Nagising ako ng ng alas dose ng gabi, paglingon ko sa likod ko wala paring kahit anino ni Keyla na nagpapakita sa akin.
Napasapo ako sa noo at nagmamadaling bumangon, humarap ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko. Narinig ko ang message tone ng phone ko at tsinek ko eto.
"CARLA: Hoy FHAYE asan ka? Puntahan mo kami dito sa bar." message ni Carla sa akin.
Agad na akong nagtaka sa text niya. Kaya tinawagan ko siya.
"Hello Carla? Hating gabi na, kailangan ko ba talagang magpunta diyan?" usal ko at agad niya namang sinagot.
"Oo naman, puntahan mo si Keyla naparami na ang inom nito." napasingap ako at napakamot sa ulo.
"Oo sige na, magbibihis lang ako."
"Bilisan mo ah, mahaba pa ang oras."
Dali-dali akong nagbihis at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos kinuha ko ang leather jacket at sumbrero at isinuot.
Lumabas narin ako ng apartment at nag-abang ng sasakyan papunta sa bar. Agad naman akong nakasakay. Muling tumunog ang phone ko at sinagot itong muli.
"Oyy babae, asan kana? Matagal ka pa ba?"
"Hayst! Bumabiyahi pa ako."
"Ano ba yan ang tagal!"
"Oo na, hintayin niyo lang ako diyan total malapit na ako."
Agad ko ng pinatay ang phone ko at after five minutes nakatunton na namin ang bar.
Agad akong nagbayad sa mamang driver ng pamasahi at dali-daling lumabas ng taxi.
Patakbo ako ng pumasok sa bar, agad ko silang hinanap pero nahirapan akong aninagin ang paligid dahil sa mga disco light na tumatama sa mukha ko.
Siksikan at ang daming tao, halos mabangga na ng mga tao dito ang dibdib at pwetan ko sa sobrang sikip.
May sumasayaw sa dance floor, at kahit saan mang sulok.
"Arayyy!" hiyaw ko ng maapakan ng isang lalaki ang paa ko.
"Ay ma'am sorry po!" paumanhin ng lalaki matapos maapakan ang paa ko.
"Ayos lang!" at paika-ika akong lumakad at sumiksik pa ng husto sa karamihan.
"Pambihira naman oh, nasan ba ang mga bruhang iyon." pagmumuni-muni ko at halos humaba na ang leeg ko sa kakatanaw kong asan sila.
"Wetweeeew!"
Pagsipol mula sa second floor at napahangad ako. Tumambad sa akin ang hitsura ni Carla na halos umabot sa tenga ang ngiti.
Kinawayan niya ako kaya ginantihan ko rin siya.
"Ditoooo!" sigaw niya at tumango ako.
Agad na akong umakyat sa hagdanan at tinungo ang table nila.
Di kalayuan tanaw ko si Keyla na sumasayaw na ito sa taas ng couch dahil sa sobrang kalasingan.
"T*ngina lasing na ang malanding to." pagmumuni-muni ko at nilapitan na sila.
Agad akong sinalubong ni Carla ng yakap at hinalikan pa ako sa pisngi.
*Yohooo! Andito na ang baby namin." usal niya at pagak pang tamawa.
Hinablot ko ang laylayan ng dress ni Keyla at muntikan na siyang mahulog sa couch.
"Ayy...grabe ka naman. Ipapahamak mo pa ako." bulyaw niya.
"Lasing kana! Uwi na tayo." bulong ko sa kanya pero umiling lang siya.
YOU ARE READING
Finding 'FHAYE SALVACION'
قصص عامةMy name is FHAYE SALVACION, age 19, an orphan, working as roomgirl of HOTEL OF MARSHALL KINGDOM for over a year. Lumaki sa bahay ampunan, mag te third year college na next year. Do you like to ask me why I'm working here? Sinasanay ko ang sarili ko...