"hon! dalian mo baka mabasa ka magkakasakit ka pa nyan." Si ellaine tinatawag ako sa loob ng kotse habang inaayos ko ang loob ng sasakyan para iwan nalang ito sa harap ng isang malahospital na building.
Ako nga pala si mark 24y.o at si ellaine 23y.o naman ang girlfriend ko since high school hanggang ngaung pareho na kaming professional nurses.
Kung nagiisip kayo ng ulan dahil sa mababasa ako eh tama kayo, at di lang basta ulan kundi bagyo pa. February 14, 2013, oo valentines day ngaun at pinaplano ko sanang dalhin si ellaine sa isang romantic na lugar at di lang yun ngaun na sana ang matagal ko nang hinihintay na oras para makapagpropose na ako kay ellaine at dalhin na sa ibang level ang aming relasyon. Pero sa kasamaang palad biglang bumuhos ang malakas na ulan at ang sabi pa sa radio eh mukhang isang bagyo ang darating habang nasa kalagitnaan kami ng pagbabaybay ng daan patungo sa isang beach resort.
10:50pm
Nakababa nako sa sasakyan ko, buti nalang at may payong akong laging dala at talagang dalawa ang nirereserve ko sakaling mangyari nga ang pagkakataong ito.
"bilis hon lika dito." Si ellaine
"grabeh napaka wrong timing naman nang bagyong ito." Ang nasabi ko nalang habang sinasara ang payong.
"nako hon wag na magmukmok at least ngayong valentines day eh magkasama tayo; ok na sa akin yun." Ang nakangiti namang sabi sa akin ni ellaine.
Eto ang nagustuhan ko kay ellaine mukha man syang sosyal at maarte sa panlabas pero ang totoo eh simple at napakalambing pa.
"I love you hon." Ang akangiti kong sabi sa kanya.
Isang matamis na halik lang ang sinukli nya at talaga namang nakakapag-init sa akin.
"tara na pumasok na tayo at makisilong nalang tayo dito sa hospital na ito para naman di tayo ginawin." Ang sabi nya nang kumalas sa halikan namin.
I'm in love with her in everyday of my life kaya naman willing na willing na akong pakasalan sya sa lahat ng simbahan na gusto nyaand I know we are meant to be forever.
Pumanhik na kami ni ellaine sa loob ng building. Mistulan itong isang asylum kesa isang typical na hospital. Isang front desk station ang tumambad sa amin at sa tabi nito ay isang hallway na tingin ko eh patungo na sa mga rooms ng pasyente. Umupo muna kami ni ellaine sa waiting chair pero ilang minuto na kaming naghihintay wala paring dumarating at kahit na nakailang bell na kami sa desk eh tila parang walang tao.
"mukha yatang sanay na ang mga nurses ditto na matulog at abandunahin ang mga station nila. Tsk tsk." Bungad ni ellaine habang nakatayo na't sinisilip ang hallway.
"lika nga dito, hayaan na natin sila mabuti pa eh dito nalang tayo magpalipas ng gabi. Halika higa ka nalang dito sa lap ko at magpahinga mukhang pagod ka pa kanina eh." Agad namang tumalima si ellaine at humiga sa lap ko at ipinatong ang natitirang katawan sa mga upuan. Hindi ko pinapahalata kay ellaine pero parang iba ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Ang tanging lugar na may liwanag at ang station na ito habang ang hallway ay napakadilim na tila wala ng katapusan dahil di ko maaninag ang dulo nito kahit pa ang hagdan na nasa gawing kaliwa namin eh wala ring ilaw. Nagmistulang pinagkaitan ng liwanag ang building nato.
Wala na akong nagawa dahil panay pa rin ang buhos ng ulan at mukhang di pa ito titigil bukas mabuti nalang at may matutulugan kami ni ellaine.
![](https://img.wattpad.com/cover/41056976-288-k939870.jpg)
BINABASA MO ANG
Memories of the heart:the doll
Horrorit is a tagalog horror story. I come to decide to have it in series. I have lots of ideas in mind yet plotting of the stories seem to be difficult than formulation of ideas. I hope you guys would enjoy this one. it is more of learning something good...