"Keyla!" tawag ko sa kaibigan ko. Si Keyla ay ang aking kababata, pareha kaming lumaki sa ampunan at magkasing edad lang kami. Magkasama kami sa lahat ng dagok ng buhay, kaya sobrang lapit namin sa isa't isa. Itinuring ko siyang parang kapatid kaya kahit mag-away at magtampuhan man kaming dalawa ay naaayos din namin kaagad."O Fhaye, may problema ba?" sagot niya habang ako ay inaayos ang paglalagay ng kobre kama.
"Magpapatulong sana ako sayo, ang hirap-hirap kasi nito masyadong makapal yung kutson parang kakapusin itong kobre kama nato."
"Wag mo na kasing pilitin! O eto, palitan mo yan." sabay abot ng kobre kamang nakatupi.
"Hindi mo ba ako aalalayan? Patulong naman oh." saad ko sa kanya ngunit umupo pa ito sa kamang inaayos ko, at humiga.
"Hay naku! Ang sarap talaga humiga sa ganito kalambot na kama no?"
"Keyla, kailangan ko ng tapusin to ngayon din, marami pa tayong room na aayusin. Tumayo ka na nga diyan." kumibot lang labi niya at nagrolled eyes.
"O siya! Tatayo na." agad naman itong tumayo.
" Alin ba ang aayusin dito? Eh, sa tingin ko mukhang tinapos mo na, itong kama na lang ang hindi." ani niya habang nakataas ang kabilang kilay."Ano ka ba! Dapat lang no?! Kasi baka sumulpot yung manager natin, mapapagilitan na naman tayo, gaya ng dati." napacrossedhands siya at tumango na lang din.
"Akin na nga yang mga unan na yan, papalitan ko na lang ng punda." iniabot ko sa kanya ang mga unan at sinimulan na niyang pinalitan ng mga punda.
"Keyla!"
"Hmmmn?"
"Wag tayong susuko, dalawang taon nalang ang kulang at makakagraduate na tayo. Magtiyaga lang tayo." napasingap lang siya.
"Oo naman, ng sa ganun makahanap tayo ng magandang trabaho at makapagtour din sa ibang bansa."
"Pangarap mo rin talaga ang makapagexplore sa ibang bansa no? Dati kasi parang wala lang sayo." muli niyang ibinaling ang paningin niya sa akin at ibinangga niya ang balikat niya sa kapwa balikat ko.
"Aray ko!" at napahimas ako sa balikat ko."Akala mo ba, hindi ako concern sa pangarap natin? Mali ka girl, pasaway lang po ako pero may pangarap to nuh!" muli siyang nagrolled eyes sa akin ngunit tinawanan ko lang siya.
"Wala namang nakikipagdibate sayo Keyla. Mabuti nga kung ganon para sabay pa rin tayong abutin yun, kahit wala tayong mga magulang."
"Oo naman sister. Promise ko sayo hinding hindi tayo maghihiwalay."
"Promise mo yan ha?"
"Oo...may punishment pag di tayo tumupad sa usapan nating dalawa.
"Game ako diyan."
"Game!" at sabay kaming nag fist bump at nagkatuwaan.
_
_
_Kinahapunan sabay na kaming nag log out ng attendance ni Keyla at pagkatapos nagride of bike lang kami pauwi. Ng makatanggap kami ng paunang sahod namin ay plinano na namin ni Keyla ang bumili ng bisiklita para maging service for work namin at ng makatipid ng pamasahi. Di naman masyadong malayo ang unuupahan naming apartment kaya habang maayos ang kondisyon ng bisiklita ay patuloy lang. Ng makarating kami sa apartment ay dali-dali siya sa pagpasok sa kwarto namin. Nagtaka ako kaya napatanong ako sa kanya.
"Ba't ba nagmamadali ka? Nandito na tayo sa bahay eh." ani ko habang mabilisang hunubad ni Keyla ang suot niyang sapatos at damit.
"May lalakarin ako Fhaye! Hindi kaba sasama?"
"Sasama saan?"
"Magjajam kami ng mga dating klasmeyt natin noong highschool life."
"Sino-sino nga ba?"
"Ay naku wag ka ng magtanong." dali-dali niyang kinuha ang towel at kumaripas ng takbo patungo ng banyo.
"Mag-iinuman na naman ba kayo?" saad ko sa kanyang kaya tumigil siya.
"For refreshment lang Fhaye. Come on join with us."
"Hindi ako umiinom." malungkot kong saad sa kanya.
"Mag-usap nalang tayo pagkatapos kong maligo. Oh, kung gusto mong maligo sabayan mo na lang ako."
"Ayoko! Dito na lang ako, maghahanda na lang ako ng kakainin mo pag-uwi."
"O sige, ikaw bahala!" ani niya at tuluyan ng pumasok sa banyo para maligo. Nagtungo nalang ako sa kama at ibinagsak ang katawan ko. Napahilot ako sa aking noo habang nakatingin sa kisame.
"Maiiwan na naman ako dito." pagmumuni-muni ko at pinalitan ang posisyon ng pagkakahiga ko sa pagkakadaob. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang facebook ko.
"Napakaboring hayss!!! muli kong inalapag na lang ito sa higaan at isinubsob ang mukha ko sa mga bisig ko. Di ko namamalayan nakaidlip na pala ako. Nagising ako ng maramdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko."Oyy Fhaye gising." itinaas ko ang mukha ko at bumagad sa akin ang bihis na bihis na awra ni Keyla.
"Aalis na ako. E-lock mo yung pinto ha? At h'wag na h'wag kang magpapapasok sa kung sino-sino man lang dito, lalo na't di mo kilala."
"Uhhh..." ungol na tugon ko sa kanya.
"Tatandaan mo yan!" at dinuro pa niya ako.
"Oo na, paulit-ulit mo ng pinapaalala yan sa akin."
"Tatawagan na lang kita, pag-uwi ko." bumangon ako sa pagkakahiga at sinundan siya sa paglakad patungo sa main door.
"Sige Fhaye, tawagan mo lang ako pag may problema.""Sige Keyla, ingat ka ha?" niyakap ko muna siya.
"Wag mo na lang akong ipagluto, magpapadeliver na lang ako ng food dito. E rereceive mo na lang sa rider." tinugunan ko siya ng munting ngiti at tumango.
"Sige, ako na ang bahala."
"Bye!" sabay kaway ng kamay niya at ginantihan ko rin siya.
"Bye, ingat!" mabilis niyang nilisan ang apartment namin at di katagalan wala na akong nakikitang bakas niya. Pumasok na ako sa loob at inilock ng maayos ang pinto. Pagkatapos ay napasandig muna ako dito.
"Hays!" sabay hipo ko sa aking noo.
"Mag-isa na naman ako dito." at muli ay lumakad na ako pabalik sa silid, kinuha ko muli ang phone ko at iniinsert ang headset. Hinubad ko na rin ang lahat ng aking saplot sa katawan at pumasok sa banyo na dala ang tuwalya. Ini-on ko ang gripo ng bathtub at ng mapuno yun agad na akong nagsalin ng milk bath liquid soap.
"Makapagbathtub na nga lang." inilublob ko ang buong katawan ko sa tub at inienjoy ang music habang ipinipikit ko ang aking mga mata.
YOU ARE READING
Finding 'FHAYE SALVACION'
General FictionMy name is FHAYE SALVACION, age 19, an orphan, working as roomgirl of HOTEL OF MARSHALL KINGDOM for over a year. Lumaki sa bahay ampunan, mag te third year college na next year. Do you like to ask me why I'm working here? Sinasanay ko ang sarili ko...