PR One - Who am I?

72 4 2
                                    

Hi! Hello :D Second Story ko to! Wala itong matinong plot kita naman sa description diba? Kaya nga Pointless eh :P hahaha. Sa lahat ng pointless it ay may katuturan XD

Tama na ang dada! Gora bells mag basa na :)))

__________________________________________________________________

PR One - Who am I?

"Who am I?"

yan na lang nasabe ko pag dilat ko nang mata ko. Hindi ko din alam kung nasaan ako at pa english english pa ako. Bakit ba ang daming nakapaligid saken? Ano bang nangyari? Artista na ba ako para pag tinginan nila nang ganyan? Ganda ko kase eh! XD pero seryoso bakit nga ba ako nanadito? bastat ang alam ko nag sawa na ako sa amin at lumayas na ako sa papamahay namin. Might as well say na pamamahay nang mga magulang ko haiiy. Naalala ko nanaman yung mga nang yari. Naiiyak nanaman ako.

*flashback*

haayyyy. eto nanaman po may riot nanaman sa bahay, nakakainis ako nanaman! Sabagay palagi naman ako yung mali eh yung magaling kong kapatid na bata at si kuya sila lang naman lagi ang tama sa paningin nang mga magulang ko eh. Kahit na gusto ko na mag suicide mag rebel or something hindi ko magawa kase mahal ko sila at mahal ko ang buhay ko. Maaga pa masyado para mag kita kame ni Lord tska! Anubey! hindi ko pa nakikita ang bad guy nang buhay ko eh. Tska madame pa ako pangarap. Pangarap ko mag karoon ng tunay na kaibigan. Pangarap ko din mahalin ako ng mga magulang ko. Nakakalungkot talaga. Sana ampon na lang ako para ok lang kahit tratuhin nila ako ng ganito pero hindi eh masakit, kase sarili ko silang ka dugo. Kung saktan nila parang manhid at walang kwenta akong tao. Ikaw ba naman saktan ng Physically at Emotionally diba? Nakakainis! Sobra na talaga sila. Naiiyak na lang ako sa mga ganyan sawa na ako. Bahala na napag desisyunan ko na aalis na ako sa impyernong ito. Gabi naman kaya hindi naman nila siguro ako mapapansin diba?

Matagal ko na din pinag handaan ang araw na to. Nag ipon ako kinuha ko lahat ng importanteng documents ko (birth certificate , school record at iba pa) habang nag aayos ako ng backpack ko nakita ko ang family picture namen. Tinignan ko yun haiy ako lang talaga ang panggulo sa pamilyang ito eh. Si mama ayun nakahug kay bunso si papa naka bro fist sila ni kuya ako yun dun sa dulo may sariling mundo. Hindi ko man maatim na makita yon pero dinala ko pa din. WALA. remembrance lang sa mga dinanas kong sakit galing sa kanila. Sinabe ko na ang backpack ko sa likod ko at nag simula na akong lumabas ng bintana. OO bintana. tutal nasa first floor lang naman ako eh mala harry potter pa nga eh yung nasa cupboard siya pero atleast ako may bintana saktong makakalusot ako kase payat lang naman ako. Nag tataka ba kayo bat nasa first floor ako? natural sa secondfloor sila at hindi daw ako bagay doon. Parang maid lang noh?

Eto na successful! Yes na ka labas din ako sa impyernong yun. Sa gate naman inakyak ko na lang yung bakod may lock kase dun sa gate eh dito ako sa likod para naman walang makakita saken may cctv camera din kase dito eh. Haay. eto lusot ako! Yes pero medyo mataas to eh tatalon na lang ako tututal nag gymnastics naman ako date kaya ok lang. 1 2 3 talon!

"Aray. Sheet of pad paper. Mali ang bagsak ko."

Hindi ko na lang ininda ang sakit ng paa. Bahala na bastat kailangan ko na makatakas hindi ako pwede mag taxi makikita ako nung guard dito sa subdivision namen. San kaya pwede? AH! oo tama! Dun sa pinaka dulo sa likod pwede ko akyatin yun highway na nun pag na akyat ko yun. Kahit na takot na takot na ako ikaw ba naman mag lakad mag isa ng 11:10pm eh pero gora bells lang. Eto andito na ako. Akyat akyat. Geez. ang hirap umakyat T^T pero tiwala lang kaya ko to. Eto na yes! Naka-akyat ako. Tumalon ako pababa. Nakalimutan ko injured ako. Napa yuko ako at hinimas ang paa ko kase masakit talaga. Pero pag tayo ko bigalaan na lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pointless Rantings (SUPER DUPER SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon