Hindi ko akalain na magiging ganito ang buhay ko...
Araw-araw na nasa panganib ang buhay ko na maaarin matapos ano mang oras...
Pero sa totoo lang, ito ang landas na pinili ko... 'Yun ay dahil nawala na ang lahat sa 'kin... Wala na akong babalikan...
At nang dumating siya sa buhay ko, naramdaman kong hindi pala ako nag-iisa at dahil rin sa kanya, naging matatag ako. Siya ang nagbibigay sa 'kin ng lakas ng loob sa lahat ng pinagdadaanan ko.
At kahit na malaki ang agwat namin sa maraming bagay, gusto ko pa ring sabihin ang nararamdaman ko.
Gusto kong tawirin ang linyang namamagitan sa 'min. Gusto kong sirain ang pader na humaharang sa 'min. Gusto ko siyang abutin gaano man siya kalayo...
Dahil mahal ko siya...
------------------------------------
BINABASA MO ANG
Crossing Over
ActionSi Qwyncy, isang tipikal na teenager ay kabilang sa isang mafia . Sariling disisyon niya na sumali sa mafiang ito. Para na rin mapalapit sa taong mahal niya.