong event na gaganapin dito sa field.

"Gina"

"Ay kabayong palaka na may sungay sa pwet!"

"Hindi ka parin talaga nagbabago. Lagi mo nalang akong nilalait kahit na ang gwapo gwapo ko."

"Hoy ang kapal mo! Hindi kita nilalait no! Masama na bang magulat ngayon? Tsk. Ano bang ginagawa mo dito? Pipilitin mo nanaman ba ako?"

"Gina may sasabihin sana ako.."

"Ano nanaman bang walang kwentang bagay ang sasabihin mo?" mataray kong tanong sa kanya -__________-

"Gina, payag na ako. Payag na talaga ako. Payag na ako sa gusto mo. Liligawan na talaga kita."

Napanganga ako sa sinabi nyang 'yon. Pero totoo ba talaga 'to? Liligawan nya na ako? Totoo? We? Kyaaaaaaaaaa~!

"J-jinjja?"

[Translation: Jinjja = Really? ]

"Oo, gagawin ko lahat para lang mapasakin ka ulit."

"Kahit na masira yung career mo?"

Getting Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon