Love on Bike ♥

1.3K 37 3
                                    

Nagising na lang ako sa kalampagan na naririnig ko, alas otso pa lang may nag iingay na. Naistorbo ung tulog ko, bitin ung tulog ko ng two hours. Ok, mahalaga sakin ung tulog ko ng two hours. Kasi nga sayang ung two hours. Lol xD ganito ako pag kulang sa tulog, kulang din sa utak. 

Every weekend na nga lang ako nakakatulog ng mahaba, ni-gambala pa.

Di bali, summer na nanaman, araw araw ng kumpleto ang tulog ko.

Bumangon ako at naghikab ka pa, ginulo ko pa yung buhok ko sa inis dahil kulang ako sa tulog. Malamang, kulang nanaman ako sa utak nito. Lol xD

Pag punta ko sa terrace ng room ko, may nakita akong dalawang malaking truck, tapus may mga lalaki na nagbubuhat ng mga furnitures papasok dun sa tabing bahay namin na binibenta sa loob ng apat na buwan, may bumili na pala. 

At dahil nga inaantok pa ko, humikab nanaman ako, this time, hindi lang hikab, pati inat kasama. Ang sarap kaya mag inat, gawain ng mga tamad na gaya ko, pagtapus ng napaka sarap na inat, napatingin ulit ako sa naglilipat na magiging new neighbor namin.

There I saw a cute and handsome guy. At parang nilagyan nga bloke blokeng  yelo ang paa ko. Nakatingin sya sakin. Nakangiti sya sakin. Tapus umiling at may sinabi pa. Dahil malayo sya, hindi ko narinig. Pero nabasa ko sa lips nya..

"CUTE?" ako ba yung sinabihan nya? 

Tumakbo ako sa kama at nag talukbong ng kumot. 

Gadd, ang bilis ng tibok ng puso ko. Shucks! Nakita nya ba kong uminat? Stupid! Nakita nya ung ganitong itsura ko?

Gulo gulo ang buhok, naka sando lang, at naka suot ng boxer short na cotton. 

Hindi ko alam, nakatulog pala ako, pag tingin ko sa alarmclock ko, 1 pm na? 

Waaaaa, sobra sobra ung tulog ko!! At pagsobra ung tulog ko, malamang, masosobrahan din ang utak ko. Lol xD.

Nag ready na ko para mag bike. Kasi, every weekend, pag sumapit ang 3pm, ibig sabihin mag ba-bike na ko. Yun kasi ang exercise ko. Dun lang ako hindi tinatamad. 

Tulak tulak ko lang ung bike ko pag labas ng gate. 

Enjoy na enjoy talaga ko sa pag ba-bike, nae-exercise ka na, nag eenjoy ka pa sa mga nadadaan mo, ang sarap pa ng hangin na sumasalubong sa mukha, at... feeling ko, ako ung bida sa endless love. Mwahaha..

Pagtingin ko sa kanan ko. (@*#(^$62(($&(@&

Ayun na nga, na out of balance ako. 

Kasi nga, bida ako ng Endless Love, at kung bida ako, syempre may ka love team ako, ung kapitbahay naming cute at handsome. Buti na lang, meron akong proteksyon sa tuhod ko, kung hindi, hindi na ko bida, kasi, papangit na ung skin ko. 

"Hey, sorry. Natakot ba kita?" hindi lang po sya cute and handsome, ang ganda pa ng boses.

"Ah? Huh? Hindi, nagulat lang ako. Hindi kasi kita napansin." tapus inalalayan nya kong tumayo. Hindi lang po sya cute and handsome, maganda ang boses, gentleman pa.

Lumipas ang mga araw, sumasabay sya sakin sa pag ba-bike. Naging friends na kami. Gaya ng sa Endless Love, syempre. Love ko NA sya :)) 

Pero hindi nya alam. Hindi kasi sya mahirap mahalin, kasi maalalahanin sya. Naging mag friends na nga din ung parents namin eh, kasi nga kapitbahay lang namin sila. Two meters lang ata pagitan ng mga bahay namin. 

3 pm nanaman, eto ung pinaka gusto kong oras sa lahat. Dahil, nakakasama ko sya sa oras na to. Nakakapag usap kami sa oras na to..

Paglabas ko ng gate, tinulak ko na lang ung bike ko papunta sa bahay nila, dun naman kasi ung way ko ng pag ba-bike eh. 

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon