Nag-iba na ang kanyang itsura at lumabas ang mga batak sa makinis nyang mukha na tila mababasag ang mura nyang mga pisngi.
Napabitaw ako sa pagkakahawak sa kanya at tila nanumbalik ako sa katinuan. Sumisigaw na si Amelia at tila nagbabago ang paligid.
"s**t kung bakit di ko naisip yun. Isa lang itong ilusyon at muntikan ko nang makalimutan si ellaine."
Patakbo kong binalikan ang pinanggalingan ko ngunit tila napakalayo na ng station at kahit anong pilit kong takbo ay di ako umuusad.
Patuloy ang aking takbo at pasigaw ko nang tinatawag ang pangalan ni ellaine nang biglang dumilim ang lugar at napunta ako sa isang silid. Tinahak ko ang pinto ng silid upang makalabas habang patuloy kong tinatawag ang pangalan ni ellaine. Ngunit nang buksan ko ang pinto eh muli akong napasok sa silid. Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan ni ellaine ngunit nauubusan na ako nang pag-asa mukhang di nako makaka-alis sa sinumpang silid na ito.
Umupo ako at sumandal sa dingding paharap sa pinto. Nauubusan na ako ng pag-asa mukhang ditto na nga matatapos ang lahat. Di ko namalayang tumulo na ang luha ko.
"alam kong di ako dapat sumuko pero patawarin mo ako ellaine wala na akong magagawa ditto na siguro ako habang buhay." Sabi ko sa sarili ko.
Patuloy ang pagpatak ng luha ko ng may nag.angat ng ulo. Isang bata ulit. Kamuka nya si Amelia pero maikli ang buhok ngunit malamig din ang kanyang kamay na nakahaplos sa pisngi ko. "Amelia?' ang taka kong tanong sa kanya.
"hindi, ako si ruth. Wag kang mag.alala ligtas si ellaine, halika at puntahan natin sya." Napakahinhin at gaan ng boses nya kabaliktaran kay Amelia.
Muli sumama ako sa kakaibang batang ito dala ang nabuhay na pag.asang magkikita kaming ulit ni ellaine. Pagkalabas naming sa silid ay unti-unting nagbago ang paligid, ang mga magagarang ilaw ay nawala na ang kisame at mga kwarto ay sira na at tila natupok ng apoy. At mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko na ang sasakyan ko. Napakatiwasay ng langit ng tingalain ko ito.
"ano ba ang nangyari ditto?" tanong k okay ruth. Ngunit di nya ako sinagot sa halip dinala nya ako pabalik sa pinagupuan namin ni ellaine kanina. At muli nakita ko ang aking pinakamamahal tahimik na natutulog sa mismong pinagtulugan niya kanina.
Lalapitan ko na sana si ellaine ng biglang lumitaw sa pagitan namin si Amelia.
"RUTH! Anong ginagawa mo? Hindi sila pwedeng umalis. Ayaw mo na bang magkaroon ng mga magulang ulit?" sabi ni Amelia bakas ang galit sa boses nito.
"tama na Amelia itigil mo na ito. Hindi sila ang magulang natin dahil wala tayong magulang!' sagot ni ruth.
"Amelia maawa ka palayain mo na kami ni ellaine pakiusap." Pagsusumamo ko kay Amelia. Biglang lumakas ang hangin at mula sa madilim na lugar na pinaroroonan namin ey lumitaw ang mga naagnas nang mga katawan ng nurse, doctor at tila mga pasyente at bisita.
Nanginig ako sa nakita ko at halos manghina ang aking tuhod at di makagalaw. Tanging ilaw na galling sa buwan ang nagsisilbing liwanag namin. Patuloy nang lumalapit sa amin ang mga naglalakad na patay. Tinatagan ko ang aking loob at tumakbo patungo kay Amelia. Nang magkaharap kami ay tuluyan nang nagiba ang itsura ni Amelia at ang nangingitab na asul na mga mata ay napalitan ng mga tila ugat ng kahoy. Nanlilisik itong nakatingin sa akin, ngunit tila iba ang nakikita ko, sa likod ng mga nanlilisik na mata eh punong-puno ng kalungkutan.
Bigla kong niyakap si Amelia. "patawarin mo ako Amelia kung may pagkakasala man ako, at sana mapatawad mo na rin ang mga magulang nyo sa pag-iwan nila sa inyo." Umiiyak kong sabi kay Amelia habang mahigpit ko syang niyayakap.
Unti-unti ang malakas na ihip ng hangin ay humina at huminto narin. Mula sa mga butas sa kisame tumama sa amin ang liwanag ng buwan. At sa di inaasahan isang mainit na luha ang naramdaman ko sa aking balikat.
Umiiyak na si Amelia hinawakan ako ni ruth sa balikat, at kumalas na ako sa pagkakayakap kay Amelia. Sa huling pagkakataon napagmasdan ko ang kagandahan ng dalawang batang magkapatid.
Agad kong tinungo si ellaine ginising sya at niyakap ng mahigpit.
6:00 am
Ipinatong ko ang aking suite kay ellaine at sa pagsikat ng araw tuluyan naming napagmasdan ang building nakanina lang eh halos magpahiwalay sa amin.
Biglang may tumunog na musika tila nanggagaling sa isang music box. Sinundan naming ni ellaine ang tunog papunta sa room 13. Sira sira na ang kwarto pero may pintuan parin ito. Pumasok kami at sa may bintana isang music box ang naruruon at tumutugtog. Tinungo ko ito at nang lumingon ako ay nasarocking chair ang dalawang manika. Magkamuka ang mga ito ang naiiba lang ang haba ng buhok nila. Kinuha ito ni ellaine at kinandong na parang mga bata.
"Amelia at rut hang pangalan nila." Si ellaine. Unti-unti ay tumulo ang luha ni ellaine. "napupuno ng malulungkot na ala-ala ang mga mata nila mark nakakaawa ang nangyari sa magkambal na nagmamay-ari sa kanila." Tila nakikita ni ellaine ang mga alaalang taglay ng mga manika. Nagsimula nang magkwento sa akin si ellaine. Habang nagkukwento si ellaine ay unti-unti nang nagiging abo ang mga manika at pati narin ang music box. Iniwan pala ng mga nagmamay-ari ng mga manika ng kanilang mga magulang sa lugar nay un dahil may sakit sila at nangako ang mga ito na babalikan sila ngunit nabigo silang tuparin ang kanilang pangako at di na muling nakabalik.
Ipinasok ko na si ellaine sa kotse at sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ang lumang gusali. Iiwan ko na ditto ang mga alaala ng kagabi at di ko na rin ipapaalam kay ellaine ito. Sa ngayon matiwasay na ang lugar at sana ganoon din ang dalawang manika na pinagbuklod ng alaala.
"pagpapatawad, minsan talagang napakahirap lalo pa kung ang nagdulot ng sakit sa puso mo ay ang mga taong pinapahalagahan mo ng lubos. Pero kahit ano pa man ang mangyari, ang tunay na kaligayahan ay makakamtan lamang ng taong marunong makalimot at magpatawad ng walang hangganan."
THE END
BINABASA MO ANG
Memories of the heart:the doll
Horrorit is a tagalog horror story. I come to decide to have it in series. I have lots of ideas in mind yet plotting of the stories seem to be difficult than formulation of ideas. I hope you guys would enjoy this one. it is more of learning something good...