CHAPTER 1

239 9 22
                                    

"Pasok na 'ko, at kung pwede, wag nyo na rin akong ihatid sundo pa, 'di naman na ako bata na naliligaw pa kung saan saan e," inip na sabi ni Aiden at agad na lumabas ng sasakyan. Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at sinimulan ng maglakad patungo sa entrada ng kanilang paaralan.

Magmula kasi noong namatay ang ina ni Aiden ay naging malayo na ang loob niya sa kanyang ama. Hindi niya alam kung papaano humantong ang lahat sa ganito gayong wala naman siyang nakikitang dahilan para hatakin ang kutob niya at pagdudahan ang kanyang ama.

Siguro nga'y labis lang siyang nasaktan sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na babae at ganoon na lamang kabilis nagbago ang lahat para sa kanya. Sa asal, sa kinagawian, sa pakikipagsalamuha at sa lahat ng mga hilig niya noong nabubuhay pa ang kanyang Mommy ay tuluyan na niyang kinalimutan. Mga bagay na ginagawa niya na natutunan niya mula pa rito ay hindi na niya binibigyang halaga pa maging ang pagluluto na isa sa kanyang pinaka paborito.

Nasa bukana pa man si Aiden ng campus nila ay tanaw na niya ang kumpulan ng mga estudyanteng nagtatawanan at naghahampasan sa harap ng bawat klasrum. Nang tuluyan na siyang makapasok ay napansin niya agad ang isang banner na nakapaskil sa gilid ng isa sa mga klasrum na nakahanay sa may gawing kanan ng hallway.

Look closely at the present you are constructing,

it should look like the future you are dreaming.

~Alice Walker


"Boring," bulong ni Aiden sa sarili at napatingin naman sa gawing ibaba nito, mumunting hardin na may mga nakatanim na mamula-mulang rosas.

Sinimulan na nga niya ang paglalakad papuntang Coordinator's Office para kunin ang kanyang admission entry slip na kinakailangan niya upang siya'y makapasok sa kanilang klasrum.

Habang tinatahak ang hallway ay unti-unti naman syang nakakaramdam ng mga titig na nakatuon sa kanya ng mga estudyanteng kamakailan lang ay busy sa pag chichismisan. Nakakamangha lang na unang araw pa lamang ng pasukan pero pakalat kalat na agad ang mga Marites sa bawat sulok ng kampus.

Ipinagsawalang-bahala niya na lamang ang mga ito at muling nagpatuloy sa paglalakad.

Nang marating na nga ni Aiden ang office ay kumatok muna siya sa pinto upang masigurong may tao sa loob ng silid ngunit ng wala siyang tugon na natanggap ay nagdesisyon na rin siyang pihitin ang door knob at tuluyan nang pumasok.

"Good morning, ma'am. Can I get my entry slip?" agad na bungad ni Aiden nang makalapit sa matandang babaeng naka eyeglass na nasa gawing dulo ng silid. Nakaupo ito sa isang itim na swivel chair at kasalukuyang nagbabasa ng libro.

Lumipas ang tatlumpung segundo saka nito binaling ang tingin sa kanya. Kumunot naman agad ang noo nito ng magtama ang kanilang mga mata.

"You better give me one valid reason why you're wearing not white but black shirt, Mr.?" deretsahang tanong nito na ngayon ay nakapokus na kay Aiden. Tinitigan lang ito ni Aiden at nang mapansin ng babae na wala siyang makukuhang sagot mula sa estudyante ay bumuntong-hininga na lamang ito at pailing-iling na sinara ang libro at saka ito ipinasok sa isang may kaliitang karton.

Napadako naman ang tingin ni Aiden sa pangalang nakaukit sa isang wooden name plate sa harap ng mesa ng babae.

MRS. MARGAUXXE S. LOPEZ

'I see, the name says it all.'

"Look, first day of the school year yet this is how you greet your first class? You're not thinking this is a public school, are you?" pagpapatuloy pa nito.

Deep CutsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon