1
Niña Noel's POV
At Noel's House..........
"Princess are sure of this?" my Mommy Tanya asked "Ofcourse Mommy I'm sure, tsaka I'm a big girl na po so wag na kayo mag-alala ni Daddy" I said to my Mommy again "Princess we will gonna miss you" my Daddy Robert said "Daddy mami-miss din po kita, and syempre Mommy ikaw din" naiiyak kong sabi sa kanila "O sige na umalis ka ng bata ka baka mag-iyakan pa tayo" sabi naman ni Daddy "Mami-miss ko po talaga kayo" hindi ko na mapigilan tumulo na talaga ang mga luha ko niyakap ko sila ng mahigpit. "O sige na umalis ka na mag-ingat ka huh!" pahabol pang sabi ni Mommy sa akin "Opo!, Ingatan nyo po ang sarili nyo wag nyo pong pababayaan ang sarili nyo" sabi ko sa kanila "Oo Anak masusunod, ingat ka huh! I Love You anak!" sabay nilang sabi sa akin Ahhh! How's sweet parang mami-miss ko lalo sila Mommy at Daddy "Opo! ba-bye po I Love You too po so much!" pasigaw kong sabi at lumabas na ng bahay. May naghihintay na pala sa aking kotse upang matiyak nila Mommy at Daddy na makakapunta ako sa aking condo ng maayos at ligtas. Ipapadala na lang daw nila ang aking dream car na regalo nila saakin, Si Baby Bluey (pronounced as: Bluwiy)
Biglang napahinto si Mang Tino "Bakit po? Anong nangyari Mang Tino" kinakabahang tanong ko. "Nasiraan po tayo! Ms. Niña pasensya na po" paumanhing sabi ni Mang Tino "Malayo pa ba Mang Tino" tanong ko kay Mang Tino habang chini-check ang akin relo kung anong oras na. "Hindi nyo po pwedeng lakarin medyo malayo po, pasensaya na po ulit" nakatungong sabi ni Mang Tino "No it's okay Mang Tino, sana po sa susunod bago ho kayo umalis titingnan ninyo kung ok ba ang sasakyang gagamitin nyo" pangagaral kong sabi "Opo! Masusunod po at maraming salamat po, napaka bait nyo talaga pagpalain kayo ng Diyos" natutuwang sabi ni Mang Tino. "Ay! Mang Tino magtataxi na lang po ako, sige po una na ako" sabi ko at inilabas na ang mga bagahe ko "Ms. Niña ako na po at ihahatid ko na rin po kayo sa sakayan ng taxi" magalang na sabi ni Mang Tino at ngumiti, tumango ako at nginitian ko sya pabalik.
At Acevedo Tower..........
Nandito na ako sa aking sariling condo. Ang room ko ay number 2009. Itatapat ko na sana ang balat ko sa sa aking kaliwang pulsohan na isang corona sa isang maliit na camera detector ng biglang na basag ang malaking mamahaling vase sa left ko ng isang gwapong lalaki na nakikipaghalikan sa isang Hipon! Gosh! Gwapo sana kaso pumapatol sa isang hipon ewww. "Not here babe" that handsome boy huskily said Gosh! Sayang talaga sya, hindi nya desrve yan and also he don't deserve that babaeng hipon.
Enough with that nakaka-pangilabot na scene. Pumasok na ako sa aking condo ang just Wow! It's so pretty! I lay on the neon green long sofa. Pupunta na ako sa aking neon green kitchen, lahat ng gamit duon ay neon green because neon green is my favorite color. Magluluto na ako ng aking favorite Kare-kare for dinner, favorite ko yun at masarap akong magluto nun.
Hindi porket laki mayaman di na ako marunong gumawa sa bahay or maglinis at maglaba syempre marunong ako nun. And ofcourse masarap ako magluto, like me Yummy! Hahaha!. Ayan finish na ang Kare-kare masarap ito. Hinanda ko na ang table kanina habang nagluluto ako para ready na, nilapag ko na ang Kare-kare and I started to eat.
After kong maghugas ng pinggan ay tinggal ko na ang gloves ko at dumeretso sa aking kwarto upang maligo. Kakatapos ko lang maligo and then lumabas ako sa sa kwarto para punta sa kitchen at magtimpla ng warm milk for me, pampatulog lang. Pumunta na ulit ako sa aking kwarto at dumiretso sa terrace para makalanghap ng sariwang hangin. Umupo ako sa maliit na sofa and started to drink my milk, Wait! "What the fuck!" mahinang mura ko laking gulat ko ng may makita akong isang gwapong lalaking naka-boxer shorts lang habang umiinom ng mainit na kape.
CRAZY NOTE: Ms.cutiecza,cutieczaCC Thank You Very Much! for the cover of this story.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
© 2015 By CrazyBraMonItch All Rights Reserved
BINABASA MO ANG
Princess's Punishment (On-Hold)
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...