CHAPTER 21:

51.6K 1.1K 467
                                    

CHAPTER 21:

DANGER

Sinubukan  kong sabihin sakanya, kaya lang wala e. Kahit yata anong gawin ko sakanya hindi na siya lalambot.

''Oy Danger, saan ka galing?'' tanong sa akin ni Harper.

''Oo nga bat bigla ka nalang nawawala, tas bigla ka ring susulpot. Uod kaba??'' tanong naman ni Mea.

''Hinde may pinuntahan lang akong importanteng tao.'' tipid na sagot ko. Tulog pa rin si Twaylem hanggang ngayon..

''ang importante naman yata ng taong yan at naiwan mo pa si Twaylem.'' sabi naman ni Britt, silang tatlo lang kase ang nandito. Yung iba umuwi muna para matulog at maligo, salit-salitan kase ang pagbabantay sakanya..

''Tutal nandito kana, pwedeng umuwi muna kami?? Magpapalit lang kami ng damit maliligo na rin.'' pag papaalam naman ni Mea.

''babalik din kami promise..'' sabi naman ni Harper.

''Sige, okay lang. Ako na munang bahala sakanya..''

''Oo, umalis na kayo dito. Ang iingay niyo e! Mga walang konsiderasyon tong mga 'to.'' sabat naman ni Britt.

''Manahimik ka dyan, uuwi ka din.'' mataray na sabi Mea habang hinahatak niya ito.

''Ayo--''

''Ipag da-drive mo kami.'' tumingin sa akin si Britt, yung tingin na para bang humihingi ng tulong.

''Danger hindi mo man lang ba ako tutulungan dito?? Langhiya naman o! Save me!!'' hintak ni Harper yung collar ni Britt at hinila papalabas. Tinawanan ko nalang ang mga ito.

Nang makaalis na sila, lumapit ako ng bahagya sa kinaroroonan ni Twaylem. Hindi ko kasi siya pwedeng hawakan o tabihan man lang, yun yung utos ng doctor e. Tsaka imposibleng makalapit ako, dahil may malinaw na plastic na nag sisilbing kurtina ang nakaharang sa pagitan naming dalawa.

''Twaylem, alam ko naman na alam mo kung gaano kita ka mahal diba?? Pero kase, gusto kitang maging masaya. Mahirap na pakawalan ka, alam ko masaya kana sa akin. Pero kahit hindi mo man aminin sa akin, alam ko na siya pa rin yung gusto mo.''

habang sinasabi ko sakanya yan, hindi ko maiwasang malungkot. Pinipigilan ko ring maiyak, dahil alam ko na ayaw niyang makita niya akong nalulungkot.

''Mahal kita, alam mo naman yun diba?''

Nag punas ako ng luha at lumapit dun sa plastic na harang.

“Kaya mo yan.. huwag kang bibitaw… Kase mahal na mahal kita…”

**

Habang lumilipas ang mga araw, pa grabe ng pagrabe ang lagay ni Twaylem.

LABYRINTH ACADEMY SEASON II LABYRINTH ACADEMY [TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon