Part 3

34 2 0
                                    

Nagising ako sa mahinang pag-iyak ng isang bata. Napagtanto kong wala na si ellaine at di naman sya sumasagot sa tawag ko. Patuloy parin ang mahinang pag.iyak ng bata na unti-unti nang naglalaho sa hallway. Nagpasya na akong hanapin si ellaine at pati narin ang batang umiiyak. Nang mga oras na yun hindi na sumagi sa isip ko ang takot, marahil eh nangangamba narin ako na baka may nangyaring masama kay ellain ng mga oras nayun. Mabuti nalang at nadala ko din ang flash light ko, sinimulan ko nang tahakin ang napakahabang hallway. Nang ilawan ko ito natanto kong napakahaba nito halos din a rin maabot ng ilaw ng flash light ang dulo. Inilawan ko din ang magkabilang gilid ng hallway at mukhang tama ako puro kwarto ang nakahelera duon puro kasi pintuan. Sinimulan ko nang buksan isa-isa ang mga kwarto sa pagbabakasakaling naruruon at natutulog si ellaine o di kaya eh sinasamahan ang batang umiiyak.

Marami-rami na rin akong pintuang nabuksan pero lahat walang laman. Nakatayo na ako sa tapang ng kwartong ito, tinignan ko yung number at nakita ko na room 13 ang nakalagay. Unti-unti kong binuksan at nagtaka ako na ito lang kwartong may laman. Napakaganda ng kwarto at mukhang ito lang din ang may light bulb. Nakita ko ang switch at binuksan ang ilaw. Isang kama, rocking chair at bintana ang tumambad sa akin. "hello may tao ba ditto, ellaine andito kaba?" pinanhik ko ang banyo sakaling naroroon si ellaine pero nabigo ako. Pagbalik ko eh nagulat ako at nakatayo ang isang bata sa pintuan.

Napakaganda ng bata, mejo kulot ang buhok, makinis at maputi ang balat at tila asul ang mga mata. Nakatitig lamang ito sa akin at tila walang expression.

"ahm ineng pasensya na ha akala ko talaga wala nang tao ng building na toh kaya nangahas na akong pumasok sa mga silid kasi hinahanap ko ang fiancée ko." Ang bungad ko sa bata.

"ok lang poh, halika sasamahan kitang maghanap sa kanya. Ako nga poh pala si Amelia." Napakalambing ng kanyang boses.

Sumabay nako sa kanya at may napansin ako. Ang kaninang napakadilim na hallway ay tuluyan nang lumiwanag ang mga sirang bumbilya ay gumagana nang ulit. Nakita ko narin ang kabuuan ng hallway at talagang napakahaba nito. Binalikan ko ang pinanggalingan ko ng may nakita akong nakaputing paakyat ng hagdan.

"teka si ellaine bay un?" tanong ko.

"hindi ang nurse yun" sagot agad ni Amelia.

"matagal ka naba ditto?" tanong ko

"opo mejo matagal na ako ditto, sa sobrang tagal eh nakalimutan na akong balika ng mga magulang ko." Sagot nya.

Patuloy kami ng paglalakad at tila matagal na rin kaming naglalakad ng diretso ng hawakan ni Amelia ang kamay ko. "alam mo matagal ko nang inaasam na magkaroon ng ama ulit."

"ganun ba, ano ba pangalan ng mga magulang mo at nang pagkauwi namin ni ellaine eh mahanap namin sila at matulungang makabalik ditto, kaso napakalblib ng pinaglalagyan ng building nato muka ngang mahihirapan kaming bumalik ditto." Sagot ko sa kanya.

Nabigla ako dahil humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko at biglang nan lamig ang kanyang mga kamay. Hinarap ko sya at nabigla ako. Umiiyak si Amelia. "ahm Amelia may nasabi ba akong hindi maganda?" pag.alo ko sa kanya.

"aalis? Kayong dalawa? Ang mommy at daddy aalis ulit at iiwan ako?" umiiyak nyang turan.

"hindi naman sa ganun hahanapin naming ang mga magulang mo at babalik kami."

"HINDI! Walang aalis at wala nang babalik ditto lang kayo kasama ko!" sumisigaw na si Amelia at nanlilisik ang mga mata.

Memories of the heart:the dollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon