CHEEP CHEEP

18 2 7
                                    

I see your worth.

 I see your worth

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




"Bakit mo pala ako pinapunta dito, Pau?" Ito ang walang paligoy-ligoy na tanong ni Ken nang makalapit siya kay Pablo, na nakaupo sa usual place nito sa cafeteria.

Mula sa isang paper bag na bitbit ni Pablo, kinuha niya ang isang disposable tupperware at inilahad sa kaharap na binata. Nagdadalawang-isip man si Ken na kuhain, sa huli'y kinuha niya rin ito. "Papatayin mo ata ako eh." Wika niya kasabay ang bahagyang pag-angat ng hawak. Ang pinupunto lamang nito ay ang laman ng tupperware.

Hindi niya lang maunawaan kung anong nais ipahiwatig ni Pablo sa pagbigay nito sa kanya. Gayung aware naman ito sa kanyang health issue tungkol sa pagkain na iyon. "Alam mo namang may allergy ako sa shrimp eh."

"Wag kang assuming, Ken. Hindi naman kasi para sa'yo 'yan. Para kay Felip 'yan." Labag man sa kanyang kalooban ang katotohanan na ang binatang nasa kanyang harapan ay ang ninanais ay ang kanyang kawangis at hindi mismo siya. "Ibigay mo na lang 'yan sa kanya."

"Bakit ako? Pwede naman ikaw na mismo." Pangongontra nito kasabay ang paglapag niya ng tupperware sa table. Kasunod ang paghila sa silya at isinalampak ang sariling nakabusangot na. Hindi niya lang gusto ang ganitong klaseng sampal ng universe na ang katotohanang si Felip ang dahilan kung bakit nakakausap at nagkikita sila ni Pablo.

Imbes na tugunan si Ken, mas pinili ni Pablo na balewalain ang mga salitang narinig sa pamamagitan ng pagdukot muli sa loob ng paper bag. Isang maliit na hawlang kumukulong sa buhay at maliit na nilalang. Naging mas malinaw ito sa mata ni Ken nang tumayo si Pablo at inilahad sa kanyang mukha.

"Eh?" Malaking question mark ang umukit sa mukha ni Ken habang naririnig ang pagcheep-cheep nito.

"Mahilig ka sa food na chicken, diba?" Habang hinihintay niya ang pagsagot nito'y mas lalo lamang niyang ipinagduldulan sa mukha ni Ken ang hawak. "Alagaan mo. Gawin mong manok. At ikaw na bahala kung anong lutong pagkain ang gagawin mo." Ito ang huling kataga ni Pablo bago niya inilapag sa lamesa, katabi ng tupperware ang maliit na hawla.

Dumoble lamang ang question mark sa mukha ni Ken nang tinalikuran siya ni Pablo at piniling lumisan kaysa liwanagin ang mga sinabi nito. Subalit hindi pa man ito nakakalayo ay hinarap muli siya nito. "Thank you gift ni mama kay Felip 'yung tempura. Peace offering ko si cheep cheep sa'yo."



* * * * *

AUTHOR'S NOTE

Thank you for reading Cheep Cheep!
Suggestions, comments, and feedbacks are well appreciated.

P.S. This is the continuation of Standard.

S E K E N I S T O R Y A [on going]Where stories live. Discover now