PROLOGUE
Gusto ko lang naman mahanap ang true love ko e.
Gusto ko yung panghabambuhay na.
Gusto ko yung makakasama ko hanggang sa tumanda.
Hanggang sa pumuti na lahat ng hibla ng buhok ko.
Hanggang sa mangulubot na ang balat ko.
At hanggang sa huling hininga ko.
Bata pa lamang ako, bukambibig ko na ang mga salitang true love, destiny, prince charming.
Pangarap ko na makita ang lalaking para sa akin.
Nakakagalitan nga ako ng Inay ko dahil dito, napakabata ko pa daw kase para mga bagay na iyon.
Pag-aaral daw muna intindihin ko.
Dagdag pa nga ni Inay, hanap pa daw ako ng hanap e baka nandiyan lang iyon, baka nga daw ang bestfriend ko pa. Bestfriend?!
Pft. HAHAHAHAHAHAHAHA! Si Lucas? Seryoso ba si inay?!
Ilang araw ko inisip iyon.
Ilang araw ko inisip ang gagawin ko.
Dahil sa sinabi ng nanag nagkaroon ako ng ideya...
Wala namang imposible hindi ba?
Hindi naman masama kung susubukan ko?
...Napagkasunduan namin ni Lucas na maging kami.
Kung hindi man ito mag-work out, magiging magbest friend pa din kami. Iyan ang deal namin.
At eto ang aming kwento...
-
(A/N: Tuloy ba or hindi?)
BINABASA MO ANG
Will It Work Out Or Not
RandomIsang storya tungkol sa matalik na magkaibigan na nagpagdesisyunang magkaroon ng relasyon na higit pa sa magkaibigan, sa pagiging bestfriends.