Chapter Two[It's About Everything]

3 0 0
                                    




(Gail's POV)



Habang bumabyahe ako pauwi, bigla kong naalala si Qwyncy. Alam kong may iniisip siya at alam ko rin kung ano 'yun. Iniisip niya ang mafia hier. Si Aizen; ang taong matagal na niyang hindi nakikita. At ngayong babalik na dito si Aizen, sigurado ako na magiging masaya ang trabaho ko.



Kung bakit? Haha. Tsaka niyo na lang malalaman.



Pagdating ko sa bahay, nagpunta agad ako sa kusina. Grabe, gutom na ako. Hindi ako nakapag-almusal kasi ipinatawag nga ako ng head master.



Kumuha ako sa ref ng makakain na pwedeng i-microwave. Hindi kasi ako marunong magluto.



Habang pinapainit ko ang pagkain ko, tumunog ang landline. Pumunta ako sa sala para sagutin ang tawag.



"Hello?"



"Hello, anak. Kamusta ka naman dyan?" Sabi ng boses sa kabilang linya. Si mama pala.



"Ahh, mabuti naman po, ma. Bakit nga pala kayo napatawag?"



"May sasabihin kasi ako sa 'yo. Kanina pa 'ko tumatawag pero wala namang sumasagot. Saan ka ba nagpunta?"



Naku naman... "Ah. Pumunta lang ako sa kaibigan ko. May pinag-usapan lang kami."



"Ahh, ganoon ba? Well, anyway, uuwi kami dyan ng papa mo para magbakasyon at--"



"What?!"



"Oh, bakit? May problema ba?" Tanong ni mama. Kahit na hindi ko kita, alam kong nabigla siya sa reaksyon ko.



"Ha? Ah...ano...wala naman. Nabigla lang ako."



"Hahaha. Is that so? Hmm, hindi na lang siguro kita dapat tinawagan para mas masurpresa ka pagdating namin ng papa mo. Yeah, why I didn't think about that in the first place?"



"Mom, I think you should just come here some other time."



"What? Is there something wrong, dear? Aren't you happy to see us?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crossing OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon