(Qwyncy's POV)
*Rrriiinnnggg*
Oh God. Umaga na agad? Well, I better get up and get ready for the day.
Pagkabangon ko, pinatay ko na ang alarm clock ko na kanina pa tumutunog. Nag-unat-unat muna ako bago 'ko hawiin ang kurtina na nakaharang sa bintana ko.
"Haaah...Good morning, sunshine." Sabi ko nang nakangiti.
Nagpunta ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo tsaka ako bumaba papuntang kusina.
"Hmm...Ano kayang lulutuin ko?"
Pagbukas ko ng ref, itlog ang una kong nakita. Sige, ito na lang ang lulutuin ko. Sasamahan ko na rin ng bacon. So, sunny side up with bacon for breakfast. Ok na 'to since hindi naman ako masyadong gutom.
Nagha-hum ako habang nagluluto. Sana naman maging maganda ang araw na 'to.
By the way, I'm Qwyncy Fiolina. Seventeen years old. Mag-isa lang ako dito sa bahay...at sa buhay. Wala na akong mga magulang. They died twelve years ago in a car accident. Napakabata ko pa noon pero mabuti na lang at may kumupkop sa 'kin. Pero hindi mga ordinaryong tao ang kumupkop sa 'kin. Believe it or not, they are mafia. You heard it right.
Natatakot ako noong una pero kalaunan, napanatag rin ako. Hindi kasi ordinaryong mafia ang nag-alaga sa 'kin. Hindi sila gaya ng ibang mafia na parang sindikato. They were somehow...'legal'. Sa tinagal-tagal ko sa kanila, naging miyembro na rin ako ng mafia. Don't worry malalaman niyo rin kung anong klaseng mafia kami at kung ano talaga ako.
Pagkatapos ko namang kumain, bumalik na ako sa kwarto ko. Nagri-ring ang cellphone ko ng makita ko. May natawag pala.
Sinagot ko. "Hello...Bakit naman?...Ah, ganoon ba?...Sige, pupunta na 'ko." Pagka-end ko ng tawag, agad akong nagbihis.
Isang itim na long sleeved collared shirt na hanggang siko ang manggas. Black jeans at syempre, sapatos. Inilagay ko ang earpiece ko sa kanang tenga ko at ang transmeter sa bandang kwelyo ng suot ko. Hindi pwedeng wala ako nito. Kailangan ko 'to para makausap ko ang ibang miyembro ng mafia kahit na nasa malayo ako. At ang panghuli, ang aking Walther P99. Nagsuot muna ako ng sukabitan nito bago ko isinuksok sa tagiliran ko.
Sumakay ako ng kotse para makapunta sa destinasyon ko. Papunta ako ngayon sa isa sa mga quarters ng mafia. Habang nasa byahe, in-on ko ang handsfree device ko.
BINABASA MO ANG
Crossing Over
ActionSi Qwyncy, isang tipikal na teenager ay kabilang sa isang mafia . Sariling disisyon niya na sumali sa mafiang ito. Para na rin mapalapit sa taong mahal niya.