Ordinary girl lang ako. Yung hindi famous sa campus, hindi pinagkakaguluhan ng mga boys, simpleng estudyante lang.
Gusto ko lang naman maka graduate ng payapa at maka-akyat sa stage na may medalya, alay ko sa mga magulang ko na naghirap para sa pag papaaral sa'kin. Sana ganyan din ang lahat ng estudyante. Pero may kanya kanya naman sigurong paraan ang bawat isa para tumanaw ng utang na loob sa mga magulang nila.
Isa lang naman ang pinagmamalaki kong talento, ang pagguhit. Bata palang ako mahilig na ko mag drowing ng kung ano ano. Lagi nga 'kong pinapagalitan noon ni inay dahil napupuno na sa drowing ang notebook ko kahit kakasimula palang ng pasukan.
4th year high school na ko at malapit nang grumaduate. Sa wakas tatlong buwan nalang at matatapos na ko sa high school.
Pero kung iisipin nakakalungkot din. Kasi magkakahiwalay na kami ng mga kaibigan ko. Tapos may mga bago ka nanamang makikilala sa college. Maraming adjustments ang dapat gawin. Nakakatakot. Ang daming what ifs na tumatakbo sa isip ko. Naranasan din kaya 'toh ng mga senior ko noon?
Maiba naman tayo,
May kwento ako sa inyo. I'll share my one little secret. Sinabi ko lang 'toh sa mga super duper trustworthy at loyal friends ko kaya dapat secret lang natin 'toh ha?
Sinabi kong gusto kong maka graduate ng payapa, pero isang araw ....
Pinaglaruan ako ng tadhana. Bigla nalang akong pinana ni kupido. Badtrip! At kung kanino? Sa pinakagwapo, pinaka HOT at pinakasikat na lalaki sa campus, kay John Tristan Cello.
Alam ko namang hindi niya ko magugustuhan. Tanggap ko yun noh. Nangako rin ako kay nanay na hindi muna mag bo-boyfriend. Kaya ito ako ngayon, pilit na tinatago ang feelings ko.
Nagsimula yun noong isang maulan na hapon. Pauwi na ko at lalabas na sana ng gate. Pero pagkapa ko sa bag ko para hanapin yung payong ko, naalala ko na pinahiram ko pala sa kapatid ko. Aish. Naku naman.
"Pano na toh?" Nasabi ko nalang.
Dahil no choice na ko at ayokong gabihin sa daan dahil mas delikado, tatakbo na sana ako pero may humarang sa daanan ko. Ayun, nagkabanggaan tuloy kami.